CHAPTER 19: Birthday

3.6K 163 21
                                    

"Who are you planning to give that to?"

Nilingon ko si Van. Nandito kami ngayon sa isang mall, nagpasama kasi ako sa kaniyang bumili ng electric guitar. I know he knows a lot when it comes to musical instruments. He loves music, nagpaplano nga siyang gumawa ng sarili n'yang banda sa college e.

"Hindi ko ibibigay 'to sa kung sino, para sa'kin 'to."

"I didn't know you started to have an interest in music."

"Oo, last week lang. Excited na nga akong matu-"

"Drop the act. I know it's not for you."

"Ano bang sina-"

"Yeah, whatever. You're really good at lying, Tamg. I almost believe you." He sarcastically said before rolling his eyes. "Are you hungry? Anong gusto mong kainin?"

Tinanggihan ko siya dahil excited na akong umuwi. Birthday kasi ngayon ni Kaori, at magsasabit pa ako ng mga kung ano-anong decorations at mag ba-bake ng cake.

Plano ko nga sanang mag enchanted kingdom kami kaso gusto niya raw na sa kwarto ko nalang. Okay lang naman saakin dahil puro gala na kami these past few days. Kung saan-saan na kami nakakarating. Well, at least sa kwarto hindi kami mapapagod.

"Ang ganda!" Sigaw ko sa love letter na kakatapos ko lang gawin. Jusko, ang haba nito. Ang dami kong sinabi sa kaniya! Pakiramdam ko nga kulang pa, e. Ganito pala kapag inlove sa girlfriend 'no?

Pinagmasdan ko ang paligid. Puno na ng balloons and decorations ang kwarto ko. Naisabit ko na rin yung mga pictures naming dalawa sa yarn na idinikit ko sa kisame.

Ang cute ng mga pictures namin! Dumadami na ang mga ito dahil kakatapos lang ng monthsary namin last week. We celebrate it by dating each other for the whole day. Treat lahat ni Kaori! Nahihiya nga ako sa kaniya, e. Pero hindi niya kasi ako hinahayaang gumastos sa tuwing sinasabi kong ako naman ang magbabayad.

In the world of boys.. she's a.. gentlewoman!

Hay.. kung alam niyo lang kung gaano ako ka-inlove ngayon. Nagtataka na nga ang mga classmate ko dahil palagi raw akong nakangiti. Active na rin ako sa recitation. Kahit na mali yung sagot ko, nakangiti pa rin ako pagtapos.



whoslynpen
happy birthday to your girlfriend:)



Ngayong week lang nalaman ng mga kaibigan ko ang tungkol sa'min. Gumawa kasi ako ng isang Instagram account at doon pinag po-post lahat ng pictures namin ni Kaori. S'yempre nagulat yung apat. Maliban kay Lynpen dahil nakita niya na raw na mangyayari ang bagay na ito.

Si Van naman.. hindi parin n'ya alam hanggang ngayon dahil palagi siyang wala sa tuwing nagkikitakita kaming lima. Tapos hindi niya pa pina-fallow back yung dump ko, kaya ayun, late na late na siya sa balita.




tamgie_tamg
damang-dama ko po yung word na girlfriend hehe




Sa totoo lang, pakiramdam ko alam na ng iba kong mga classmates at kaschoolmates, e. Napapadalas kasi ang kain naming dalawa ni Kaori sa cafeteria. Kilala nila ito bilang isang snob at masungit na estudyante kaya syempre kapag nakita nila itong palagi akong kasama, girlfriend kaagad ang unang papasok sa isip nila.

Plus, hindi sana halata kung pareho kaming femme. Ang kaso, masc ang baby ko. Hairstyles n'ya palang confirmed na agad. Pang bading kaya ang mullet x wolfcut! Hindi n'ya na ito pinahaba pa simula nung nagpagupit s'ya nung grade 10. Nanatili ang hairstyle niya na ganito.

Maya-maya, napairap ako nang makatanggap ng message galing kay Gail. Nag send siya ng screenshot.



s.gail_
baby din tawagan nila?



The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon