CHAPTER 17: Blooming

3.9K 151 12
                                    

"Baby, can you help me with my assignment? May math kasing kasama, hindi ko magets yung math."

Grade 12 na ako lahat-lahat pero hanggang ngayon hirap na hirap parin ako sa math na 'yan. I just really hate that subject. Mas gusto ko pang magsulat ng napakahaba-habang essay kaysa ang mag solve ng problem na nauuwi lang sa paggawa ko ng sarili kong solution.

"Can I see?"

"Here." Ibinigay ko sa kaniya ang filler notebook ko at ipinakita iyong picture na sinend sa gc, incase na hindi niya maintindihan ang sulat ko.

"This ones too easy, Tamg." She rolled her eyes at me.

"Edi ikaw na." Umirap din ako. "It's not my fault na hindi kami nagkakasundo niyang math na 'yan. Math is too complicated and problematic."

"Hindi nagkakasundo o hindi mo lang talaga iniintindi?" Kumuha siya ng scratch paper at doon nagsimulang mag solve.

I smirked. So this is how it feels to have a math genuis girlfriend huh?

Yes. Girlfriend. As in girlfriend.

Haha! Girlfriend ko na si Kaori. Kailan pa? Mag wa-one week lang naman na. Balak niya pa nga akong ligawan e. Pero sabi ko huwag na. Waste of time lang yun. Tsaka, nag kiss na kami 'no! Ilang beses na nga kaming nag kiss kaya bakit magpapaligaw pa ako? Grab the opportunity na kaagad! Si Kaori na 'yan e!

"Here, done." Ipinakita niya saakin yung assignment ko.

Jaw dropped open ako syempre. Ang bilis naman! Samantalang ako, mag iisang oras nang nakatitig dito pero walang maintindihan niisa.

"Thanks-"

"Yeah, whatever. Here, take a look at here." Itinuro niya ang simula. "You just need to follow the formula. Itong 9, hahanapin mo yung value niya bago I multiply by 5, yung nandito sa given at blah blah blah-" wala na akong naintindihan pa sa mga sumunod.

Nagpanggap nalang akong nagets ko ang lahat ng sinabi niya kahit na ang totoo, wala talaga akong naintindihan ni isa. Fine! Bobo na kung bobo. E sa wala ako sa mood tuwing math ang usapan e.

"Tamg, you're just doodling something!" Pagpapagalit niya nang mahuli akong hindi sinosolve iyong problem na binigay niya saakin. "Repeat it-"

"I'm so tired na," humikab ako bago siya yakapin sa baywang.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, sa tapat ng study table. Inaya ko kasi siyang sabay naming gawin ang mga assignments namin. Pero ang totoo, papatulong lang talaga ako sa kaniya ng math.

Bwisit kasi ang isa naming teacher. Gusto niya raw tignan kung may alam parin kami sa math kahit na mga Humss student kami. Kaya ayun, nagbigay siya ng assignment na ganito.

"It's so hard, Kaori. Let's just kiss-"

"No. You finish it first."

"Oh come on, hindi naman connected ang pag so-solve ko ng math sa course na kukunin ko!" Pagrereklamo ko sa kaniya. "Let's just kiss-"

"Tamg,"

"Fine." I rolled my eyes. Walang ibang nagawa kung hindi ang piliting isolve ang problem na pinapasolve niya. "But can you please explain it to me again? From the start?" I smiled.

Ramdam ko ang inis niya pagtapos ng sinabi ko. Natakot tuloy ako bigla. Sabi ko nga makikinig na.

"Here, done." Ipinakita ko ito sa kaniya. Sinimulan n'ya naman itong icheck. Habang ako, nanonood lang.

"Oh, kaya mo naman pala, bakit hindi mo pa ginawa nung una?" Pinagalitan niya ulit ako. "I knew it. You just won't let my words get inside of your head. Kapag ayaw mong pag-aralan yung isang bagay, hindi mo talaga pag-aaralan. That's the problem between you and math, Tamg. Kaya hindi kayo magkasundo."

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon