PROLOGUE

17.7K 315 19
                                    

"You're going to watch?"

I kissed Lynpens on both cheeks before sitting beside her. Inalok niya ako ng alak, but I decline. Umiiwas ako ngayon sa alcohol, mahirap kasing pigilan ang sarili kapag nakatikim nito. 

Hindi pa naman na pwede ang gano'n ngayong may pinoprotektahan na akong reputasyon at pangalan sa industriya. Baka kung ano pang mangyari.

"Ano ka ba Lynpen, it's so impossible na hindi s'ya manood ngayong gabi 'no! Dapat alam n'yang wala na s'yang kawala once na pumasok s'ya rito." Si Gail. Infairness, gumagaling ang isang 'to sa pagtatagalog.

"Nakita mo na ba si Stephanie?" Lynpen asked. Stephanie is our schoolmate from senior high school, s'ya ang may birthday ngayon. 

"Yup, nagkausap narin kami." Nilakasan ko ang boses ko dahil sa maingay na tugtog dito sa bar. Tutugtog mamaya ang banda ng kaibigan naming si Van.

"So.. uhm.. you're really going to watch?" Tanong nanaman ni Lynpen.

I chuckled. "Yes, I will. Wala namang dahilan para hindi ako manood, okay?" I gave her a smile.

"I know.. I'm just.. concern. Nandito s'ya, you know?"

Napainom ako ng alak pagtapos mabanggit ang topic na iniiwasan ko sanang pag-usapan ngayong gabi.

"Don't worry about me. It's all in the past, Lynpen. Of course I already moved on." Idinaan ko nalang sa tawa para hindi na s'ya magtanong pa.

Tsaka, hindi naman sa kan'ya umiikot ang mundo ko. I have my personal life in Paris, ganoon din s'ya rito sa Pilipinas. She's part of a famous band here in our country. For sure dumami narin ang mga kakilala n'ya, hindi katulad noon na halos wala siyang kaibigan. Kaya imposibleng mapansin n'ya pa ako ngayong gabi.

"I heard milyon ang ibinayad ni Stephanie sa Anarchy, a?" Iniba ni Gail ang topic. Anarchy ang band name nila Van.

"Really? Ang alam ko binigyan daw ng discount ni Van?"

Kauuwi ko lang from Paris last week. I took a break from my work, namimiss ko kasi ang hangin dito sa Pinas. Isa pa, hindi naman mamamatay ang company doon kung mawawala ako ng dalawang buwan. Maraming mga magagaling na fashion designer bukod saakin. They will survive without me.

"I really love you, ate Tamg! I can't believe you accepted my offer. I mean, look at you now! You're too successful! I know you have a lot of things to do para isingit pa sa schedule mo ang pagpapagawa ko ng wedding gown."

Yun nga e, imbis na bakasyon tuloy, parang trabaho parin ang ganap ko ngayong buwan.

Nginitian ko si Allyson. "Don't worry baby girl, I can manage." Dahil soon to be wife ka ng nag-iisang kapatid kong lalaki.

"Thank you talaga, ate! Just tell me if you want me to move the deadline. Pwede ko namang iurong ang kasal namin ni Bryle."

I shook my head. "Oh, no... don't worry about that. I promise, after one week tapos ko nang i-sketch yun."

"Really?" Halos mangiyak-ngiyak na wika n'ya.

"Yup. Two months lang din ang break ko kaya kailangan makaabot ako sa kasal n'yo. I want to witness it with my two eyes. I can't miss the wedding of my one and only brother, you know? At baka itakwil n'ya ako," I joked.

Tumagal pa ang pag-uusap naming dalawa hanggang sa lumalim ito at mapunta sa topic na hindi ko gustong pag-usapan.

"Kamusta na nga pala kayo ni ate Kaori?"

Just great.

"Hmm?" I fake a smile. "Sorry, but I don't want to talk about this right now."

Her eyes widened. "I'm sorry! Right.. I'm sorry ate."

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon