VACATION

32 3 0
                                    

Kakauwi lang namin pagkatapos nung party at napabuntong hininga akong napaupo sa sofa.

Masaya naman yung party. May mga chef na naghanda ng mga pagkain para sa amin at busog na busog ako. Nagtatawanan at masaya ang mga tao doon na nagpasaya din sa akin.

"I have a meeting, I'll be back at 7," pamamaalam ni Adam at napatingin ako sa relo ko at nakitang 5:30 na ng hapon.

"Ingat," ani ko kay Adam at kumaway sa kanya hanggang sa makaalis na yung kotse.

Isinara ko yung bahay at naupo sa sofa para manood ng TV, wala naman akong gagawin. Busog na rin ako dahil sa pagkaing hinanda doon sa birthday party.

Nanonood lang ako ng palabas ng biglang tumunog ang cellphone ko at unknown number iyon, ngunit sinagot ko pa rin.

"Hello?" bungad ko doon sa tumawag.

["Hello, Aryn. Kala ko niloloko ako ni Adam, ito pala talaga ang number mo,"] ani ng isang babae sa kabilang linya.

Mrs. Ross.

"Good afternoon po, Mrs. Ross," ani ko at napaupo bigla ng maayos at medyo kinabahan.

["Sabi ko sa'yong mama na lang eh,"] ani nito kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"S-sige po. M-mama," ani ko at napalunok dahil nautal ako.

["Much better,"] aniya kaya napahinga ako ng maluwag.

"Bakit po kayo napatawag?" tanong ko at hininaan yung TV.

["Oh, about that. Dapat si Adam talaga ang tatawagan ko kaso naisip kong di naman iyon papayag. Knowing that man, sobrang busy niya, so ikaw na lang ang kakausapin ko,"] ani ni mama kaya naman ay napatango ako kahit di niya ako nakikita.

["Gusto nung grandmother ni Adam na magbakasyon siya rito,"] ani pa ni mama kaya naman ay natigilan ako.

["Since may asawa na siya which is ikaw yun, sumama ka na rin ihja para makilala ka na ng grandmother niya. 5 years na kasing di umuuwi si Adam dito kaya namiss na talaga siya ng sobra ng grandmother niya,"] ani ni Mrs. Ross kaya naman ay napatango ako.

"Sige po, sasabihan ko po siya," ani ko at napatingin sa relo ko.

"Mamaya pa po siya uuwi dahil may meeting daw po siya," ani ko.

["Please Aryn. Gawin mo ang lahat para mapapunta siya dito sa province. Sobrang workaholic ng lalaking yan kaya need niya rin ng vacation. Sabihan mo siya ah. Aabangan ko kayo,"] ani ni Mrs. Ross kaya napatango naman ako.

"Sige po," ani ko at nagpaalam na kami sa isa't isa at nanonood na lang ako ng TV habang inaantay si Adam.

Bakasyon?

Tahimik lang akong nanonood ng biglang nagnews flash.

BREAKING NEWS : 200 daan na mga minor de edad na babae nailigtas mula sa kamay ng mga taong dumukot sa kanila. Sabi ng pulisya ay may tumawag sa kanila na nagsasabing pumunta sa isang construction site sa bandang Makati city at doon nga nila natagpuan ang mga nawawalang mga babae. Hindi alam ng pulisya kung sino ang taong nagligtas sa mga ito. Nagpapasalamat ang mga biktima sa di umanong mga lalaki na nagligtas sa kanila. Pinag-iingat ang lahat.

Ipinakita doon sa report yung mga minor de edad na mga babae ngunit blurd ang mga mukha nila. Nalungkot naman ako dahil sa sinapit nila at masaya dahil sa nakaligtas na sila at makakauwi na sa kani-kanilang mga bahay.

Saktong pagkatapos nung report ay kadarating lang ni Adam at kasama niya si Von na personal bodyguard niya.

"Welcome Home," ani ko at napatingin sa orasan at saktong 7 na ng gabi.

"Have you eaten?" tanong ni Adam at umalis na si Von.

"Hindi pa. Busog pa naman ako," ani ko at tumayo mula sa pagkakaupo.

Dumiretso si Adam sa kusina kaya naman ay sumunod ako sa kanya.

"Can you cook again?" ani ni Adam na mukhang gutom talaga.

Kunti lang kasi ang nakain niya doon sa restaurant dahil hindi raw gusto ng tyan niya yung mga pagkain.

"Sige, luto na 'ko," ani ko at kumuha na ng ingredients sa ref at nagsimula nang magluto.

Nagluto ako ng sarili kong putahe at nagustuhan naman ni Adam ang tatlong dish na hinanda ko para sa kanya.

Naupo ako sa isang upuan kaharap siya at napatingin naman siya sa akin.

"Your mom called," panimula ko.

"What did she said?" tanong ni Adam at uminom ng tubig at tumigil muna sa pagkain.

"Pumunta ka daw sa province niyo," ani ko imbis na sabihing pupunta 'tayo'.

"Ako lang?" tanong niya at napasandal sa upuan.

"H-hindi. Pwede naman daw akong sumama kaso ikaw lang yung miss nung lola mo so baka di naman ako kailangan doon," ani ko dahil ayaw ko namang ipagsisiksikan ang sarili ko doon, lalo pa't buong angkan yata nila ang nandoon.

"You don't want to come?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"G-gusto?" ani ko at bigla niyang inabot ang buhok ko at ginulo iyon.

"Hindi na ko pupunta," aniya kaya at sumandal ulit sa upuan. Nanlaki ang mata ko.

"Pumunta ka," ani ko at ininom yung tubig na nasa gilid ko lang.

"Hindi na," aniya at cross arm.

"Pumunta ka miss ka na ng lola mo," ani ko habang nakatingin lang sa kanya.

"No," simpleng aniya at inilapag ang kutsara.

"Adam," ani ko.

"Aryn," aniya rin kaya napabusangot ako.

Kailangan niyang pumunta! Sinabi ito ni Mrs. Ross.

"Pumunta ka nga," pagpupumilit ko.

"No," aniya ulit at kinuha ulit yung kutsara.

"Pupunta na tayo," ani ko na lang at napatayo na sa upuan.

"Okay. If you say so, pupunta tayo," aniya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nanlaki naman ang mata ko. Pupunta kami? Kasama ako?

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now