Katatapos lang namin na kumain at nandito kami ngayon ni Adam sa kwartong ibinigay ng lola niya. Maganda yung kwarto pero mas komportable ako doon sa bahay namin sa Maynila.
And as usual kunti lang ang nakain niya dahil ayaw daw ng tyan niya yung mga pagkain. Inaamoy niya lang iyon at inaayawan niya na.
Mint green yung kulay ng kwarto ay hindi masakit sa mata. Hindi naman nagreklamo si Adam kaya siguro okay lang. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa higaan namin at inililibot ang mata.
“Bakit ayaw mong yakapin yung lola mo kanina?” tanong ko kay Adam at napatingin sa kanya na nakaupo sa higaan at may salamin sa mata habang may ginagawa sa laptop niya.
“Inaasar mo ba siya?” tanong ko ulit at tumango naman siya.
“It's been five and a half years since I last saw her. She'll cry if I hug her immediately,” ani ni Adam kaya naman ay napatango ako.
Ayaw niyang makita ang lola niya na umiyak. Kaya naman pala.
“But when you hug her, she smiled so I hug her too,” aniya kaya ngumiti ako sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
“Why?” tanong niya at umiling ako.
“Wala lang. Mababait naman pala ang tao rito, bakit sinabi mong ayaw mo dito?” tanong ko at ibinalik niya naman ang tingin niya sa laptop niya.
“I can't tell you about that. Just enjoy yourself,” aniya sa seryosong boses kaya napatango ako.
Sumobra yata ako. I respect his privacy the way he respect mine.
“You can go downstairs,” aniya at inayos ang salamin na nakalagay sa mata niya.
“Nakakahiya,” pagsasabi ko ng totoo at tumayo sa pagkakaupo sa higaan.
“How can you enjoy this vacation if you'll stay here?” tanong ni Adam habang nakakunot na ang noo.
“Samahan mo na lang ako,” ani ko at lumapit sa bag ko at may kinuhang coffee na nasa can na paboritong paborito niya.
“Sige na,” ani ko at lumapit sa kanya at inabot yung coffee na hindi na malamig.
Napatingin naman siya doon sa hawak ko at napatingin ulit sa akin bago kinuha yung coffee.
“You'll cook for me later,” aniya kaya naman ay napatango ako at ngumiti nung tinanggal niya na yung salamin niya at isinara na yung laptop at tumayo na sa higaan.
“Let's go,” aniya kaya naman ay ngumiti ako at sumunod sa kanya at tuluyan na kaming lumabas sa kwarto.
Habang naglalakad ay narealize ko na sobrang lawak nitong bahay nila. Hacienda na kung tatawagin.
“Ang bilis mo namang maglakad,” ani ko dahil sa sobrang haba ng mga paa niya ay isang metro na ang layo niya sa'kin.
Naabutan ko naman siya kaagad nung medyo niliitan niya na yung mga hakbang niya.
“Where do you want to go first?” tanong niya habang iniinom na yung kape.
“Gusto kong bumili doon sa tindahang nakita ko bago tayo pumasok dito. Pwede ba?” tanong ko at napatango naman siya at sabay na kaming naglakad pababa sa hagdan.
“Masarap ang ice cream ngayon, maiinit,” ani ko habang pababa kami.
“Yeah," sagot niya.
“Bakit ininom mo yan kaagad? Di naman na malamig?” tanong ko at tumingin sa kanya habang bumababa.
“I just like this coffee so much,” aniya sa baritono niyang boses kaya napatango na lang ako.
“So ang buo mo pa lang pangalan ay Adam Donovan Ross?” tanong ko dahil sobrang tahimik ng paligid.
“No,” aniya kaya nangunot ang noo ko at tuluyan na kaming nakababa.
“My name is Adam Matthias Donovan Ross,” aniya kaya napatigil ako.
May second name siya?
“Oy, same. May second name din ako, Aryn Rain Oliverio Ross ang buo kong pangalan,” ani ko dahil wala naman akong middle name. Yung apilyedo ng isang madre yung ginagamit ko.
“Oh, I see,” aniya at pinirat yung lata ng walang kahirap-hirap at ibinulsa niya iyon.
Napatigil naman kami sa paglalakad nung makita namin parang may bisita sina Mrs. Donovan sa may sala.
“Ang apo ko ba kamo? Si Adam nandito, kadarating nga lang nila,” ani ni Mrs. Donovan habang magkatabi lang kami ni Adam na nakatayo.
“We'll just buy something outside,” pamamaalam ni Adam gamit ang malamig at seryoso niyang boses kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat.
“Ay sandali. Ipapakilala kita muna dito sa paborito kong taga gawa ng biko,” ani ni Mrs. Donovan kaya napatingin ako doon sa babaeng tinutukoy niya at nakitang may iba pa itong kasama na babae rin.
“This is Maridel Turalba. Ang babaeng minsan nagluluto dito sa bahay! Napakasarap niyang magluto, siya nga rin ang magluluto mamayang dinner,” ani ni Mrs. Donovan kaya napatango-tango ako habang nakatingin doon sa babaeng biglang tumayo at akmang lalapit kay Adam ng biglang lumipat sa likod ko si adam at hinawakan ang dalawa kong balikat.
“Done? Aalis na kami,” aniya na parang walang pakialam at bahagya niya akong tinulak at nagsimula na kaming maglakad palabas.
Anong trip niya? Bad trip ba siya.
“Anong ugali na naman yan, Adam?” tanong ko at nilingon siya.
“What? Do you want me to entertain her?” tanong ni Adam at naalala ko bigla yung nangyari doon sa palengke.
“Hay na'ko, bahala ka nga,” ani ko and I heard him chuckled.
“I'll just buy you some ice cream,” aniya kaya naman ay napatango-tango ako at napangiti.
“Hello ate! Bago ka po?” tanong ng isang bata nung nakalapit na kami sa tindahan at bumili na si Adam habang ako ay kinakausap nitong bata.
“Yes, nagbabakasyon lang,” ani ko at nginitian siya. Yumakap naman siya sa paa ko kaya inalis ko ang kamay niya at pinantayan siya.
“Ano pong name niyo?” tanong nung bata.
“Aryn, ikaw?” tanong ko.
“Selina po,” aniya at bigla akong niyakap.
Such a lovely kid.
“Cute mo,” ani ko habang yakap-yakap din siya.
“Ganda niyo po,” aniya pabalik kaya natawa ako at napatingin kay Adam na tinapik ang ulo ko.
“Ice cream,” aniya kaya naman ay napatayo ako at kinuha iyon.
“Ice cream, kiddo,” ani ni Adam sa batang katabi ko at halos lahat ng bata ay lumapit na sa kanya.
“Kuya Adam!” sigaw nilang lahat at nakita kong naging malambot ang aura ni Adam habang niyayakap siya nung mga bata.
“Want some ice cream?” tanong ni Adam sa mga bata at napangiti naman ako nung tumango silang lahat.
“Taken ka na po pala kuya Adam,” ani ni Selina kaya napatingin ako sa kanya.
“Ganda po ng asawa niyo,” ani pa nito.
“Paano mo nalamang mag-asawa kami?” tanong ko at itinuro niya ang singsing namin pareho.
“Sabi ni mama kapag may singsing ang isang tao, kasal,” cute na ani ni Selina kaya natawa ako at pinisil ang pisngi niya.
Yung maghapon na iyon ay palagi lang akong nakangiti habang pinagmamasdan yung mga bata. Matalinong bata si Selina, sana palagi siyang maging masaya, pa'ti na rin yung mga batang kasama namin, ngayon.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
Lãng mạnD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...