CHAPTER 1: Annoyed

11.8K 220 16
                                    

"Dami mo nanaman issue, Tamg!"

Tinawanan ko ang sigaw ng kaibigan kong si Linken. Nandito kami ngayon sa Free Space, mga nakatambay habang naghihintay na matapos ang klase. Mga hindi kami pumasok.

"So? Makakalimutan din nila 'yan."

"Sus. Sinabi mo rin 'yan dun sa nakaraan mong issue na binibring up na nila ngayon." Si Sabrina. Hindi rin s'ya pumasok.

"Sila lang naman yung may problema."

"Baka ikaw! Ikaw 'tong nagchi-cheat?"

Hinampas ko si Linken ng bag ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong hindi nga naging kami nun? Feeling lang s'ya kaya akala n'ya naging boyfriend ko s'ya kahit na hindi naman talaga."

Kahapon lang nagsimula ang tungkol sa issue na kumakalat saakin. Cheater daw ako sabi ni Farrel, yung naging ka fling ko last week.

"Pa'no ba naman kasi hindi mag a-assume yung mga tao e todo post yung mokong na yun sa'yo sa tiktok n'ya." Natatawang sinabi ni Sabrina. "Daig n'ya pa shota kung makaflex ng mukha mo, e. Ano nga ulit yun? My girl.. my girl, e hindi naman kayo mga bading!"

Umirap ako.

Sikat na influencer si Farrel. Madami s'yang followers sa tiktok, ganoon din naman ako. Kaya nga buwan buwan nalang akong may issue dahil lahat binibig-deal.

"Deactivated tiktok account mo?"

"Hindi."

"Oh? Edi ang dami mo nanamang bash n'yan?" He laughed. "Pwede na kumain ng popcorn!"

"Okay lang. Mag comment lang sila sa mga videos ko, kahit I-duet pa nila tutal mga one sided immature shit naman sila."

Hindi ko alam sa Farrel na yun, nakita lang akong may kahalikan na iba, kung ano-ano nang sinabi sa tiktok n'ya. Doon ba naman nag vent? Bakit hindi nalang sa nanay niya? Tutal mama's boy din naman s'ya.

I remember sinabihan ako nito na kailangan daw magaling akong magluto kasi mahilig kumain ang anak n'ya. What a nightmare!

Mygoodness, it's so annoying! Bakit? Kasalanan ko bang hindi naman kami in a relationship? Tsaka, una palang alam n'ya na yun. NO. STRINGS. ATTACHED. KAMING. DALAWA. Kaya bakit nagpapa-victim s'ya ngayon sa social media?

Mapapagalitan ako ng parents ko dahil sa mga ginagawa n'yang kajejehan!

"Bawat scroll ko sa tiktok puro mukha ni Tamg lumalabas amputa." Naiiritang itinago ni Linken sa bag yung phone niya. "Ang dami nang tawag sayo. Ahas ka raw tapos linta."

Binatukan s'ya ni Sabrina. "Pangit pakinggan."

"Joke lang, Tamg!" Narealize n'ya sigurong bellow the belt ang sinabi n'ya.

"Mag skate na nga lang kayo. Bakit ba kayo sumama saakin ngayon? Akala ko ba mag-aaral ka na nang mabuti ha, Sabrina?" May pinopormahan kasi ang isang 'to e.

Inakbayan n'ya ako. "Concern lang ako sa'yo,"

I rolled my eyes when Linken encircled his arms on my shoulder too. Ganyan naman sila, kahit na madalas kaming nag-gagaguhan, alam kong concern parin sila sa'kin.

"Oo na! Sige na!" Inalis kong pareho ang braso nila. "Magskate na kayo, tama na paglalambing! cringe na s'ya, hindi na sweet."

Skatepark kasi itong Free Space, kaya madalas kaming tumambay dito o 'di kaya naman ay nagpapalipas ng oras dahil lahat kami sa mag totropa mga nag s-skate.

I smirked when Sabrina showed me her new tricks. S'ya ang pinaka magaling, s'ya rin ang nagpakilala nito saamin. Silang dalawa ni Linken.

Mula elementary magkaibigan na kaming anim, kaya kilalang-kilala na namin ang bawat isa. Ako, si Sabrina, Si Linken, si Gail, si Lynpen at si Van. Wala yung tatlo dahil hindi sila nag cutting.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon