CHAPTER 22: Panic Attack

3.2K 147 10
                                    

"Bye! Thank you sa time! See you next time!"

Kinawayan ko ang taxi na sinasakyan ni Sofia. Umaandar na lahat-lahat, sumisigaw parin siya. Tsk, tsk, nakalabas pa talaga ang ulo habang kinakawayan ako.

Nang tuluyang makalayo ang sasakyan n'ya, bumalik ako sa loob ng cafe. Plano kong magpasundo kay manong Tirseng. Ubos na kasi ang pera ko sa wallet dahil napasarap ang usapan namin ni Sofia kaya ilang drinks at snacks ang nabili namin.

Kung mag co-commute naman ako, hindi ko alam kung kaya ko ba. Hindi pa kasi ako nakakasakay ng jeep buong buhay ko dahil puro taxi o grab lang ang sinasakyan ko. Ang kaso naman, wala na akong pera pangbayad sa mga ito.

"Shit, bakit ngayon pa?" Bulong ko nang makitang ubos narin pala ang load ko. "Bwisit naman.. pa'no na 'to?"

Para akong batang hindi mapakali sa upuan. Jusko naman, third year college na ako lahat-lahat namomroblema parin ako sa mga ganitong bagay.

Psh, fine. Magpapaka independent nalang ako ngayong gabi. Kinuha ko ang bag ko at isinuot ito. Paglabas sa cafe, nagpunta ako sa waiting area, sa sakayan ng jeep. Nakikita ko na rito madalas naghihintay ang mga pasahero.

"Bayad po," nag-abot ako ng bente sa katabi ko.

Napunta ako sa dulo ng jeep, doon sa tabi kung saan pumapasok at lumalabas. Dumami ang sumakay kaya halos hindi na ako makahinga. Nahihirapan akong kumilos dahil punuan at sobrang sikip. Malamig naman kanina nung naglalakad pa ako, pero bakit parang uminit ata ngayon?

"Kanino 'tong bente?" Nagtanong ang driver. "Ano ba 'to? Estudyante ba 'to?"

"Ate, sa'yo po ata yung bente,"

"Huh?" Tanong ko roon sa kumalabit saakin.

"Yun po,"

Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. Nakatalikod ang driver habang itinataas ang bente. Oo nga, saakin nga yun. Malutong kasi ang benteng ibinayad ko, e.

"Ano wala? Saan galing 'tong bente?" Nagtanong nanaman ang driver.

"Ah! Saakin po!" Nagtaas ako ng kamay. "Sa bulsa ko po galing 'yan."

Kumunot ang noo ko nang magtawanan sila. Kahit ang katabi ko, tumawa. Pilit akong umurong para itago ang sarili. Hindi ako manhid, alam kong ako yung tinatawanan nila dahil saakin sila mga nakatingin.

Sa sobrang hiya ko, pumara ako at nagpaalam na bababa na.

"Neng! Yung sukli mo!"

Hindi ko na nilingon pa yung driver at pumasok nalang sa 7-11 na katapat lang kung saan ako ibinaba ng jeep. Mga weirdo. Ano nakakatawa e sinagot ko lang naman yung tanong niya?

"Mga abnormal." I sighed.

Balak ko pa naman sanang tipirin ang magiging sukli ko doon sa bente. Paano na ako uuwi nito? Wala na ngang sukli tapos nakakatakot pa ang first experience na naranasan sa jeep.

"Tamg?"

Nag-angat ako ng tingin. "Van?"

"What are you doing here?" He's holding a red energy sting.

Kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya. Oh God, thanks! Thank you so much! Hindi ko alam kung paano siya biglang sumulpot nalang pero bahala na. Kailangan ko ng tulong niya ngayon.

"Hatid mo ako, please?! Wala na akong pera pangbayad sa taxi. Hindi ko rin matawagan ang driver ko kasi naubusan ako ng load." Ipinakita ko sa kaniya ang message ng TNT.

"Ah.." He looked away.

"Bakit?"

"I'm not sure if this is a good idea.."

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon