Galit si Carmilla dahil sa nangyari dahil binuhusan ako ng mainit na sabaw, at pinaalis na lang yung customer at tiningnan nga nila yung cctv, at totoo ngang hindi naman nagkamali ang waitress namin, sadyang may iba lang sigurong intensyon yung customer na nagwala.
“Masakit pa rin ba?” tanong ni Carmilla habang pinapahiran ako ng ointment at napatango naman ako dahil manit talaga yung nabuhos sa akin.
Nagbalat na nga yung bandang tyan ko, mabuti na lang at hindi ganoon kalaki, sakto lang.
Ginamot ako ni Carmilla bago namin tuluyang sinara ang restaurant at sinundo ako ni Adam pero nag-usap pa sila ni Carmilla habang nakaupo ako dito sa loob ng kotse at pinakikiramdaman ang paso ko. Masakit.
Hindi naman nagtagal ay pumasok na rin sa kotse si Adam at pinaandar na ang kotse. Walang nagsalita sa amin sa buong byahe at parang na bad mood si Adam.
Noong nakauwi kami ay ipagluluto ko sana ng pagkain si Adam pero sinabi niyang hindi na siya kakain dahil pakiramdam niya busog pa siya kaya dumiretso na ako sa taas para magpalit ng damit.
Hindi sinabi ni Carmilla ang tungkol sa paso ko? Siguro ay hindi ko na rin sasabihin para hindi na ako makadagdag sa iisipin niya.
Pagkatapos kong magbihis ay nahiga ako sa kama at napadaing dahil sumakit yung paso ko. To be honest? It really hurts, medyo naging okay lang nung nilagyan ni Carmilla ng ointment.
Sakto namang pumasok si Adam noong nakangiwi ako kaya agad ko siyang nginitian at humiga ng patagilid para hindi maipit ang paso ko.
Kinuha lang ni Adam and reading glasses niya at lumabas din sa kwarto na magkasalubong ang kilay at halatang wala sa mood. Sa business siguro?
Dahil din sa pagod ay sa tingin ko ay kailangan ko nang matulog para mabawi ko pa ang lakas ko at makapagluto ng maraming pagkain bukas.
Hindi naman naging mahirap para sa akin na makatulog dahil sa pagod at tuluyan na akong nilamon ng antok.
Naalimpungatan lang ako ng may narinig akong nagsasalita, kaya napamulat ang mata ko at nakita si Adam na nakatayo at nakatalikod sa kama habang hawak ang cellphone niya at may hawak na papel sa kamay.
“Yeah, that woman Catherine, huh? You know what to do, she's a model? Well, she's a sh*t with a flirty attitude, I would love to rip her neck because of what she did,” malamig at seryosong ani ni Adam na hindi ko maintindihan kaya napabuga na lang ako ng hangin at sinubukan na lang na bumalik sa pagtulog.
“She'll pay for what she did, f*ck her, that's what she wants right?” ani ni Adam at naglakad papunta sa may balcony at inilapag ang papel sa may lamesa katabi nung lamp at nakita ko siyang napasabunot sa buhok at nakita ko ang nakakatakot niyang ngisi.
“I don't care,” aniya na hindi ko marinig kaya napapikit na lang ako at sinubukan na matulog na ulit dahil pagod ako.
Labas naman na siguro ako sa usapin na iyon?
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko at narealize na may araw na.
Nakaalis na kaya si Adam? Anong oras na, bakit ako nakatulog ng sobrang haba?
Agad akong napatayo sa kama at lumabas sa kwarto kahit hindi pa nag-aayos at bumaba sa sala at nakita si Adam na prenteng nakaupo habang nakasuot ng v neck shirt at jogger habang nagbabasa ng dyaryo.
“It's saturday,” ani ni Adam kaya naman ay napatigil ako at napasapo sa noo.
Nababasa niya kaya ang isip ko? Alam niya ang dahilan kaya ako nagmamadaling lumabas?
“You can lay down all day if you want. Rest,” aniya kaya naman ay bigla kong naramdaman yung paso ko at medyo napangiwi.
“Ah, sige. Salamat,” ani ko at ngumiti sa kanya bago naglakad pabalik sa kwarto namin at nahiga sa kama dahil nanakit ang katawan ko bigla.
Habang nakahiga ay napatingin ako sa cellphone ko na tumunog at nakitang may nag text.
Jai | Smahan m ko mag-shopping, nsa ‘kin black card ni Yin.
Text niya kaya natawa naman ako. Bakit may kulang na mga letters sa chat niya?
Jai | Pntahan kta jn, wait m ko.
Natatawa naman akong nagreply.
Me | Sige, walang problema. Antayin kita rito.
Text ko at ibinaba ang cellphone ko bago nahiga sa kama. Nakakahiya naman kasing tumanggi, kaya kahit ganito ang pakiramdam ko, sasamahan ko na lang siya.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Adam na nakakunot ang noo.
“Jai's outside, looking for you,” aniya kaya naman ay napabangon ako.
“Ah, niyaya niya kasi ako, magsa-shopping daw kami,” ani ko at ngumiti sa kanya.
“Aren't you going to rest?” tanong niya at lumapit sa gilid ng higaan.
“Pag-uwi ko na lang siguro?” ani ko at narinig ko siyang bumuga ng hangin.
“Okay,” aniya kaya naman ay napangiti ako at naglakad na papunta sa walk-in closet at kumuha ng damit at inayos ko na ang sarili ko.
“You can use my card, it's near the tv,” aniya pagkalabas ko at kasalukuyan na siyang nakahiga.
“Salamat,” ani ko at ngumiti, pagkatapos ay lumabas na sa kwarto.
Naglakad ako pababa at nakita ko ang card niya na hindi ko naman balak gastusin.
Kinuha ko iyon at sumama na kay Jai at pumasok sa kotse niya.
“Buti na lang di mo ko tinanggihan, walang may gustong sumama sa'kin eh,” ani ni Jai kaya natawa ako dahil para siyang bata at nakanguso pa.
Pinaandar niya na ang kotse niya at nakarating kami kaagad sa isang mall na sobrang laki. Siguro ay magmukukha na naman akong ignorante nito dahil first time kong pumunta sa mall.
“Let's go,” ani ni Jai at hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami papasok sa mall.
Halatang kabisado na ni Jai ang buong mall at kaagad niya ng pinuntahan ang bilihan ng relo, dahil puro relo lang nakikita ko.
“Welcome back ms. Jai,” ani nung isang babaeng nakauniporme.
Nakita ko ang nametag niya at nabasang saleslady siya sa mall na ito.
“Any new watch? The limited edition please,” ani ni Jai at kaagad namang tumango yung saleslady.
“Just wait a minute ma'am,” ani nung saleslady at nakatayo lang kami habang inaantay siyang bumalik.
Noong bumalik yung saleslady ay may dala na siyang relong parang kulay ginto na sa tingin ko ay ginto talaga dahil sa presyo noon.
23,917.
“I'll take it, kasyang kasya sa akin,” ani ni Jai at natawa pa dahil noong sinukat niya yung relo ay kasya talaga sa kanya.
Pagkatapos bilhin iyon ni Jai ay bigla siyang tumingin sa akin.
“Wala kang gusto?” tanong ni Jai at umiling ako.
“Hindi ako mahilig sa mga materyal na bagay,” ani ko at natigilan naman siya.
“Kahit ngayon lang?” tanong niya at umiling ako.
“Okay na ko,” ani ko at ngumiti sa kanya.
Wala rin naman kasi akong dalang pera, yung card naman ni Adam ay hindi ko na balak pang gamitin dahil sobra sobra na ang naitulong ng pamilya niya sa akin, maging siya.
“Sige, kain na lang tayo, alam kong iyon lang ang gusto mo dahil mabubusog ka pa,” ani ni Jai kaya natawa ako.
Paano niya iyon nalaman?
Noong papunta na kami sa isang pagkainan dito sa mall ay biglang may nakabangga sa akin.
“I'm sorry,” sabay naming sabi at noong napatingin ako sa kanya ay parehas kaming nagulat.
“Dale?!” gulat kong ani, dahil siya ang lalaking naging kuya-kuyahan ko noon sa bahay ampunan, at tanging kaibigan ko doon.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...