CHAPTER 43: No Hesitation

3.6K 143 4
                                    

"Okay ka lang ba?" Nilapitan ako ng kakadating lang na si Lynpen. Nandito kami sa bahay, nagpunta siya dahil gusto niya raw akong kamustahin.

I nodded.

"Yung totoo? Kinuwento sa'kin ni Axel yung mga nangyari."

It's been a week since that confrontation night happened. Lahat ng kabanda nila, alam na ang tungkol sa past naming dalawa ni Kaori. Narinig nilang lahat, mula umpisa hanggang dulo. Chismis na chismis ata ang mga yun, hindi nagpaawat, hindi manlang kami binigyan ng privacy.

Sa sasakyan nila ako sumabay. Kahit na gusto kong tumakbo at umalis, alam kong hindi ako hahayaan ni Kaori. Isa pa, masyado na akong nanghihina nung gabing yun para mag commute pa.

"Ayos lang ako, Lynpen. Naguguluhan lang talaga ako ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin."

I'll admit it. After hearing her side, nakaramdam ako ng sobrang awa para sa kaniya. She cried In front of me. Iniyakan niya ako habang ipinapaliwanag saakin lahat.

I understand her. Naiintindihan ko naman, e. Sa sobrang pag-intindi ko nga parang gusto kong pagalitan ang sarili ko roon sa mga paninising ginawa ko sa kan'ya. I kept pushing her away, kung ano-ano pang sinabi ko kahit na wala akong alam kung ano yung totoong nararamdaman n'ya.

To be honest, explanation niya lang ang gusto kong marinig. Gusto kong sabihin niyang mahal niya ako, na minahal niya ako dahil tumatak talaga sa isip ko na iniwan niya ako. Naiintindihan ko naman siya sa part na yun, ang hindi ko maintindihan ay yung ginawa niyang pang ba-block saakin.

"Huy teh, okay ka lang?" Hinawakan ako sa braso ni Farrel. Kakatapos lang ng klase namin ngayon. "Kanina ka pa lutang beh, naka drugs ka ba?"

"Hindi tanga, okay lang ako," tinulak ko siya palayo.

"Teh, bakit kasi mugto 'yang mata mo? Nako! Tara, sama ka nalang saamin, gagala raw. Malay mo makakita ka ng boylet dun. O baka naman kauri mo ang bet mo? Sinasabi ko talaga sa'yo ha. Halata masyado."

"Sira," Isinukbit ko ang bag ko at binitbit ang mga libro. "Sorry, may gagawin pa ako. Next time nalang."

Inaaya ako ni Lynpen na magpunta sa gig nila Van ngayon e, at hindi ako tumanggi kasi gusto ko ring makita si Kaori. Isang linggo na akong nakapag-isip, okay na siguro yun. Handa na akong makita siya ulit.

"Tamg! You came!" Hinalikan ako sa pisngi ni Lynpen.

"Tumutugtog na pala sila," nahihiyang wika ko, hindi tumitingin doon sa stage.

Grabe, ano ba 'tong pinasok ko ngayon? Ang awkward awkward ng hangin kahit na hindi naman dapat! Buti pa 'tong si Lynpen okay siya.

Lumingon ako sa gilid ko, at doon ko nadatnan ang nakatayong si Catrina. It's obvious that she can't look at my direction, nakita ko pa ang pag-iwas niya ng tingin nung lumingon ako sa gawi niya.




"Huwag kang bibitaw, huwag kang mawawala
Oh, aking dinadala ang bawat piyesa ng ikaw
Ano'ng gagawin kung wala ka?
Ano'ng gagawin kung wala ka?
Ano'ng gagawin kung wala ka?
Kung wala ka?"




Nag-angat ako ng tingin sa stage. Grabe.. they're really amazing, ang daming tao ngayon, puro mga nagwawala at sumasabay sa kinakanta nila.

I stared at Kaori, who was in the middle and singing the song. Her eyes were closed, madiin ang hawak doon sa mic stand habang marahang gumagalaw-galaw ang katawan.

I smiled.

I'm so proud of her.

Pagtapos nilang tumugtog, dinumog agad sila ng mga audience na nasa harapan nakapwesto para magpapicture.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon