"You need to go home. We're having dinner tonight." Ito ang sinabi saakin ni papa pagtapos kong sagutin ang tawag niya kanina.
Napabuntong hininga ako bago lingunin si Kaori na nasa tabi ko. "Pinapauwi ako ni papa," I said, she raised a brow, so I continued talking. "Dinner daw."
Tumango lang siya, hindi manlang nagtanong.
"I'm overthinking. Ano kayang okasyon? Hindi na kasi kami madalas kumakain nang sabay-sabay nung mga yun, e. They're always busy with their work." Ipinulupot ko ang kamay sa braso niya. "Hatid muna kita bago ako-"
"No need, I know how to commute,"
"Alam ko naman yun, pero gusto parin kitang-"
"You don't have to," putol niya sa'kin.
"Pero baby.. gusto ko nga." Umiling ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. "Gabi na, tsaka wala namang traffic ngayon."
"Stop it,"
"Bakit ba?" Ngumuso ako at nag-inarte. "E sa gusto nga kitang iha-"
"Matatagalan ka. Hindi naman parehong daan ang papunta sa apartment ko at sa bahay niyo." Hinawakan niya ako sa parehong pisngi at saka hinalikan sa noo. "Don't worry about me, kaya ko sarili ko."
Alam ko naman yun! Pero kahit na 'no! Girlfriend ko siya, e. Gusto kong ihatid siya!
Kainis 'tong dinner na 'to, wrong timing.
Pagdating sa bahay, sinalubong ako ng mga kasambahay namin at hinatid papuntang kusina. Nadatnan ko rito sila papa at mama na parehong mga nakaupo at malaki ang ngiti habang nakikipag-usap dun sa dalawang hindi pamilyar na lalaking kaharap nila. Nang makita ako, tuwang-tuwa niya akong itinuro.
"There she is!"
Bakit ang OA? Teka nga, sino ba 'tong mga kasama nila?
"Come here, Amhara. I'll introduce you to them." Tumayo siya at nilapitan ako. "Everyone, this is my firstborn, the one I'm telling you who's currently studying at LaSalle."
Pilit akong ngumiti doon sa dalawang lalaki. Yung isa matanda na, mas matanda pa kay papa. Yung isa naman, mukhang kaedaran ko lang. Pwede na, may itsura at halatang mayaman.
"Amhara, this is Mr. Vicente, my new business partner. The man beside him is his grandson. He's the same age as you. Go on, say hi to him."
Tumayo ang lalaki at pormal na nakipag-kamay saakin. Tinanggap ko ito at tipid na ngumiti nang magtama ang paningin naming dalawa. Pagtapos ay nagmano naman ako sa matandang lalaki.
Kumunot pa ang noo ko nang mapansin si Bryle. Sino 'tong katabi niyang babae na naka red lipstick at red dress?
"Napaka gandang bata,"
"Ah.. thanks po," nahihiyang sagot ko dun sa matanda.
Naupo na ako sa katabing upuan ni mama, ito nalang kasi ang bakante. Nginitian niya pa ako kaya kumunot ang noo ko. Why is she acting so kind?
"You're a graduating student?"
"Yes, she is," si papa ang sumagot. "She's also been on the dean's list since first year college. Napakasipag na bata at talagang gustong sumunod sa yapak naming mga magulang niya. If you like, I can show you her certificate of achievements."
Huh? Ano raw? Bakit ako ibinibida nito sa kausap niya?
"Excellent. That's what I like to hear. Do you have any talents? Or any hobbies perhaps? Playing piano or violin?"
"She's into arts, Mr. Vicente." This time, si mama naman ang sumagot. "My daughter loves anything related to arts. Actually, she won a lot of times in a lot of competition when she was still in high school. Ngayon kasi, focus siya sa acads niya kaya hindi na gaanong nabibigyan pansin. Pero hindi huminto ang anak ko sa pag-paint at drawing. If you like, I can show you her works."
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...