Hindi ko alam na nakatulog pala ako at nagising na lang ako dahil naramdaman ko na may humihila sa akin habang ako ay nakaupo sa sahig.
Naramdaman ko na masakit na ang pang-upo ko kaya napamulat ako at napatingin sa paligid. May nakapasak na ring tela sa bibig ko at sobrang dilim ng tinatahak namin.
“Gising ka na? Mabuti naman,” ani ng isang pamilyar na boses.
Yung lalaki kanina.
“Ipapasok kita sa isang selda, kasama nung iba, kawawa ka naman kasi kung mag-isa ka lang,” aniya at tumawa na parang baliw habang ako ay nanginginig na.
Nasaang lugar ba ako? Nakarating na kaya ang nangyari sa mga Ross? Isa na naman akong problema.
Wala ka na talagang nagawang tama, Aryn.
Hanggang ngayon ay sakit ka pa rin sa ulo.
Biglang huminto sa paglalakad yung lalaking kumakaladkad sa akin at napabuga pa siya ng hangin.
“Argh, nakalimutan kong nasa arena pala sila ngayon, kaya mag-isa ka pa rin. Doon ka na muna pansamantala habang ginagamit ka namin para sa pera,” aniya at bigla akong pinatayo at ibinato sa isang gilid.
Napadaing naman ako dahil ang kanang kamay ko ang tumama.
Hanggang ngayon wala pa rin akong laban.
Lumapit pa siya sa akin at tinanggal ang tela sa bibig ko pagkatapos ay sinampal ng malakas at tinutukan ng patalim sa leeg.
“Ang sarap mong gilitan,” aniya at parang baliw na tumawa at lumabas na nung selda.
“Bye bye, little rat,” aniya at naglakad na paalis.
Nanghihinang napahiga naman ako sa lapag dahil sa ang selda na ito lamang ang may liwanag, yung sa labas ay madilim. Kaya kahit tangkain ko man na tumakas ay mahuhuli nila ako dahil wala akong nakikita sa labas.
Sa pagkakataong ito, makakatakas pa kaya ako?
Nagulat ako nung biglang may kumalampag at nakita ulit yung lalaki sa labas nung selda na galit at parang nababaliw na.
“Ayoko talagang gawin to pero, kulang kami sa manlalaro ngayon, ikaw na muna ang papalit doon sa namatay na isa,” ani nito sa akin at binuksan yung selda at pinatayo ako at tinulak tulak pa habang ang dalawang kamay ko ay nakaposas.
“Mabuti na lang pala at dito kita dinala, isang diretso lang at nasa arena na tayo,” aniya habang hila-hila na ako at laking gulat ko dahil may nakita akong lalaki sa lalaki na nagbubugbugan at biglang natumba yung isa.
“And the winner is, the undefeated champion! Black Venom!” ani nung isang lalaki na nakatayo sa harap nung dalawang nagsuntukan pero yung isa ay nakatumba na.
“Napakagaling talaga ng p*tang*nang lalaking yan, kahit mga naka-droga kong manlalaro ay di siya matalo,” ani nung lalaking may hawak sa akin at pinaupo ako sa isang upuan habang may isang lalaki ulit ang gustong kumalaban doon sa ‘undefeated champion’ nila.
Ngunit kagaya noong nauna ay natalo rin ito matapos ang limang suntok.
May biglang tumawag sa lalaking kasama ko at naiwan akong mag-isa sa upuan at nagulat na lang ng bigla akong hawakan ng isang lalaking malaki yung katawan.
“Ikaw na ang susunod,” aniya at bigla akong tinulak papasok doon sa parang kulungan kung saan nandoon din yung black Venom nila.
“S-sandali—” ani ko ngunit wala na ring nagawa.
“Tsk. Ikaw? Isang patpatin na babae?” ani nung lalaking malaki ang katawan at napaharap ako sa kanya.
“H-hindi ako—” bago pa ako makapagsalita ay bigla niya akong sinugod at mabuti na lang ay nakaiwas pa ako kaagad, dahil kung hindi ay malamang durog na ako.
“Huwag na nating patagalin ang laban, wala ka namang binatbat sa akin,” aniya at nagpaulan ng sunod sunod na atake at kahit nanghihina ay takbo lang ako ng takbo at iwas nang iwas.
Paano ko lalabanan ang isang kagaya niya? Hindi dapat ako nandito.
“Puta!” pagmumura niya dahil hindi niya ako matamaan dahil payat ako at mas mabilis kumilos dahil mas maliit din ako sa kanya.
Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa sunod sunod niyang atake. Pawis na pawis na rin ako katatakbo.
Ano ng gagawin ko?
Alam ko sa sarili ko na wala akong laban sa kanya, kaya naman ay inipon ko lahat ng natitira kong lakas at kaagad siyang pinagbuhatan ng kamay. Naalala ko rin ang itinuro ni Mr. Ross sa akin kaya lahat ng enerhiya ko ay ibinigay ko na.
Tumumba siya sa sahig. Hindi dahil sa ginawa ko, kundi dahil sa isang bala ng bárïl na tumama sa ulo niya.
Pagod na pagod na ko.
Bigla ay napaluhod din ako sa sahig. Dumadanak na ang dugo niya sa sahig at natalsikan din ako noong nabaril ang lalaking kaharap ko.
Bakit ba sa'kin to nangyayari? Hindi ko maintindihan. Napaka gulo na ng buhay ko, ngunit hindi ako pwedeng bumigay na lang dito.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa akin at kinaladkad ako palabas sa parang selda na iyon at nakita kong ang taong kumakaladkad sa akin ay ang taong kumuha din sa akin.
“Ang saya! Natumba na rin sa wakas ang lalaking iyon,” ani nito at humalakhak na parang wala ng bukas.
Wala na ako sa katinuan at umiikot na ang paligid ko, pero sinusubukan ko pa ring maglakad ng maayos, baka sakaling makahanap ako ng tyempo na makatakas.
Pero sino ang nagpapatuktok nung baril? Siya ba?
Dahil sa pagkahilo ko ay pagewang-gewang na ako kung maglakad at sobrang bilis na ng paglalakad ng taong may hawak sa akin.
Nagulat ako dahil may lalaki sa unahan na may hawak na baril at nagmamadaling pumunta sa amin.
“Boss! Napasok na nila ang arena! Wala silang tinirang buhay!” ani niyo habang sapo-sapo ang dibdib at bigla naman akong binitawan ng lalaking may hawak sa akin at inilabas ang baril niya.
Nakahandusay ako sa sahig dahil wala na akong lakas at kinakapos na ako ng hininga.
“Pasasabugin na natin itong lugar! Iiwan ka na namin total wala naman kaming napala sa'yo!” ani nito sa akin ngunit sinubukan ko pa ring iaangat ang kamay ko para manghingi sa kanila ng tulong.
Ngunit tumakbo lang sila palayo at naiwan akong nakahandusay sa sahig.
Mukhang hanggang dito na lang ako.
Nanlalabo na ang paningin ko ng makita ko sa di kalayuan na may parehas ng sapatos ang tumatakbo papunta sa akin. Sinubukan kong imulat pa ang mata ko para maaninag ito ng maayos.
Isang lalaking naka business suit na nababahiran na ng dugo ang puting pulo, maging ang mukha niya ay may mga talsik na rin, may hawak siyang baril sa kaliwang kamay.
Sino siya? Hindi ko na maaninag masyado ang mukha niya.
Bahagya pa akong nagulat ng buhatin ako nito na parang bagong kasal at tuluyan na akong napapikit.
Naramdaman ko na mabilis ang takbo ng taong may hawak sa akin at noong naamoy ko ang polo ng lalaking ito ay nakilala ko siya.
Si Adam.
“P*tang*na” dinig kong pagmumura niya.
Wala na akong lakas para gumalaw, o di kaya ay magsalita man lang. May malay na lang ako pero wala na akong magawa.
Naalagaan kaya ni Adam ang sarili niya, habang wala ako?
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...