Hindi ko alam kung may problema ba kami ni Adam at ganoon siya makitungo. May nagawa ba ako? Hindi ko alam.
Kasalukuyan ako ngayong nandito sa restaurant ni Carmilla pero wala raw kaming pasok ngayon. Niyaya lang nila ako para naman ay kay bonding daw kami together.
“Di ka niya kinakausap? Aba, grabe naman,” ani ni Floryn at uminom ng juice.
Napatango naman ako at napabusangot dahil doon.
Magsosorry na lang siguro ako? Ano bang dapat kong gawin? Wala akong maisip.
“Ganto na lang, magsorry ka kahit wala kang ginagawa, nagtatampo siguro iyon,” ani ni Hanabi kaya naman ay napatango ako.
“Pero hindi naman alam ni Aryn ang ginawa niya,” ani naman ni Jai habang si Carmilla ay tahimik lang na nagcecellphone.
Inagaw naman ni Jai yung cellphone ni Carmilla kaya nagulat ito.
“Ikaw nag-aya tas magcecellphone ka lang?” ani ni Jai habang kumakain ng chips.
“My husband is texting me, give it back,” ani ni Carmilla pero dahil pasaway si Jai, hindi niya ibinalik imbis ay tinawagan niya si Saber.
“Hello, pre. Girls day ngayon, wag ka istorbo,” ani ni Jai at pinatay ang cellphone.
Nanlaki naman ang mata ni Carmilla at napasapo na lang sa noo.
“Sorry ka na lang,” ani ni Hanabi kaya naisip ko na baka iyon talaga ang tamang gawin.
“Ay hinde. Tigilan mo ko Hanabi,” ani ni Jai kaya naman ay natawa ako.
“Ang mga lalaki, hindi nila sinasabi ang nararamdaman nila. Baka wala ka talagang ginawa, sadyang may nilalabanan siya sa sarili niya,” ani ni Carmilla kaya naman ay napaisip ako.
“Ganto gawin mo, Aryn,” ani ni Jai kaya nakinig akong mabuti.
Halos lahat ng pinapagawa niya ay effective kaya baka makatulong siya sa akin.
“Kapag galit ang isang tao, halikan mo, babait yan,” ani ni Jai kaya naman ay natigilan ako.
Halik? Hindi ako marunong.
“Kunyare, ganto. I corner mo siya, tas tanong mo, ‘are you mad at me’ tas halikan mo ng paulit-ulit, pero smack lang, lalambot yan,” ani ni Jai kaya naman ay napaisip ako.
“Pero—”
“Hep, hep! Huwag mong sabihing pipigilan mo siya? Effective yun, kahit sa inyo,” ani ni Jai pagkaputol niya kay Floryn.
Nag-aantay ako na mag tatanggi pero wala.
So effective ba?
“Oh di'ba, kaya gawin mo na, pabudol ka na sa'kin,” ani ni Jai kaya natawa naman sina Floryn habang ako ay iniisip kung paano ko gagawin ang gustong mangyari ni Jai.
“Effective yan, mag-asawa na kayo. Bati na kayo pagkatapos niyan, trust me,” ani ni Jai kaya naman ay napatango ako at napangiti.
Tama. Wala naman sigurong masama dahil mag-asawa kami?
“Sige, salamat sa tulong,” ani ko at ngumiti naman si Jai pabalik.
Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan ko ng umuwi, hinatid ako ni Carmilla pauwi at napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ay binati ko pa ang mga guards bago pumasok sa mansyon. Inilibot ko kaagad ang tingin ko sa buong bahay at nakitang wala pa si Adam.
Napabuntong hininga na lang ako at inilapag ang bag ko sa sofa at naglakad papunta sa kusina.
Galit ba talaga siya? Ano kayang nagawa ko?
Binuksan ko ang refrigerator namin at kumuha doon ng isang Yakult at ininom. Napabuga ako ng hangin dahil para kong pasan ang mundo dahil sa bigat ng dibdib ko.
Hindi ko na rin napaglulutuan si Adam dahil sobrang ilag niya sa akin at bihira ko na lang siyang makitang nandito sa bahay.
Baka naman may inaasikaso lang? Baka sobrang busy niya lang, kaya gano'n?
Napabuntong hininga na lang ulit ako at naupo sa isang upuan dito sa kitchen at napatungo sa lamesang kaharap ko.
“Sana talaga effective ang gagawin ko,” ani ko habang nakatungo at halos hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napapabuntong-hininga.
Napaangat naman ang ulo ko dahil medyo inaantok na ko, siguro ay bukas ko na lang iyon gagawin. Pagod na rin ang katawan ko kapupuyat dahil inaantay ko si Adam.
Siguro ay magpapahinga na muna ako.
Tumayo ako sa pagkakaupo at tinapon yung Yakult sa basurahan dito sa kusina bago naglakad papunta sa kwarto namin.
Noong nakapasok na ako ay nagulat ako dahil nakaupo si Adam sa higaan at nakasandal sa head board ng kama.
Lalapitan ko na sana siya ngunit naisipan kong magpalit muna ng damit.
Dumiretso muna ako sa walk in closet namin at kumuha ng pantulog at dumiretso sa CR. Pagkalabas ko ay tumingin ako kay Adam na seryosong nagbabasa ng mga papeles.
Umikot ako papunta sa kanan at saka ako umupo sa kama at tumingin sa kanya.
“Adam,” ani ko habang nakatingin sa kanya, tiningnan niya naman ako ngunit hindi siya nagsalita.
“Okay lang ba tayo?” tanong ko at tumango naman siya at ibinalik ang tingin sa mga papeles niya.
“Adam,” ani ko ulit at tumingin naman siya ulit sa'kin.
“Wala naman akong nagawa?” tanong ko at tumango siya ulit at ibinalik ang tingin niya sa mga papeles niya.
“Adam,” ani ko ulit at tumingin siya sa'kin ulit.
“Nakakain ka na ba?” tanong ko at tumango na naman siya, hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang kinorner at tiningnan siya sa mata.
Bakit ba ang lamig niya?
“Are you mad at me?” tanong ko at nakita kong hindi siya kaagad nakasagot kaya naman ay ginawa ko na ang sinabi ni Jai.
Galit siya. Hindi ko alam ang nagawa ko pero ito na lang ang paraan na naiisip ko din.
“I'm sorry,” ani ko pagkatapos ng una kong smack kiss sa kanya.
Naramdaman ko naman na natigilan siya dahil doon. Sinunod ko na ang pangalawa kong halik.
“Sana hindi ka na galit,” ani ko at hinalikan siya ulit ng pangatlong beses.
“Sorry talaga,” ani ko at hinalikan siya ng ikaapat na beses.
“Sana bati na tayo,” ani ko at hinalikan siya ng ikalimang beses.
Noong hahalikan ko na siya ulit ng ikaanim ay nagulat ako nung bigla niyang kabigin ang batok ko at siniil ako ng isang mahabang halik.
Hindi ako marunong humalik ngunit sinabayan ko na lang ang mabagal, ngunit mapusok niyang halik na ibinibigay niya sa'kin.
Noong kinapos na kami ng hininga ay hinawakan niya ang bewang ko at pinaupo ako sa kandungan niya at ipinagdikit niya ang noo namin.
“I'm not mad,” ani niya at tinitigan ako sa mata.
“I'm sorry, if I been ignoring you,” ani ni Adam at hinalikan ulit ako pero medyo mabilis lang.
“I'm still fixing some errors in my life, I'm sorry,” aniya kaya naman ay niyakap ko na lang siya.
“Okay na tayo?” tanong ko at naramdaman na niyakap niya rin ako pabalik.
Hindi ko siya pipiliting magsabi sa akin, aantayin ko kung kailan niya na kayang sabihin sa'kin ang mga bagay na pilit niyang sinasarili.
“Yes, after one more kiss,” ani nito kaya naman ay napatingin ulit ako sa kanya at kaagad niya naman akong hinalikan ulit.
Makikinig talaga ako kay Jai, lahat ng sinasabi niya ay epektibo.
Magpapasalamat na lang ako sa kanya bukas.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...