SURPRISE

35 3 0
                                    

Nagising ako ng maaga kaya ng nakagawian ko at wala na si Adam sa tabi ko pagkagising ko. Napatayo ako sa kama at nagligpit ng pinaghigaan namin bago tuluyang bumaba.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Adam na may iniinom na tableta at napapailing.

“F*ck this hangover,” ani ni Adam at napahawak sa ulo niya.

Naglakad naman ako papalapit sa kanya at napatingin naman siya sa akin dahil mukhang naramdaman niya ang presensya ko.

“Ipagluluto kita ng chicken noodle soup, maganda iyon para sa hangover mo,” ani ko at nginitian siya bago kumuha ng ingredients sa ref.

Naupo naman si Adam sa isang upuan habang ako ay naghihiwa ng sibuyas.

Inabot ng ilang minuto bago ko natapos lutuin yung chicken noodle soup at masaya ako dahil nagustuhan iyon ni Adam at hindi siya nagsuka.

“Okay ka na ba?” tanong ko habang nakatingin lang sa kanya.

Sapat naman na sa akin ang isang baso ng milo tuwing umaga at hindi ko na muna kailangang kumain.

“Yeah,” aniya pagkatapos maubos ang soup na ginawa ko kaya napangiti naman ako at kaagad na kinuha ang mangkok niya para mahugasan ko na.

Naglakad naman papunta si Adam sa sofa habang hinihilot ang sintido niya.

Hinugasan ko na ang mangkok at lumapit kay Adam pagkatapos at kinuha ang isang panghaplas sa may gilid nung TV at naglagay ng kunti sa daliri ko at saka iniligay ang daliri ko sa sintido ni Adam.

“Ako na,” ani ko at hinayaan naman niya ako at napapikit na lang.

Hinilot ko ang ulo niya hanggang sa namalayan kong nakatulog na siya habang nakasandal sa sofa. Chineck ko pa kung tulog na ba talaga siya at tulog na pala talaga siya.

Ibinalik ko yung panghaplas sa may gilid nung TV at nagpunta sa may hardin at naupo sa isang upuan doon.

Tahimik ko lang na dinarama yung hangin ng biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko naman iyon at nakitang si Jai yung tumatawag.

“Hello?” bungad ko.

[“Beshy pumunta kayo ngayon ni Adam dito sa Guines Restaurant! Bilisan niyo may surprise kasi itong si Floryn para kay Atlas. Sasagutin na daw niya! Ang gaga sabi ba naman nag-inom pala sila dahil akala ni Atlas wala na siyang pag-asa kay Floryn! Ngayon balak na ni Floryn na sagutin kasi baka mag overthink na naman yung gago”] ani ni Jai kaya naman napangiwi ako dahil sa pagmumura niya.

“Nakatulog si Adam, may hangover. Yung mga partner niyo ba okay lang?” tanong ko.

[“Aba'y oo naman beshhyy! Mas marami lang daw talagang nainom si Adam dahil may iniisip daw na di niya masabi sa kanila pero malakas naman ang mga tolerance nila sa alak! Painumin mo lang ng tableta para sa hangover okay na yan!”] ani ni Jai kaya naman ay napabuntong hininga ako.

“Sasabihin ko,” ani ko at napatayo na sa pagkakaupo.

[“Bilisan mo beshhyy! Baka maunahan pa kayo ni Atlas!”] ani ni Jai bago ibinaba ang tawag.

Naglakad ako papasok sa bahay at nakita si Adam na nakapikit pa rin at nakasandal sa sofa.

Naglakad ako papunta sa harap niya at bahagyang tinapik ang pisngi niya.

“Hey,” ani ko mababang boses at nagmulat naman kaagad si Adam ng mga mata niya.

“Is there any problem?” tanong niya pagkagising kaya natawa ako at inayos ang buhok niyang magulo. Sinuklay ko iyon gamit ang mga daliri ko.

“May surprise daw si Floryn kay Atlas. Sasagutin niya na daw yung lalaki. Pinapapunta tayo,” ani ko sa mahinang boses at tiningnan siya sa mata.

“Okay ka na ba? Kaya mo bang pumunta?” tanong ko at hinilot ulit ang ulo niya.

His Wife ( Ruthless Men Series 1 )Where stories live. Discover now