"Anong ginagawa ng isang yun dito?"
Hinayaan ko si Kaori na hilain ako papunta sa kung saan. Kaaalis lang namin doon sa building kung saan ako pinuntahan ni Dicksen. Walang tumulong kahit na isang classmate ko dahil hindi namin floor yun. Puro mga schoolmates ko lang ang nakakita, tapos takot pa ang karamihan makialam.
"Gusto n'ya raw akong kausapin." I answered honestly.
"Ano pa?"
"Gusto niya ring iunblock ko s'ya sa mga social media accounts niya. Hindi n'ya raw kasi ako mamessage at matawagan."
I heard her tsked but did not glance at me.
Napanguso ako. Hindi namin nakitang tumayo si Dicksen nung mahulog ito sa hagdan. Hinila na kasi agad ako ni Kaori paalis doon. Tanging bulungan lang ng mga schoolmates namin ang huli kong nakita bago makalabas ng building.
Unexpected ang pagdating ni Kaori. Pero mabuti nalang at pinuntahan niya ako. Dicksen is crazy and scary. Palala siya nang palala!
"Kaori, baka may klase ka pa.. balik na tayo.."
"Wala na tayong klase pareho, nasa akin schedule mo, remember?" Huminto s'ya at hinarap ako. "Ilang beses na n'yang ginawa sa'yo 'to?"
"Unang beses palang, busy din kasi ang isang yun."
Her brows furrowed. "Busy din kasi ang isang 'yon? What do you mean by that?"
May mali ba akong nasabi?
Sa takot na baka may hindi ulit siya magustuhang lumabas sa bibig ko, tumikom nalang ako. Kaori sighed before continuing to walk while gently holding my left arm.
"Hindi magandang pakinggan." She whispered.
"I'm sorry." Pero hindi na siya sumagot pa.
Dahil wala na kaming klase pareho, napagpasyahan naming magpunta na muna sa isang ramen shop malapit dito sa school. Ayaw pa atang umuwi ni Kaori, e. Okay lang naman saakin yun pero mas gusto ko sanang sa bahay nalang kami. Atleast doon may privacy, ya know?
"Uy, Tamg!" Pagpasok palang, may bumati na kaagad saakin.
Nauna si Kaori magpunta sa counter. Nilapitan ko naman ang tumawag saakin na si Shiela na bestfriend ni Samantha.
"Bakit hindi ka nagpunta sa debut ni Megan?" Aniya pagtapos ko siyang halikan sa pisngi. Ngumiti ako sa iba niyang mga kasama bilang pagbati. "May after party pa naman at ang daming alak! Tapos poging mga taga lasallian, for sure mag eenjoy ka."
Yeah.. right.. dahil nung gabing din yun, nahuli ako ni Kaori na pinapakialaman ang phone niya at nalaman ko ang tungkol sa nararamdaman niya, nasundan yung kiss na nangyari saamin two years ago, at nagkaroon ako ng girlfriend. No doubt, mas kaenjoy-enjoy ang nasaranasan ko nung gabing 'yon.
Nginitian ko si Shiela. "Oo nga, sayang."
"Hinahanap ka ni Samantha kay Zia. Tapos badtrip ata si Zia that night kaya nasigawan niya ang bestfriend ko."
Oh shit.. badtrip si Zia that night? Binabaan ko pa naman siya ng tawag nung gabing din 'yon! Hindi rin ako nag-abalang ipaliwanag sa kaniya kung bakit hindi na ako makakapunta. Tsk, tsk, siguro magso-sorry nalang ako kapag nagkasalubong kaming dalawa.
"Sino palang kasama mo? Mahilig ka rin sa ramen?" Nagsalita ang isang lalaki na kasama ni Shiela.
"Hay nako, para-paraan nanaman siya!" Nagsimula nilang asarin yung lalaki.
Nakitawa nalang ako para hindi maging awkward ang hangin sa pagitan namin ng mga kaibigan niya.
"I'm with a friend," tinapik ko sa balikat si Shiela. "Tell Samantha I said hi. Sige, balik na ako ro'n."
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
Roman d'amourThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...