HUG

25 2 0
                                    

Iisang van ang sinakyan namin. Tanghali noong umalis kami sa bahay at nagpaalam ako sa kanilang lahat. Hindi ko naman na nakita si Maridel pagkatapos nung nangyari sa covered court.

Kagaya nung sinabi ni Adam kagabi ay umalis nga kami kaagad kinabukasan. Bumalik din ako kaagad sa kwarto ko pagkatapos noon dahil ayaw kong malaman niyang narinig ko ang ilan sa pinag-usapan nila.

Hanggang ngayon ay iba pa rin ang aura ni Adam at hindi ko siya halos malapitan dahil baka wala pa siya sa mood at kailangan niya ng space.

Hindi ko na tinanong kung anong nangyari dahil labas naman na ako doon. Kasal kami sa papel at wala sa kasulatan na pinirmahan ko na mangialam sa mga nangyayari sa buhay niya.

Tatlo lang naman ang kailangan kong gawin habang asawa siya.

Alagaan siya.
Protektahan siya kung kinakailangan.
Bigyan siya ng anak.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kanina pa sobrang lalim ng iniisip ko.

“Okay ka lang?” tanong ni Jai na nasa tabi ko lang dahil lahat kaming babae ay nasa bandang likod nitong van habang sina Adam at yung iba pang lalaki ay nasa harap.

“Oo naman,” ani ko at ngumiti sa kanya.

“Beast mode si pare 'no?” ani ni Jai at nginuso si Adam na magkasalubong ang kilay habang nagdadrive.

“Yes,” ani ko naman at pinagmasdan na lang si Adam dahil hindi ko nga siya malapitan.

“Alam mo ba kung anong ginagawa kapag ganyan ang partner mo?” tanong ni Jai kaya naman ay napailing-iling ako.

“Yakap lang ang katapat niya,” ani ni Jai at tumango tango pa sa akin.

Yakap?

“Hay na'ko Jai. Kung ano-ano na naman ang tinuturo mo kay Aryn,” ani ni Carmilla na nasa likod lang namin.

Halos bulungan lang din kami dahil tahimik lang yung mga lalaki sa harap.

“Para kayong bubuyog jan,” ani ni Yin at napalingon sa amin.

“Bulong nang bulong,” ani ni Nulan na may takip sa mata at halatang matutulog.

“Shut up. Girls talk to,” ani ni Jai kaya naman ay napatango na lang Yin at humarap na ulit sa unahan at nagbulungan na naman kami.

“Medyo totoo yun,” ani ni Floryn na katabi ko rin pero nasa left side ko siya.

“See? Effective yun,” ani ni Jai na nagmamalaki kaya naman ay napatango-tango ako.

Yakap, huh?

“Try mo kapag nakauwi na tayo,” ani ni Hanabi at parang kinikilig pa.

“Nakahanap na rin ng anghel yung demonyo,” bulong ni Carmilla na hindi ko narinig.

“Pardon?” ani ko kay Carmilla at umiling-iling naman siya.

“Worth it yan,” ani ni Jai at nagthumbs up pa sa akin kaya napangiti ako.

Sana nga effective. Palagi na nga siyang nakabusangot, bad mood naman siya ngayon.

Masaya ang byahe namin. Siguro ay aabutin kami ng dalawang araw at kalahati dahil medyo traffic.

Maggagabi na at tulog na silang lahat maliban sa amin ni Adam. Gusto ko siyang ia-approach pero siguro ay kapag kami na lang dalawa. Wala rin naman akong sasabihin ngayon.

Nasa may paahan ko yung maleta ko kaya kinuha ko ang isang coffee doon na paborito ni Adam. Alam kong hindi siya matutulog kaya iaabot ko na lang ito.

Gumalaw ako sa upuan ko at bahagyang tumayo para maiabot kay Adam yung coffee. Kinuha niya naman iyon at nanatiling tikom ang bibig ko.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now