Kasalukuyan kami ngayong kumakain ng tanghalian ni Adam at masaya ako dahil nagustuhan niya ang pagkaing hinain ko para sa kanya.
Actually, recipe ko iyon. Wala akong pinaggayahan. Inaral ko lang iyon at masaya akong nagustuhan niya, siguro ay gagawa na ako noon ng marami.
“May paborito ka bang pagkain?” pagbàsàg ko ng katahimikan kaya napatingin siya sa akin at umiling.
“I have a stomach problem so I don't have any favorite food,” aniya kaya naman ay napatango ako bago sumubo ulit.
“Okie,” ani ko dahil sobrang tahimik ng paligid.
Pagkatapos naming kumain ay umalis si Adam dahil may pupuntahan daw siya. Inayos ko naman ang necktie niya bago siya umalis at kumaway hanggang sa makaalis na siya.
Napabuga ako ng hangin at dumiretso ulit sa kusina dahil balak kong mag-eksperimento na naman ng pagkaing sana ay magustuhan ni Adam.
Kumuha ako ng mga ingredients sa ref at akmang maghihiwa na ako ng sibuyas ay bigla akong napahinto dahil sa sigaw ng isang babae.
“Aryn!” sigaw ni Jai.
Napabuntong hininga naman ako dahil akala ko kung sino, sila lang pala.
“Hello, good afternoon,” ani ko at ngumiti sa kanya, napangiti naman siya lalo dahil doon.
“Napakaganda mo. May IG ka ba?” tanong niya kaya nangunot ang noo ko.
“Anong IG?” tanong ko at napanganga naman siya.
“Instagram beh,” aniya kaya napakamot ako sa braso.
“Sorry, ngayon pa lang ako nagkaroon ng cellphone,” ani ko at agad naman siyang sïnïkö ni Hanabi.
“Ikaw talaga. Okay lang Aryn, baliw lang talaga siya,” ani naman ni Floryn kaya napatawa na lang ako habang nakanguso si Jai.
“May phone ka na? Save mo number ko,” ani ni Jai at kinuha ko naman sa bulsa ko ang phone ko at inabot iyon sa kanya.
“Seriously?! Wala kang IG o di kaya naman ay Facebook?!” aniya at umiling naman ako.
Napabuga siya ng hangin at tinype ang number niya, maging sina Floryn, Carmilla at Hanabi ay nilagay na rin ang number nila.
“Yan, tapos download ka na rin ng iba pa,” ani ni Jai at ibinalik sa akin ang cellphone ko.
“For emergency purposes lang naman ito, hindi naman ako mahilig sa ganito,” ani ko at napangiwi naman si Jai.
“Sige po, manang,” ani ni Jai at binatukan siya ni Floryn.
“Jai, ayusin mo ang ugali mo. Hindi porket ayaw niya sa ganyan tatawagin mo na siyang manang,” ani ni Carmilla na hindi naman pinansin ni Jai.
“Magluluto ka?” tanong ni Jai at napatango naman ako.
“Ah, para kay Adam. Maselan kasi,” ani ko at napatango naman sila.
“Alam mo pala yung problema niya 'no?” ani ni Jai at napatango naman ako.
“Malamang asawa siya,” ani naman ni Floryn kaya napatawa si Hanabi habang nakabusangot na si Jai.
Napansin kong hindi masyadong masalita si Carmilla kumpara kina Floryn, Hanabi at Jai.
“Okay ka lang?” tanong ko kay Carmilla dahil parang tulala siya.
“Oh? Yes,” aniya kaya naman ay nginitian ko siya na ikinagulat niya.
“Ganyan talaga yan, shy ang person eh,” ani ni Jai kaya natawa sina Floryn.
YOU ARE READING
His Wife ( Ruthless Men Series 1 )
RomanceD I S C L A I M E R : This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of...