"Hi! Dito ba yung room STEM 14? Pakibigay naman kay Kaori oh.. nagmamadali na kasi ako, thanks!" Inabot ko sa babae yung sandwich bago nagmamadaling tumakbo paalis.
Deadma ako sa tingin ng mga estudyanteng dumadaan. Ano ngayon kung tumatakbo ako sa hallway nila? Sisihin nila yung kalahi nila! Dahil sa kan'ya mukhang malelate ako sa klase.
"What the hell, Tamg?"
Hinihingal akong naupo at yumuko sa upuan, hindi pinansin ang nabanggang si Gail. Mabuti nalang at wala pa si Ma'am!
kaoriakagi_
lemon juice.Oh come on! Kakarating ko lang sa room!
"Where are you goi-"
Tinakbo ko ulit ang daan papuntang cafeteria para bumili ng lemon juice. Pucha, ang lakas ng trip n'ya? Ngayon n'ya pa talaga balak kumain kung kailan kakatapos lang ng lunch break?
"Pwede po bang pakiabot kay Kaori?" Pakiusap ko ulit sa panibagong stem student na kakalabas lang ng room nila.
Kahit na naguguluhan, tinanggap n'ya ito.
kaoriakagi_
bakit kalahati yung juice ko?I gritted my teeth after reading her message.
tamgie_tamg
tinakbo ko lang naman mula cafeteria papunta dyan sa building nyo. baka nakakalimutan mong sixth floor ang room mo?!Ang kapal! Ang kapal kapal! Ang kapal ng mukha n'ya! Lahat na ng kakapalan kinain n'ya!
"YOU'RE LATE."
"I'm sorry, Ma'am." Nakayukong bigkas ko. See? Because of her, nahuli pa ako sa klase ko. Mas nauna pa Prof ko!
Naghihingalo akong bumalik sa upuan at dali-daling nagbuklat ng libro. Huwag sana akong mahuli sa lesson.
Kinuha ko ang phone ko nang makarinig ng notification galing dito.
kaoriakagi_
Don't care. Puntahan mo ako rito after class.Kumunot ang noo ko.
tamgie_tamg
baliw kaba? maaga nang 2 hours ang uwian namin kaysa sa inyo!kaoriakagi_
Yes. And?I breathe heavily, trying to calm myself down. Oh fuck you, Kaori! 2 years lang tayong walang communications naging gan'yan na kasama ugali mo?!
"No cellphone's allowed."
Napaangat ang tingin ko—and to my horror, saakin nakatingin si ma'am! Dali-dali ko itong itinago habang humihingi ng pasensya. I can see Gail giving me an irritated look in my peripheral vision.
"Tamg! Sama ka?"
"No, sorry, I still need to do something." Tinanggihan ko ang mga kakilalang nag-aayang gumala after class.
Iniligpit ko ang gamit ko bago ipasok sa loob ng bag. Dumiretso kaagad ako sa building ng STEM para puntahan ang magaling na hapones. Kailan kaya siya babalik sa bansa niya?
Some students walking in the hallway are giving me weird looks, probably because of my uniform. Nagtataka kung anong ginagawa ng isang Humanista rito.
Dahil hindi pa tapos ang klase nila, pumasok na muna ako sa library, dito raw ako maghintay sabi ni Kaori. Halos katabi lang kasi ito ng room nila at dahil nga hindi pa nila uwian, walang kahit na isang estudyante akong nakikita sa loob.
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...