FRIENDS

38 3 0
                                    

Wala si Adam dito ngayon sa bahay at mukhang may free time lang talaga siya kahapon.

Kasalukuyan ako ngayong nandito sa sala at nanonood lang sa TV nangg makita ko ang mukha ni Adam. Kasama siya sa mga mahahalagang tao na dumalo sa pagbubukas ng isang art gallery.

Tulog pa ako nung umalis siya kaya hindi ko alam kung saan siya pupunta. Napangiti naman ako habang nakatingin sa TV dahil gwapo pa rin si Adam sa TV, mas pogi nga lang sa personal.

Habang nanonood ay nangunot ang noo ko dahil may babaeng lumapit sa kanya at sinubukang hawakan ang kamay niya. Medyo hindi iyon natutukan ng camera pero kitang kita ko na sinubukan niya.

Ngunit napakibit-balikat naman ako dahil wala naman iyon sa akin, kung may nobya man siya o may ka-date o may hawakan na ibang babae. Ang trabaho ko lang ay alagaan siya at bigyan ng anak kapag dumating na ang tamang panahon.

Iyon ang kasunduang ginawa ni Mrs. Ross. Ngunit mas maganda raw na mahalin namin ang isa't isa ngunit mukhang malabo iyong mangyari lalo pa't minsan ay parang ako yung babae sa TV. Hindi niya kinakausap at mas madalas gusto niyang mag-isa.

Tahimik lang akong nanonood nang makita ko na parang hindi komportable si Adam sa pwesto niya. May babae sa likod at gilid niya, parang hindi siya sanay.

Inobserbahan ko pa iyon ng mabuti at nakita kong may isang men in black na lumapit kay Adam at umalis sila sa pwesto na iyon at kasalukuyan na ngayong nasa mga kapwa niya lalaki si Adam.

Nagbigay ng maikling speech si Adam bago pumunta sa upuan niya at umupo doon. Bigla niyang inilabas ang cellphone niya at parang may tatawagan, ang mga camera naman ay naka-focus sa kanya at sa iba pang billionaryo.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang telepono dito sa bahay dahil wala naman akong cellphone kaya dali-dali ko namang pinuntahan iyon at kaagad na sinagot.

“Hello, who's this?” bungad ko pagkasagot ng tawag at kinuha ang telepono at umupo ulit sa sofa at pinanood si Adam.

[“It's me,”] ani nung tao sa kabilang linya na si Adam pala.

Bakit siya tumawag?

“Okay ka lang jan? Maraming tao,” ani ko habang pinanonood siya at bigla naman siyang napatingin sa camera.

[“So you're watching me,”] aniya kaya napatango-tango ako kahit hindi niya ako nakikita.

“Bakit ka pala tumawag?” tanong ko.

[“I just want to remind you to not leave the house,”] aniya kaya naman ay napatango ako ulit kahit di niya ako nakikita.

“Wala naman akong pupuntahan,” pagsasabi ko ng totoo at nakita ko siyang napatango-tango, dahil pinanonood ko siya sa TV.

[“That's all. Goodbye,”] aniya habang nakalagay pa rin sa tenga ang cellphone niya at di pa pïnápátáy yung tawag.

“Ba-bye din. Ingat ka,” ani ko at ako na mismo ang pumatay ng tawag at nakita kong ibinalik niya na ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya.

Napabuntong hininga naman ako at ibinalik ko na ang telepono kung saan iyon nakalagay at nilapat na ng channel yung TV.

Nung ayaw ko ng manood ay pinatay ko iyon at napasandal na lang sa sofa.

“Ano bang gagawin ko? Halos nalinis ko na ang buong bahay,” ani ko dahil wala naman kaming kasambahay dahil ayaw nun ni Adam.

Napabuga ako ng hangin at saktong pagtayo ko ay biglang tumunog yung doorbell.

Binuksan ko ang pinto ng bahay at nakita ko ang isang men in black na naglakad papunta doon sa gate.

“Hindi kami kalaban!” sigaw ng isang babae.

“Girlfriend ako ni Nulan,”

“Manliligaw ko si Atlas,”

“Fiance ako ni Yin,”

“Asawa ako ni Saber,” sunod-sunod na ani nung mga babae na nasa labas.

“Hindi ho kami pwedeng magpapasok hangga't—” pinútöl nila yung lalaki.

“Tatawagan ko si Nulan,” ani nung isang babae.

Dinig na dinig ko sila mula rito at medyo kinabahan ako dahil may bisita si Adam? Hindi ako prepared at lalong wala si Adam ngayon dito.

“Ikaw na sumagot,” ani pa nung babae at nakita kong may hawak ng cellphone yung lalaking men in black at napatakbo ako papunta sa kusina dahil binuksan na niya yung gate.

What should I do? Hindi ko alam.

Babatiin ko ba sila? Ano bang ginagawa nila rito? Bibigyan ko ba sila ng pagkain?

Wala pang bisitang pumunta sa bahay ni Adam! Simula nung tumira ako dito sa bahay niya ay kaming dalawa lang madalas ang nandito at yung mga men in black lang ang tanging nakikita ko.

“Hello?! May tao ba dito?!” sigaw ng isang babae kaya pinakalma ko ang sarili ko at inisip ang mga itinuro ni Mrs. Ross sa akin noon bago ako lumipat sa bahay na ito.

“Hi, wala pa si Adam,” ani ko paglabas ko ng kusina at nakita ko silang apat sa sala na may hawak na mga pagkain?

“Hi! Ikaw ba si Aryn?” tanong nung isang babae at napatango naman ako at bigla niya akong dinamba ng yakap.

“Waaa! Ngayon ko lang nakita ang asawa ni Adam! Ganda mo,” ani nito habang yakap-yakap ako.

Bahagya naman akong tumawa at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

“I'm Jai by the way,” ani nito at ngumiti sa akin.

“I'm Floryn,”

“I'm Carmilla,”

“And I'm Hanabi,” ani nila na sunod-sunod kaya naman ay napangiti ako at nginitian din nila ako pabalik.

“Tama nga ang sabi-sabi nila. Masyadong mahinhin, mabait at kalmado ka talaga!” sigaw ni Hanabi kaya naman ay napangiti na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Bigla na lang nila akong hinatak papunta sa dining area dahil may mga dala silang pagkain na sila pa pala ang mismong gumawa.

“Sinadya ka namin dito dahil wala pala si Adam, ‘lam mo naman ang isang yun, palaging galit at malamig. Pinaglihi yata sa yelo,” ani ni Jai kaya bahagya akong natawa.

“Hindi naman,” pagtatanggol ko kay Adam at tinaasan niya ako ng kilay.

“Syempre asawa ka niya,” ani ni Jai kaya napakamot na lang ako sa batok ko.

“Sorry, ganyan lang talaga siya,” ani ni Carmilla.

“Hindi, okay lang. Walang problema,” ani ko at bigla akong inakbayan ni Jai.

“Magiging friends na talaga kami nito,” ani ni Jai at natawa naman yung tatlong babae.

Friends? Magiging kaibigan ko ba silang apat?

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now