FOOD

83 3 0
                                    

Lumaki ako sa isang ampunan. Ang sabi sa'kin nung isang madre ay iniwan lang ako sa labas ng ampunan na hubo't hübád.

Habang lumalaki ako ay napansin kong iba ang mga ipinapaaral sa akin kumpara sa inaaral ng iba, mas maalaga rin sa akin ang mga madre kung para doon sa ibang mga bata.

Saka ko lang napagtanto kung bakit sila ganoon sa akin ay nung ikakasal na ako sa lalaking hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko.

“Your breakfast is ready,” ani ko pagkabukas ko ng pinto.

Nakita ko si Adam na tahimik at may ginagawa sa laptop niya habang may hawak na mga papeles.

Pumasok ako sa office niya dito sa bahay at lumapit sa kanya para tingnan kung anong ginagawa niya.

“Kumain ka na muna,” ani ko at umupo sa sofa na malapit sa kanya.

“Later,” aniya kaya naman ay napabusangot ako.

“Hindi dapat pinag-aantay ang pagkain,” ani ko sa mahinang boses at napatingin naman siya sa akin.

“Woman,” aniya.

“Yes?” tanong ko at napabuntong hininga naman siya bago tinanggal ang salamin niya at saka ibinaba ang mga papeles.

“Alright, let's eat then,” aniya na parang suko na kaya naman ay napangiti ako at tumayo na sa pagkakaupo.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at dinala siya sa dining area.

“Tada!” ani ko at binitawan niya naman ang kamay ko at umupo na sa upuan.

Tinikman niya ang niluto ko at napabuntong hininga ako nung dumiretso siya sa sink at doon sümükä.

“D*mn,” ani nito habang sümüsükä sa sink kaya napabuntong hininga na lang ulit ako.

Apat na araw ko ng sinusubukan na lutuan siya dahil nalaman kong sensitive siya sa pagkain at bibihira lang siyang kumain ng mga pagkain na ginawa ng iba.

Masasabi kong palagi akong pàlpák at hindi ko kailan man nahulaan kung anong gusto niyang pagkain.

“I'm sorry, hindi mo na naman nagustuhan,” ani ko sa kanya at napabuntong hininga siya bago lumapit sa akin at tinap ang balikat ko.

“Better luck next time,” aniya at naglakad na paalis.

Tinitigan ko naman ang mga pagkaing nasa harap ko at napabuntong hininga na lang dahil ako lang mag-isa ang kakain nito.

Umupo ako sa isang upuan at kumain nang dahan-dahan. Nalungkot ako dahil parang wala na akong nagawang tama sa bahay na to.

Ni hindi ko man lang siya mapaglutuan ng maayos. Wala pa siyang nagugustuhan sa mga niluto ko. Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

Gagawa pa ako ng iba pang pagkain at hindi ako titigil hanggang sa tuluyan ko ng malaman kung ano ba ang gusto niya sa pagkain.

Bilang asawa niya ay dapat lang na alam ko kung ano ang gusto at ayaw niya at kasama na doon ang chicken curry.

× Adobo
× Sinigang
× Nilagang baboy, baka at iba pa.
× Chicken curry

Napabuntong hininga ako matapos ikesan ang mga pagkaing hinahanda ko para sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo ako at naglakad papunta sa office niya para magpaalam. Ubos na ang laman nung ref dahil sa kakaluto ko, kaya dapat bumili na ako ulit.

“Adam,” ani ko pagkabukas ko nung pinto at napatingin naman siya sa akin.

“Pupunta ako ngayon sa palengke, wala ng stock yung ref,” ani ko sa kanya.

“Are you going to the market alone?” tanong niya at tumango naman ako.

“Magta-tricycle na lang ako,” ani ko at nangunot naman ang noo niya.

“You can have my car,” ani niya kaya napailing-iling naman ako.

“Hindi pa ako marunong mag-drive ng sasakayan,” pagsasabi ko ng totoo at bigla niyang ibinaba ang hawak niyang mga papeles.

“Take mang Herman with you,” aniya at umiling ako.

“Wala si mang Herman. May emergency sa probinsya raw nila,” ani ko at nakita kong napabuntong hininga siya at napahilot sa sintido.

“I'll come with you,” aniya kaya naman ay napailing-iling ako nang sobrang bilis.

“Hindi, okay lang. Kaya ko namang mamalengke mag-isa, baka maabala pa kita,” ani ko at umiling siya pagkatapos ay tumayo.

“No. I can't let you go to the market all by yourself,” aniya kaya naman ay napabuntong hininga na lang ako dahil ayokong makipagtalo.

“Sige, pero masyadong maraming tao sa palengke, baka madumihan ka lang,” ani ko at sabay kaming lumabas nang office niya.

“I know,” aniya kaya naman ay natigilan ako.

Alam niya?

“Nakapunta ka na ba sa palengke?” tanong ko at tumango siya bago naglakad papunta sa pinto.

“Ganyan na ang suot mo?” tanong ko dahil nakasuot siya ng isang t-shirt na white at naka short na abot hanggang sa taas ng tuhod niya.

“Yes, why?” tanong niya at napailing-iling naman ako.

“Kung yan na ang suot mo, ito na rin ang suot ko,” ani ko at sabay kaming lumabas ng bahay.

Nakasuot ako ng isang grey shirt at naka leggings. Sa palengke lang naman eh.

Pero kahit sobrang simple lang ng damit na suot ni Adam ay alam kong makaka-attract pa rin siya ng maraming babae sa palengke, lalo pa't mukha siyang model dahil sa laki ng katawan niya.

Nagulat ako ng pagbuksan ako ng kotse ni Adam.

“Magko-kotse tayo?” tanong ko at tumango siya.

“So we won't have a hard time buying stuffs,” aniya kaya naman ay sumakay na lang ako. Wala naman din kasi akong magagawa.

At kagaya ng inaasahan ko, noong nakarating kami sa palengke ay maraming babae ang nakatitig sa kanya na para bang gusto nilang kunin siya.

Sabi na. Maling mali talaga na pumayag akong isama siya rito.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now