CHAPTER 32: Linger

3.4K 141 4
                                    

"Tutugtog na yung mga pogi! Dito tayo, bilisin niyo, maaagawan tayo upuan! Sige Tamg! Bagalan mo pa!" Hinila ako ni Farrel sa tabi niya.

Nagpaalam ako kila Lynpen na pupuntahan ko na muna ang mga kaklase ko dahil kanina pa ako hinahanap ng mga ito. Nasa unahan sila, habang kami naman ay nandito sa bandang gitna. Kita parin naman ang stage. Mataas naman ito, e.

"Teh, ang pogi nung sinayawan mo kanina. Type ni Amanda." Farrel whispered to me. "Pakilala mo raw siya."

Nagsi-upuan narin ang iba naming mga kaklase sa tabi namin. Si Ross ang nasa kaliwa ko, sa tabi niya naman ay si Clarenz, na sinundan ng iba pa naming classmates.

"Hindi puwede." 

"Ay? Bumabakod?"

"Hindi. Hindi kasi pang long term relationship ang isang yun. Kakagaling lang sa 5 years relationship si Amanda, tapos si Sabrina isusunod niya? Baka dumagdag lang sa trauma niya." Mental hospital ang bagsak niya pag nagkataon.

"Nasa hoe phase?"

Hoe phase? More like may hinihintay na phase. I almost laugh after remembering it. Ewan, natatawa ako kapag broken sila kahit na alam ko naman kung ano ang pakiramdam kapag broken ka.

"Nagulat ako sayo, teh. Puro lalaki yung hinila ng kasama mo, tapos ikaw dumiretso sa babae? Hindi ka pa talaga nakuntento, sinayawan mo pa yung maliit kanina."

I chuckled. "She's a friend. Pikon, kaya inaasar ko."

"Kiffy pala ang bet mo-" Hinampas ko siya kaya natatawa niya akong inirapan. "Ah, basta! Hindi ka nagsasabi sa'min na ang dami mo palang poging kakilala. Mahuhulog na panty ko kanina habang tinitignan sila. Beh, ang tangkad pala sa personal ni papa Van."

"Type mo parin siya?"

"Hindi naman ako tumigil." Kinikilig na anito, hinampas pa ako pabalik sa balikat. "Ipakilala mo ako! Malay mo bet niya rin ako."

Tumawa nalang ako. "Loyal yun sa bestfriend niya."

"Kauri ko rin siya?"

"Gaga. Babae bestfriend nun. Kasama rin namin kanina ah? Hindi mo napansin? Yung matangkad na nakasalamin tapos may braces."

"Ito ba?" Nilabas niya ang phone at ipinakita sa'kin.

"Tarantado, bakit may picture ka niya?"

"Duh? Sinend sa gc, type raw ni Clarenz. Seen seen din kasi pag may time. Inaabando mo na kami, ano? Kanina ka pa nila minimention, kanya-kanya silang add to cart do'n sa mga kaibigan mo."

"Study first yun," nilingon ko si Clarenz na katabi ni Ross. "Si Lynpen, yung kaibigan ko, study first."

"Single?"

"Not ready to mingle," ngumisi ako. Taob ka dun boi, lalapagan ka ng article nun kapag kinausap mo basta.

"Naka-salamin din naman ako, may braces din."

"Hindi ka naman long hair," pang-aasar ko sa nagsalita nanamang si Farrel. "Hindi ka rin valedictorian nung grumaduate. Hindi ka rin nanalo ng regionals ng halos hindi na mabilis na beses at hindi ka rin-"

"Oo na! Tama na! Tama na!" Farrel dramatically held his chest. "I heard enough."

Umayos na ulit ako ng upo. Akala ko tatahimik na ang paligid pero this time, si Ross naman ang nangulit. Nag-away pa sila ni Farrel dahil pareho nila akong gustong kausapin at parehong gusto mauna.

"E ito?" Itinapat ni Ross ang screen ng phone niya saakin.

Tinignan ko ito. Nagsalubong ang kilay ko at dumiin ang titig sa picture. Iritado akong nag-iwas ng tingin.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon