CHAPTER 48: Problem

4K 124 2
                                    

"Tangina, anong trip mo, Van? Alam mo naman kung gaano kaimportante saatin si Kio, diba?! We need him!"

"Fuck off!" Itinulak ng kaibigan ko si Axel.

"Dude! Seryoso ka?! Kailangan natin siya! Siya dahilan bakit tayo nakakatugtog sa harap ng madaming audience!"

"Sa tingin mo hindi ko alam yun?!"

"O alam mo naman pala!"

"Bakit mo naman sinuntok pare?" Disappointed na tanong din ni Nicholas, siya ang kasalukuyang gumigitna sa dalawa. Si Vixen naman, nandoon sa likod ni Axel, hinihila niya ito sa braso para hindi tuluyang makalapit kay Van.

Halos magkagulo na ang apat pero si Kaori, tahimik lang na nakaupo habang nasa hawak niyang electric guitar ang tingin. Kung makaakto siya, parang hindi niya naririnig o nakikita yung apat sa harap namin.

"Kaori-"

"Tangina naman, Van! Mahirap humanap ng mga sikat na artist ngayon! Sa tingin mo madaling palitan si Kio?!" Naputol ng sumigaw na si Axel ang dapat na sasabihin ko.

"Can you stop shouting?"

"Can you stop acting like you're unbothered?!" Sigaw niya pabalik kay Van. "Sige nga! Anong dahilan?! Dahil lang kinausap nito si Lynpen?! Tangina, para dun lang?!"

"He touched her!"

"Saan?! Sa bewang?!" Napahilamos si Axel. "Puta... Bewang lang 'yon! Bewang la-" nakatanggap siya ng suntok.

"Van!" Sigaw ng dalawa bago daluhan ang natumbang si Axel.

Vixen sighed. "What the fuck is that-"

"Don't touch me," pati si Vixen, tinulak ng magaling kong kaibigan. Halos mapairap ako nang pagpagan niya ang suot na damit at mag walk out na parang walang iniwang eksena.

"Fuck you, Elloren!" Axel exclaimed as he raised his middle finger.

Kio is a well-known singer. Isa ito sa dahilan kung bakit sila nakakatugtog sa event na may mga malalaking audience. Sa tuwing may concert kasi ito, ang banda nila Kaori ang nauunang tumugtog. Kahit na iyong Kio ang ipinunta ng mga tao, maririnig parin nila ang kanta ng Anarchy. 

"He's so done, parang nakatira ng sampung shabu," rinig kong pag-uusap ng tatlo sa gilid. "Si Lynpen pa nanghihingi ng sorry sa ginawa niya. Pre, imagine? Bewang? Bewang lang!"

I sighed as I turned my gaze at Kaori. "Huy," 

"Hmm?"

"Nagkakagulo na mga kabanda mo," naupo ako sa tabi niya. "Tapos ikaw, chill chill lang? Magpakita ka naman kahit kaunting concern." Hindi ko napigilang tumawa.

"Don't mind them," she whispered, still focusing on her electric guitar.

"Unbothered queen pala 'to e," I joked.

She stopped, then looked at me, just to roll her eyes. "They're full of bullshit. Si Axel, kung makaasta akala mo si Kio lang natitirang singer dito sa pilipinas. Si Van, hindi ko mabash kasi kaibigan mo." 

I laughed. "What? Hindi mo mabash leader niyo kasi kaibigan ko siya?" Mas lalo akong natawa. "Ano ka ba? Kahit ibash mo siya everyday everynight, ayos lang sa'kin. Nakausap ko rin kanina si Lynpen, sabi niya nag o-over-react si Van."

"I also talked to her awhile ago. I asked her if Kio really touched her. She said yes, but only because she was about to fall."

"Oo, tinulungan lang daw siya kasi muntikan siyang madulas, kaso nakita ni Van kaya ayun, nagalit."

"He likes her,"

"Huh?"

"Kio. She likes your friend." She continued strumming the string. "He brought her flowers last valentine's, and Van knows about it. Probably the reason why he snapped and punched him on the face—because he also likes your friend. I can see it just by observing them. It's quite obvious." 

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon