CHAPTER 10: Move On

3.7K 144 6
                                    

"Wooohooooooo! Let's party!"

Tonight, I'm here at a party inside of Stephanie's house. She's a stem student and she invited all of our schoolmates with different strands dahil deserve raw naming mag party before entering our second semester next week.

Ipinikit ko ang mga mata habang sumasayaw at sumasabay sa napakalakas na music. Madilim ang paligid at halos mabulag ako sa disco lights na tumatama sa mata ko.

"Tamg! Come here!"

I'm already in grade 12 and turning 18 this year. Kakatapos lang ng first semester kaya pwede nang magliwaliw. Nalampasan namin ang madugong defense. Parang last week lang nag c-cram pa kami tapos eto ngayon, mga alak na ang katapat.

"What is it Sofia?"

"Someone is asking for your name, ABM student ata ang isang yun." Sofia smirked. Classmate ko s'ya since grade 11 at close namin s'yang dalawa ni Gail.

"Pogi ba?"

"Duh? Hindi ko naman sasabihin sa'yo if he's not. Naging crush ko nga yun, e. Mayaman din at may sariling car!" She need to shout because of the loud music.

I laughed. "Pass," at saka bumalik sa gitna para makisayaw.

Pass sa naging crush ng mga kaibigan ko. Ayaw ko sa gano'n. Sofia is a nice friend, at kung hindi n'ya siguro sinabing naging crush n'ya yung lalaki, baka pwede pa.

"Tangina, ang ligalig, Tamg!"

I laughed while encircling my hands on Sabrina's neck. Hawak n'ya ako ngayon sa baywang habang tinutulungang maglakad palabas ng party.

"Sino bang nag invite rito? Huwag n'yo na ngang papainumin ng alak 'to!" Rinig kong sigaw n'ya dun sa mga nadadaanan naming schoolmates. "Lynpen, nasaan si Linken tsaka Gail?"

"Sabrina, are you mad?" I asked pouting.

She ignored me and just turned her gaze at Lynpen. Nasa kaliwa kasi namin ito, naglalakad din.

"Nasa'n yung tatlo?"

"Si Gail, nahatid ko na sa loob ng sasakyan mo kanina pa, kaya baka natutulog na yun ngayon. Si Linken hindi ko makita kung nasaan. Si Van naman.. I don't know.."

"Ano? Anong you don't know? Pwede ba 'yon?" Naguluhan si Sabrina. "Nasaan? Kasama lang natin kanina, ah?"

Hindi ko na naintindihan pa ang sumunod na usapan nilang dalawa dahil nagsisimula na akong mawalan ng malay.

Si Sabrina palang ang may sasakyan at driver license sa aming anim. Kaya sagutin n'ya kami sa tuwing lasing at hindi na kayang mag commute pauwi. Si Van mayroon din kaso hindi namin s'ya mahagilap ngayon. Madamot kasi ang isang yun kapag lasing kami, e. Ayaw n'yang magpasakay dahil baka magsuka raw kami sa loob.

"Lasing ka nanaman, Amhara?!" Sinigawan ako ni Papa nang makita akong nahihirapang humakbang paakyat sa kwarto.

Inangat ko ang shoulder bag ko dahil muntikan itong malaglag. Damn it! Sino ba kasing naglagay ng kwarto ko sa second floor?!

"Gabi-gabi ka nalang nagkakalat dito sa bahay!"

"Chill.. papa, wala naman po akong natatabig na gami-" Aksidente kong natabig yung vase, dahilan para mahulog ito at mabasag sa sahig.

"Dios ko! Tignan mo ang ginawa mo!"

Nagsimulang lumabo ang paningin ko pero naaninag ko pa kung paano sabunutan ni Papa ang sarili n'ya at kung paano nagmamadaling tumakbo papunta sa pwesto ko ang mga kasambahay namin.

"Ouch," I whispered when they accidentally let go of my left arm, causing for my body to bump into our staircase. Sakit.

"Ano ba naman 'yan! Be careful! Ingatan n'yo!" Sigaw sa kanila ni Papa. "Hay! Ewan, bahala na! Kailangan ko pang mag trabaho, kayo na munang bahala d'yan sa suwail kong anak."

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon