CHAPTER 31: Dance Performance

3.3K 136 10
                                    

"Parang mga mafia lang na mag sasayaw,"

Hindi ko pinansin ang walang kwentang kumento ni Linken sa gilid. Sinundo ko sila sa waiting shed sa tapat ng gate ng school. Maraming tao ngayon at mahihirapan silang makahanap ng mauupuan kung hindi nila ako kasama. Doon ko nalang sila sa unahan ipupwesto, kung saan uupo ang mga kaklase ko.

"Isa, dalawa, tatlo," paghe-headcount ko sa kanila. "Nasaan si Van at Gail?"

"Si Van kasama ng mga kabanda niya. Si Gail, hindi ko alam kung nasaan. Tawagan ko-"

"Hindi, huwag na okay na yun, kaya niya na sarili niya." Pagpigil ko kay Lynpen dahil baka lumalandi na ang isang yun ngayon. "O ikaw Sabrina? Anong ganap mo rito? Lingon lingon lang? Hanap chiks gano'n? Hindi manlang ako binati?"

"Inaano kita?"

"Hindi mo manlang ako binati?

Ngumiti siya bago ako lapitan. Iritable kong itinulak ang braso niya palayo, kunwari nagtatampo.

"1 hour pa bago kami sumayaw. Gusto niyo ba muna mag stay sa studio kasama ko para sabay-sabay na tayong pupunta ro'n mamaya? O mauuna na kayo?"

"Sa studio nalang. Pagod pa ako kakaikot sa school namin, ang daming booth."

"Sus, reasons. Baka pagod makipag date nang sabay-sabay sa mga babae mo?" Pangbabara ko kay Linken. "Alam mo, ikaw? Waiting talaga ako sa downfall mo e. Sana dumating yung araw na may babaeng magpapaiyak sa'yo. Yung tipong lalapit ka sa'min nila Lynpen habang umiiyak. Help, kailangan ko ng advice niyo. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kaya na mawala siya." I faked a tears.

"Porke naranasan mo 'yan,"

"You did not-" nalaglag ang panga ni Lynpen.

"May sinasabi ka?" Tanong ko dahil hindi ko gaanong narinig ang ibinulong niya.

Humalakhak si Sabrina kaya kumunot ang noo ko. Imbis na magtanong, hindi ko nalang sila pinansin.

Babaero si Linken. Daming nalilink sa kaniya ngayon, kahit mga schoolmates ko rito sa Lasalle nalilink sa kaniya. Minsan naaawa ako sa iba, pero deserve rin nila e. Pinapatulan pa kasi kahit na bad reputation ang atake nito, parang mga baliw.

I see my younger self on him.







Now playing... Wet The Bed - Chris Brown







"Tangina, wet the bed amput-" Hindi naituloy ni Sabrina ang sasabihin dahil sinuway siya ni Lynpen. Kita ko pa ang pagtawa ni Linken sa tabi nito, tawang-tawa sa music choice namin.

Mga bwisit talaga! Remix kasi 'to, okay?! Huwag silang papansin d'yan.

Naunang sumayaw ang mga lalaki, cringe na cringe tuloy ang mukha ni Sabrina. Si Linken naman, nagkukunwaring gusto yung pinapanood. Sumisigaw pa na parang isang beki, dahilan para samaan siya ng tingin ni Kenji na seryosong nagsasayaw.

Nang mapunta sa chorus, dito nagsipasukan ang mga babae, kasama na ako.

"Nag-abala pa kayong pumasok!" Sarcastic na isinigaw ni Sabrina.







I'ma kiss it right, yea, yeah
I'm gon' lick all night, yea, yeah
Girl, when I'm inside, yea, yeah
Yeah girl, you heard what I said







Lumuhod ako at nagsimulang gumiling. Ipinikit ko pa ang mata ko para hindi makita ang reaksyon ng mga kaibigan. Pucha, maling ideya na isama sila sa practice namin!







The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon