"So, ano na nga? Ano nang plano natin? May mga problema pa ba tayo? Bilisan niyo! At para magawan na ng paraan!"
Gusto kong paliparin ang utak ko ngayon para makapag isip-isip tungkol sa mga bagay na ayoko sanang isipin pero dahil sa lakas ng boses ni Farrel, hindi ko magawa.
Nakita ko ang pagtaas ng kamay ng isang lalaki na nakapwesto sa harapan ko. Agad siyang itinuro ni Farrel kaya tumayo ito. Binigyan nila ito ng mic para makapagsalita.
"Kulang pa kami ng limang members para do'n sa sasayawin namin sa 14." He said.
Siguro pogi ang isang 'to. Yun lang ang sinabi pero may mga tumili, e. Nagtutulakan pa nga ang ibang mga babaeng nakapwesto sa kabilang banda namin.
"Ay mga teh? Anong nakakakilig sa sinabi niya?" Farrel sarcastically asked, causing the crowd to laugh. "Pero teka lang? Paanong nagkulang kayo? E ang dami-daming members niyang dance troupe niyo. Hello? LaSalle ang school natin?"
"Oo nga, pero nag focus kasi yung ibang mga graduating students sa research nila. Sabi nila next time nalang daw sila sasayaw kapag tapos na yung research. May next time pa naman daw."
Nagtawanan ang mga tao, kasama na ang mga kaklase ko. Nandito kami ngayon sa court. Si Farrel kasi ang isa sa host kaya nagpunta ako para panoorin siya.
"Edi magpa-audition kayo! Ang simple simple!"
"Yun nga, e. Puro mga baguhan ang sumasali, walang mga proper training. Ang lapit na ng event, at mahirap yung mga steps na balak naming gawin. Other students from the other schools we're going to watch."
"Kaya 'ya-"
"Hindi nga kaya. Kaya nga ako nagsasalita rito diba?" Mukhang napikon na ang lalaki.
"Oh, kalma, baby, kalma," gago talaga 'tong si Farrel. "Joke lang naman yun. Sige na, maupo ka na muna. Breath in.. breath out.. Ako nang bahala, at baka ma-stress ang mukha mo, pogi ka pa man din. Number mo kyah?"
I laughed. This gay talaga! Kung ako 'yang ginaganyan niya ngayon, malamang kanina ko pa siya nabato ng sapatos.
"Si Tamg daw sasali!"
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Malaki ang ngiti sa labing itinuro ako ng kaklase kong si Ross habang pwersahang itinataas ang kaliwang kamay ko.
"Magaling 'to! Nakita ko siyang sumasayaw ng Pantropiko kanina!"
Kaagad kong hinila ang buhok niya at ibinaba ang kamay ko. Pero ang babaita, tinawanan lang ako.
Kahit ang lalaking nasa harapan namin, lumingon saamin! Bwisit! Nasa amin na lahat ng atensyon nila! Tapos ginatungan pa ng magaling na si Farrel!
"Ay, Oo nga! Pak! Tumpak ka d'yan beh! Si Tamg, magaling 'yan! Kaibigan ko 'yan! Tara, tara, lumapit ka dit-"
"Hindi! Nag jojoke lang si Ro-"
"Kenji, kausapin mo siya bilis! Naku, hinding-hindi kayo magsisisi d'yan. Magkakaroon pa ng visual ang grupo niyo." Farrel laughed loudly.
This bitch! Tutuhugin ko talaga siya na parang isang barbeque!
To my horror, Kenji looks so interested.
"A-Ah, hindi kuya-"
"Do you have a video?"
"Yes!" Sagot ni Ross, inilapit niya rito ang video para maipakita. Aagawin ko sana ang phone pero itinakbo ni Kenji habang pinapanood, dahilan para magtawanan ang mga tao sa paligid namin. "Aray! Aray ko naman!" Ross exclaimed.
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...