"Balita ko nagpunta kayo sa angkan ng tatay ni Kaori, o anong kinalabasan?" Si tita Kelly habang halos punuin na ng ulam ang plato ko.
"Ma.. she has her own hands; baka hindi niya maubos 'yang mga nilalagay mo."
"No, no, it's fine," ngiti ko nang tumigil si tita sa ginagawa niya. "Gutom din naman po ako kaya okay lang. Yung tungkol naman po sa pagpunta namin sa kabila, It went well po, mukhang nagustuhan ako ng father niya."
Matunog siyang ngumisi. "Sabi ko na,"
"Sabi mo na?"
"Ganiyan kaganda ba namang mukha ang dalhin ng anak ko e," she boastfully chuckled. "Kahit nga ako, hindi ako nagalit nung nalaman kong may relasyon kayo niyan ni Kaori."
"Ma," saway sa kaniya nito pero hindi siya tumigil.
"Alam mo kung anong naramdaman ko? Nagulat ako kasi paanong nabingwit ka niya iha? Hindi naman sa nilalait ko ang anak ko, ha? Pero parang napaka-imposible kasing patulan mo siya-"
"Ma!"
"Makasigaw naman 'to," her mother laughed. "Aba'y bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo. Diba iha?" Nginitian ako nito.
Nagpipigil ng tawang sinulyapan ko si Kaori na ngayon ay masama na pareho ang tingin saaming dalawa. Imbis na sumagot sa tanong ni tita, tumawa nalang ako at sumubo ng kanin.
"Ang sarap po ng luto niyo, pwedeng hingin ang recipe?" Nakangiting tanong ko. Because of what I did, nag-iba ang flow ng usapan naming dalawa.
"Pero iha, masaya akong nagustuhan ka ng father side niyan ni Kaori."
Not until aksidente kong mabanggit ang bagay na hindi dapat banggitin.
"Oo nga po e, kailan kaya kami magiging legal both sides?"
Natahimik sila pareho.
Sobrang tahimik. Hindi sa pagiging OA, pero pakiramdam ko tumigil sa paghinga si Tita Kelly. Dahil dito, kinakabahan akong lumingon kay Kaori. When I saw her unreadable face, parang gusto ko nalang kaagad mag sorry.
The fuck, Tamg! Why did you say that?!
"A-Ah.. hehe.. sa susunod, sa susunod 'yan iha, huwag ka mag-alala," awkward na sagot ni tita para lang gumaan ang hangin sa pagitan naming tatlo.
To be honest? I think they're both hiding something from me. Pakiramdam ko meron silang dalawa na hindi sinasabi sa'kin. The way they act and the way they look at each other.
Pero ano naman yun? At bakit sinisikreto nila 'to? May iba pa bang ginawa si Papa bukod sa pagpapalayas sa kanilang dalawa?
I sighed.
Hanggang sa matapos kami sa pagkain, hindi na namin muling napag-usapan pa ang tungkol dun. Mabuti nalang at magaling si tita Kelly makipag-usap, nawala rin kaagad yung awkward na hangin sa pagitan naming tatlo.
"Mag-iingat kayo, ha? Kaori, sinasabi ko talaga sa'yo. Mag-ingat ka d'yan sa pag d-drive mo at kasama mo si Amhara. Huwag mong gagasgasan ang sasakyan niya."
"Don't worry tita, she's a great driver," sagot ko bago siya yakapin at halikan sa pisngi. "Sa susunod po ulit."
Hanggang labas ng pintuan lang siya ng apartment dahil hindi na namin siya pinababa pa ng building para lang ihatid kami sa parking. Madilim na rin kasi dahil napasarap ang kuwentuhan naming tatlo, hindi namin napansin ang oras.
Madalas akong magpunta dito sa apartment ni Kaori. Pero dahil stay in si tita doon sa trabaho niya, palagi siyang wala. Kami lang dalawa ng anak niya ang nandidito.
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...