"Yabang ni Tamg, pucha!" Binato ako ni Linken ng unan. "Porke malapit na kayo mag fourth monthsary, gumaganyan ka na?"
Kanina ko pa siya inaasar. Broken kasi ang isang 'to kaya nakakatuwang asarin. Hindi niya magawang gumanti sa'kin, hindi rin siya makangiti, palagi lang galit ang ekspresyon ng mukha niya sa tuwing bubuksan ang topic na love life.
"Bakit? Anong sinabi?"
Natawa ako. Kanina, nung mag-aya siyang mag Free Space, ang isinagot ko sa kaniya-
"Kapag single talaga madaming oras 'no?" Pag-uulit niya rito para sagutin ang nagtanong na si Lynpen. Hindi ko napigilang humalakhak. "Sige! Tumawa ka lang! Kita mo, tatawanan talaga kita kapag nag break kay-"
Binato ko siya ng unan.
"Sorry ka nalang, pero never kaming mag b-break." Binato ko ulit siya. "Pacomfort ka nalang sa mga babae mo Linken. Kasalanan mo rin naman dahil red flag ka-"
"Tamg!"
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin nang sawayin ako ni Lynpen. "Edi sorry."
Okay, fine. Sabi ko nga tatahimik na.
Si Linken naman ang nauna e. Tahimik akong nakikipag-chat kanina kay Kaori tapos susulpot-sulpot siya para asarin ako.
"Sorry na," naglapag ako ng bread talk sa tabi niya. "Bati na tayo." Narealize ko kasi na medyo foul pala ang nasabi ko. Pero pinipikon niya kasi ako kanina! Bago ko pa siya asarin, inaasar na niya ako. Ginugulo niya rin any buhok ko, kaya ayun, napikon tuloy ako.
Kakatapos lang ng intrams at prom nung nakaraang buwan at malapit na ang graduation naming mga grade 12 student. Sa susunod na linggo na, at sumakto pa sa date ng monthsary namin.
Matapang ako ngayong ipakita kay Papa ang card ko. Simula kasi nung maging kami ni Kaori, mas naging focus ako sa acads. Para ko nga siyang naging tutor dahil bantay sarado ako sa kaniya, hindi siya pumapayag na hindi ko tatapusin ang assignments ko.
Sa kabilang banda, bilang nalang ang mga araw na nakakaattend ako ng party dahil mas gusto kong mag stay sa kwarto kasama siya. Gumagala parin naman ako kahit papaano pero si Kaori ang palagi kong kasama. Para nga kaming nakakandado sa isat-isa e, hindi na kami mapaghiwalay.
"Saan mo planong mag college?" Tinanong ko si Kaori.
Madaling araw na pero nandito parin kami sa kusina, nagluluto ng noodles. Nanonood kami kanina ng movie sa kwarto, nang biglang makaramdam ng gutom.
"Dunno,"
Nakaupo ako sa kitchen island habang pinapanood siyang magluto ng samyang. Request ko ito dahil nag crave ako rito.
"Hindi mo alam kung saan? Puwede ba yun?"
"Kung saan ako papasa. Madami naman akong tinake na entrance exam."
"Ako feel ko sa Lasalle ang bagsak ko nito. Doon kasi grumaduate si papa tsaka mama, e. Ang alam ko rin may shares sa school na yun ang isa sa mga kamag-anak namin kaya baka dito nila ako pag-aralin."
Nilapag ni Kaori ang samyang sa tabi ko, hinahalo na niya ito ngayon.
"Nag take rin ako ng entrance exam d'yan,"
"Talaga?" Nabuhayan ako ng loob. Ewan ko ba! Ayoko na talagang magkahiwalay kaming dalawa. "Feel ko roon ka rin mag-aaral."
She chuckled. "Ayaw mo lang akong mag enroll sa ibang school e."
"Ay bakit? Gusto mo ba?"
"Ayaw din," Ipinulupot niya ang kamay sa baywang ko. Nakaupo parin ako sa kitchen island habang nasa harapan ko naman siya. "I'm going to miss you, I don't like that."
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...