Pagkauwi sa bahay galing boracay, bumalik nanaman sa dati ang buhay ko. Wala si papa at mama pag-uwi ko, wala rin si Bryle dahil nagpunta raw ito sa bahay ng kaibigan n'ya. One week na.
At nang tanungin ko kung alam nila papa, alam daw. No choice naman kasi ang mga yun kung hindi ang payagan ito dahil hindi rin nila maaasikaso dito sa bahay. Yes, tita Kelly and the other maids are here but is that enough?
"I'm fine, manang. Matutulog nalang muna ako." Kapagod ang byahe! Kahit sa pag-uwi namin nagliligalig parin sila Linken. Nahahawa tuloy ako.
Natulog, naligo, at kumain. Nang hindi ko makita si Kaori sa table, tinanong ko agad si tita Kelly. Tutal wala naman s'ya, hindi n'ya malalaman ang tungkol dito.
"Ay, umalis po kaninang tanghali."
"Where did she go?"
"Hindi po nagsabi, e. Basta ang sinabi n'ya lang sa'kin ay may pupuntahan daw ho s'ya. Pero hindi n'ya sinabi kung saan."
Kumunot ang noo ko. Saan naman kaya ang punta ng isang yun? Three days pa bago mag start ang enrollment so basically it's still our vacation.
Sabi ni Papa doon parin daw n'ya kami pag-aaralin sa dati naming school para less hassel. It's okay with me, hindi rin naman lilipat ang mga kaibigan ko.
"Grabe, is that Tamg? Yung tiktoker?"
"Gago, Oo nga?! Lapitan natin tara!"
"Wait lang, e may issue 'yan ngayon diba? Sino yung dalawang lalaki na kasama n'ya? Ang tatangkad."
Umirap ako habang pinapanood ang video na dumaan sa fyp ko. Dahil nag boracay nga ako, malamang maraming mga kumuha ng pictures at videos ko without me knowing. Nagising nalang ako isang araw, pinag u-upload na nila ito sa tiktok tapos pinag memention ang account ko.
Gusto ko sanang ipa-take down pero kanino ko naman sasabihin? Fake account ang mga gamit nila.
"Baka sungitan tayo? Hindi mukhang approachable."
"Hindi 'yan, syempre mag papakitang tao 'yan kasi may camera."
"Edi ikaw, ikaw mauna. Kapag pumayag magpa-picture sayo, susunod ako."
"Bakit ako?! Ikaw nalang!"
"Ako? Ayoko, gagi! Nahihiya ako. Mukhang mataray."
This. Kahit na isang beses walang lumapit niisa saakin para magpapicture. Akala ko tuloy walang mga nakakilala saakin dun. Akala ko talaga irrelevant at laos na ako. Mga takot lang palang lumapit sa'kin. Pinag overthink nila ako sa wala, ah!
"Anong strand kukunin n'yo?" Tanong saamin ni Linken. Nandito kami ngayon sa school, sa senior high building para mag enroll.
"Humss ako." Ako ang naunang sumagot.
"Hm... nice." Gail nodded, sumasang-ayon sa'kin. "It's suits you very well, makapal kasi ang mukha mo."
"Mag s-stem ako." Si Linken na pumagitna saamin ni Gail dahil ready na akong hilain ang buhok nito. "Gusto ko mag engineering. Undecided parin si Sabrina kaya gagaya nalang daw s'ya sa'kin."
"This is not something you should be unsure of. Nasaan si Sabrina?"
Habang nagfifill-up ng enrollment form, sinusuyod ko ang paligid para hanapin kung nasaan si Kaori. Why is she not here? Sabay naman kaming pumunta dahil hinatid kaming pareho ni manong. Nagkahiwalay lang talaga kami nung bumababa na ng sasakyan dahil nauna s'yang maglakad at hinanap ko naman sila Sabrina.
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...