"Kailangan ko pang tapusin yung-"
"Linggo bukas, Kaori. Puwedeng-puwede mo 'yan tapusin bukas." Hinila ko s'ya pabalik sa kama. "Usap muna tayo."
Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang naiilang niyang mukha. Ang cute talaga ng isang 'to kahit kailan. Favorite na favorite ko yung singkit niyang mga mata.
Ang nakakatuwa pa rito, feel na feel ko ang pagiging superior ko sa mga oras na 'to. Sinusunod niya lang naman ako. Si Kaori! Si Kaori Akagi na walang ibang alam gawin kung hindi ang magsungit at isnobin ako, sinusunod ako ngayon!
Pakiramdam ko tuloy nananaginip ako. It's too good to be true.
"Tell me Kaori, do you like me?"
Kinakabahan ako habang itinatanong sa kaniya 'yon. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan kong lakasan ang loob ko para magkaroon na ng patutunguhan ang mga nangyayari saamin ngayon. Hindi yung palagi lang umiikot ang mundo namin sa pang b-blackmail at paano mauutakan ang isat-isa.
Yumuko siya.
Kumunot naman ang noo ko. Wait.. is she scared? Natatakot ba siya sa p'wedeng maging sagot ko kapag sinabi na niya saakin ang totoo?
Naku, don't be! Susuklian ko naman ang nararamdaman niya! Hindi ko rin alam kung kailan ako nagkagusto sa kaniya, e.. pero hindi na importante ang bagay na yun. Basta ang alam ko, kahit na ano pang sabihin niya ngayon, ready akong suklian ang nararamdaman niya saakin!
"So, ano nga, Kaori? Do you like me?" Pagtatanong ko ulit, excited sa magiging sagot niya. "Ako kasi-"
"I.. don't like you." She whispered. Dahilan kung bakit hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko.
"A-Ano?"
"I don't like you." Pag-uulit niya rito.
"You don't like me?" Pati ako ay naguluhan. Paanong hindi niya ako gusto? "I don't believe you."
Umangat ang ulo niya dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy naman ako.
"Paanong hindi mo ako gusto Kaori? You kissed me two time, two years ago. I know you're affected by it kasi hindi mo naman ako iiwasan kung wala kang pakialam sa ginawa mo sa'kin. Halos gawin mo akong hangin kaya hindi ako naniniwalang wala kang gusto sa'kin."
I know she's lying. Ofcourse she do like me. Dini-deny niya lang sa sarili niya pati saakin.
"Baka naguguluhan ka lang kaya mo nagagawang magsinungaling ngayon,"
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"I saw your messenger, Kaori. Ang dami kong pictures doon. May screenshot ka rin ng picture ko from Instagram sa album mo. Nakita ko yung date, hindi pa tayo mutual that time kaya ang ibig sabihin lang nun ay ini-stalk mo ako. Nakita ko 'yon lahat. Kahit yung picture natin together na hindi ko alam na nag e-exist pala. Natutulog ako roon at naka peace sign ka. Sige nga, paano mo ipapaliwanag ang mga 'yon? Lahat ng 'yon? Paano mo ipapaliwanag?"
Nakakainis siya. Hindi manlang niya magawang magsalita. Pinapanood niya lang ako, parang nagugulat pa sa mga sinasabi ko.
"See? Hindi mo maipagtanggol ang sarili mo kasi you know to yourself that you really like me. Niloloko mo lang ako sa mga salita mong hindi mo ako gusto. Stop lying to yourself. Masama yun."
"Why are you like this?"
"What?"
"Why are you like this?" Pag-uulit niya. "I can't read you. Bakit mo pinipilit na may gusto ako sayo?"
"Because I know that's the truth. Ang daming evidence!" Iritado kong tinulak ang kaliwang balikat niya. "Hindi mo lang inaamin. You're just denying it."
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...