"KAORI anak, bilisan mo ang kilos at baka dumating na ang sundo natin at hindi parin tayo nakaayos. Nakakahiya, susunduin na nga lang tayo, paghihintayin pa natin sila."
Tumango ako at binilisan ang paglalagay ng mga gamit namin sa kahon. Ngayon ang araw ng pag-alis namin sa probinsya, lilipat na kaming Manila, roon sa trabaho niya.
Stay in si mama ro'n, kaya ako lang ang naiiwan dito sa bahay namin. Wala na kaming ibang pamilya, hindi ko rin kilala tatay ko. At kahit na hindi sabihin sa'kin ni mama ang dahilan, alam kong binuntis lang siya nito tapos tinakbuhan. Duwag na duwag sa responsibilidad?
"Jusko, hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon. Ang bait talaga ng mga Amo ko. Akalain mo yun? Nung malaman nilang may anak ako sa probinsya na naiiwang mag-isa sa bahay, inalok agad nila akong doon ka na tumira? Binigyan pa nila tayo ng sariling kwarto. Napakaswerte talaga."
Simpleng tango lang ang isinagot ko kay mama para iparamdam sa kaniya na nakikinig ako kahit papaano.
Ayos lang naman sa'kin ang ganoong set-up namin. Kaso si mama, ayaw niya. Nag-aalala raw siya saakin sa tuwing naiiwan akong mag-isa kahit na paulit-ulit kong sinasabi na okay lang ako. Ayos nga lang sa'kin. Nasanay narin naman na ako.
Isa pa, nand'yan naman si Catrina, kaibigan kong may mabait na pamilya. Madalas nila akong pinapakain sa bahay nila. Doon din ako natutulog paminsan-minsan kapag nag-aaya siyang manood ng palabas.
"Talaga? Aalis ka na?" Tumutulo na ngayon ang luha ni Catrina.
Magkaibigan na kami mula grade three. Nag-iisang kaibigan ko siya rito sa probinsya dahil walang ibang gustong makipag-usap sa'kin. Weird ko raw e, sabi ng mga kaklase ko. Masyado raw akong tahimik at boring kasama.
"Oo e," sagot ko sa kaniya.
"Pero bakit?" Niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik at medyo tinapik ang likod. "Ayaw kong umalis ka, Kaori. Pero kung wala na talaga akong magagawa, tatanggapin ko nalang. Huwag mo ako kakalimutan, ah? Dapat bestfriend parin tayo kahit na long distance relationship na tayo. Gusto ko mag bestfriend parin tayo. Please?"
I nodded at her.
Minsan naaawa ako sa kaniya kasi masyado siyang malayo para sa ugali ko. Hindi ko kayang sabayan ang paraan niya ng pakikipag-usap.
"Alis na ako." Ginulo ko ang buhok niya bago sumampa rito sa sasakyan na sumundo saamin.
Kinawayan ko siya na lalong nagpalakas sa iyak niya. Humagulgol din siya nang marinig na mag start na ang makina ng sasakyan.
"Kaori, kaibigan mo ba 'yang umiiyak? Abat.. patahanin mo naman. Iyak nang iyak, oh. Gusto bang sumama?"
Hindi ako sumagot.
Nalulungkot ako, oo. Pero hindi ko alam kung paano ang tamang pagpapakita nito sa kanila. Dapat ba akong umiyak din? Katulad ng ginagawa ni Catrina? Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pakiramdam ko hindi bagay saakin ang pag-iyak.
Pinagmasdan ko nalang si Catrina hanggang sa makalayo na kami. Hanggang sa hindi ko na siya maaninag pa. Hanggang sa hindi ko na maaninag ang bahay namin. Bahay namin na ako lang palagi ang tao.
Bumuntong hininga ako bago magsuot ng wired earphones at magpatugtog ng music. Wala naman akong ibang magagawa, e. Huwag siyang mag-alala, hindi ko siya kakalimutan katulad ng pangako ko sa kaniya.
"TITA KELLY! OH EMM GEEEEEEE!"
Pinanood kong tumakbo papunta kay mama ang isang babaeng kaedad ko. Nakasuot ng fitted na sando tapos pink na pajama. Morena siya, mahaba ang buhok, at.. maganda.
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...