DARK

35 3 0
                                    

“Aryn,” ani ni Dale sa akin at niyakap ako.

“Long time no see,“ aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

“Kamusta ka na?” tanong ko at ngumiti naman siya sa akin.

“Good. I'm a doctor now,” ani nito kaya naman ay nagulat ako at kinalaunan ay napangiti.

“Sabi ko sa'yo, matutupad mo ang pangarap mo,” ani ko at ngumiti sa kanya ng biglang hilain ako ni Jai.

“Excuse me, I'm his bodyguard for today, who are you?” biglang ani ni Jai habang nasa likod niya na ako.

“Oh, hi. Nice to meet you, I'm Dale Earnhardt,” aniya kaya ay nangunot ang noo ko.

“I changed my last name because someone adapted me,” aniya sa akin kaya napatango-tango ako.

Bakit halos lahat ng kausap ko ay alam ang iinisip ko?

“She's like a sister to me,” ani pa ni Dale kaya binitawan na ako ni Jai.

“Nice meeting you too, I'm Jai, I'm actually her friend,” ani ni Jai at nakipagkamay kay Dale.

“Oh, I see,” ani ni Dale at napatingin sa relo niya.

“I'm sorry but I have to go, see you next time Aryn,” ani ni Dale at kumaway sa akin bago naglakad palayo.

“Pogi, bango pa,” ani ni Jai at napasapo na lang ako sa noo.

“Ikakasal ka na,” ani ko at tumaas naman ang kilay niya.

“Sus, si Yin nga panigurado nasa babae niya na naman,” ani ni Jai at naglakad na papunta doon sa restaurant dito sa mall.

Napakibit-balikat na lang ako dahil mukhang nag-away na naman sila ni Yin kaya kami nandito ngayon.

Pagkapasok namin sa loob ay may nakareserba ng upuan para sa amin kaya medyo nagtaka kami ni Jai.

“Pinareserve mo?” tanong ni Jai at umiling naman ako.

“P*tang*na, nalaman na naman nung gago,” pagmumura niya at napahilamos sa mukha.

“Stop cursing woman, I'm the one who reserve the table,” biglang ani ni Nulan na sumulpot na lang kung saan.

“Dapat kami ang nakaupo jan ngayon, kaso tinanggihan ako nung mga loko,” ani ni Nulan at umupo katabi ko habang may hawak na mani at nakasobrero na itim at nakasuot ng itim na jacket at pants.

“Mukha kang stalker,” ani ni Jai at natawa naman si Nulan at tumayo na ulit.

“I'm just following my soon to be wife, see ya next time,” ani ni Nulan at umalis kasabay noon ang pagdating ng mga pagkain.

“Nice one, nakalibre pa,” ani ni Jai at natawa naman ako at nagsimula na kaming kumain.

Noong natapos kaming kumain ay nag-ikot ikot pa kami at namili pa si Jai hanggang sa napagpasyahan na niyang uuwi na kami, ang kaso ay nalimutan ni Jai ang isang bagay na binili niya kaya sinabi niyang hintayin ako sa may labas ng mall.

Gabi na rin at wala ng masyadong tao dito sa mall at sobrang lamig na rin nung hangin. Sobrang tagal na pala namin doon sa mall, at nakalimutan kong tawagan si Adam.

Kaagad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng phone ko at pinindot ang number ni Adam at makalipas ang ilang segundo ay sinagot niya iyon.

“Ada—” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng biglang maibagsak ko yung cellphone dahil may humablot sa akin.

“Jackpot!” ani nung isang lalaki nakamask na itim habang tinatakpan ng panyo ang ilong at bibig ko hanggang sa nahilo ako at tuluyan ng nïlämon ng dilim.

Ano bang balak nila sa akin?

Nagising ako bigla dahil sa may bumuhos ng malamig na tubig sa pagmumukha ko at napaubo din ako dahil sa lamig.

“Glad that you're now awake princess,” biglang ani ng isang lalaki at napatingin naman ako kanya ngunit natatabunan ng maskara ang buong mukha niya kaya hindi ko alam kung sino siya.

“Jackpot pala kami ngayon, nakuha namin ang magiging asawa ni Yin,” ani nito kung kaya ay nangunot ang noo ko.

Biglang may isa pang lalaki ang dumating at mukhang hinihingal na lumapit sa lalaking naka maskara na pula.

“B-boss. S-siya si M-mrs. Ross. Hindi y-yung babaeng a-amazona yung n-nakuha namin,” ani nung lalaking bagong dating na nakaitim na mask.

“Aba't mga bobo pala kayo eh! Ang babaeng yun dapat ang nakuha niyo!” sigaw nung lalaking nakapulang mask.

“P-patawad, b-boss,” ani nung nakaitim na mask at napailing-iling na lang ang boss niya.

“Di bale na. Siya na ang jan, mas maswerte din tayo kahit papaano, malaking pera ang makukuha natin sa isang yan,” ani nung nakapulang mask kaya bigla akong kinabahan.

Saka ko lang napagtanto na madilim pala ang paligid at nakaposas ang kamay ko sa likod ng isang upuan habang nakatali naman ang mga paa ko sa paa ng upuan.

Walang nakatakip sa bibig ko ngunit hindi ko magawang magsalita.

“Welcome to our world, Mrs. Ross. Or soon to be the Empress of the black dragon empire,” ani niya na hindi ko naiintindihan ngunit parang baliw lang siyang tumawa.

“Pero mangyayari lang ang bagay na yun kung hahayaan ko sila, pero dahil ako ang anak ng dating Emperador, dapat ako din ang uupo sa trono niya. Hindi pwede ang lalaking walang kwenta at hindi man lang magawang humawak ng baril!” aniya ngunit nahihilong napailing na lang ako dahil sa dilim ng paligid.

“Maganda ka naman, kaso mas maganda ang mapapangasawa ko, pasalamat ka't hindi ka namin gagalawin, mangyayari lamang iyon kapag hindi nagbayad ang lalaking iyon ng tama,” aniya sa akin at bigla akong sinampal.

“Opss, nadulas ang kamay ko, mukha ka kasing pokpok, walang pinagkaiba sa mga babaeng nalink sa kanya dati,” ani nung lalaki at napayuko na lang ako dahil sa sobrang pagkahilo.

Bakit bumabalik sa akin lahat? Ayoko ng maalala pa ang mga bagay na nangyari na noon. Bakit nangyayari na naman?

“Dito ka muna dahil wala ka pang silbi. Bobo mo dahil pumayag kang magpakasal sa isang lalaking gaya niya,” aniya at narinig ko ang mga yabag niya papalayo.

“Bye bye, little bitch, see ya later,” ani nung lalaki at narinig kong sumara ang pintuan at noong iangat ko ang tingin ko, wala akong makita kundi dilim.

Hindi. Hindi to pwedeng mangyari. Ayoko na. Pakiusap, kailangan ko ng liwanag.

Alisin niyo ko sa dilim. Pakiusap.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now