CHAPTER 21: Without Her

3.4K 141 2
                                    

"Happy 18th birthday, Amhara. Halika nga rito, nang mahalikan ka ng tita mo. Naku, ang laki-laki mo na. Parang dati lang e kayang-kaya ka pa naming buhatin ng mga tito mo."

I forced a smile. "Thank you po," Inilapag ni tita ang regalo niya sa lamesa.

Nakaupo ako sa gitna sa harapan nilang lahat habang pinapanood na isa-isang tawagin at magsalita sa mic ang mga magbibigay saakin ng 18 gifts. 

"Ayusin mo ang mukha mo." Palihim na ibininulong ng nagkukunwaring nag-aayos ng gown ko na si Papa.

Hanggang sa 18 dance ko, hindi ko magawang ngumiti o magpanggap manlang na masaya. Siya dapat 'to e.. siya dapat 'tong kasayaw ko ngayon. Hindi si papa, hindi ang mga kamag-anak kong minsan ko lang makita, hindi ang mga kaibigan ko, kung hindi siya.

"Tamlay naman,"

"Sabrina," magulat ako nang siya ang sumunod na lumapit saakin.

"Tignan mo nga 'yang mata mo. Kahit makeup hindi kinayang takpan pagiging mugto nito."

"Bakit ikaw ang nandito?"

"Tsk, tsk, feeling evil witch kasi yung papa mo e." Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Gusto mo kunwari ako nalang muna siya? Isipin mo ako nalang muna si Kaori. Halata ka e, halatang kakagaling mo lang sa iyak."

Sino bang may gusto nito? Wala na nga dapat akong planong mag celebrate. Kaso pinilit ako ng parents ko dahil planado na raw nila 'to, naipadala na rin nila ang mga invitation sa kamag anak namin kaya huwag ko raw silang ipahiya.

"Nasaan si Van?"

"Bakit s'ya ang hinahanap mo? Ako na 'to oh," She smirked.

Nahagip ng mata ko ang galit na mukha ni papa habang pinanonood kami. Si Van kasi dapat ang nakalista sa isa sa mga magsasayaw saakin ngayon. Kaso si Sabrina.. biglang siya ang nagpunta.

"Hindi ako makalapit sayo e, palaging may nauuna. Hindi ka rin naman nagpupunta sa lamesa namin kaya ako nalang ang gumawa ng paraan. Nga pala.. gusto mo icontact ko si Kaori para sa'yo?"

"Blinock niya ako,"

"Account ko naman yung-"

"No, Sab, you don't get it." Humigpit ang kapit ko sa balikat niya. "I tried reaching her out yesterday with the use of my new account but she kept of blocking me. Sinubukan ko na rin siyang tawagan sa phone ni Bryle pero.. isang beses lang nag ring tapos hindi na ulit naulit. Hindi ko na siya mahanap sa lahat ng socials ko.. kahit yung account naming dalawa, naka-unfollow at block na rin. P-Pinutol na niya talaga yung connections naming dalawa.."

I was hoping she would greet me a happy birthday today, but I did not receive any. Kahit manlang si tita Kelly lang sana, magiging masaya na ako. Pero wala.. wala akong natanggap mula sa kanila.

Naglaho silang dalawa na parang isang bula. Naka deactivate na rin ngayon ang account ni Kaori. Gustong-gusto ko siyang puntahan, kaso wala akong ibang kakilala na p'wede nilang puntahan ni tita. Yung tatay niya lang, pero paano naman? Kahit pangalan nito hindi ko alam. At hindi rin naman sasabihin ni Catrina kung sakali mang alam nito.

Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak at magkulong sa kwarto ko. Gabi-gabi akong umiiyak at hindi makatulog. Kahit ang alok saakin ng mga kaibigan ko na mag cebu, hindi ko tinanggap. Buong bakasyon lang akong nasa bahay. Mag-isa, walang kasama at walang kausap.

Kulang nalang hilingin ko sa langit na kuhain ako rito sa lupa. Ni wala kaming proper breakup ni Kaori. Ni hindi ko manlang siya nakitang umalis. Ni hindi manlang kami nagkausap. Kung alam ko lang talaga na yun na yung huling kita namin, sana niyakap ko nalang siya buong magdamag.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon