CHAPTER 33: Admitted

3.3K 154 12
                                    

"Bye! Ingat!" Kinawayan ko si Lynpen at Gail na nasa loob na ng sasakyan. Si Gail ang maghahatid kay Lynpen. Kasama rin nila rito si Van na nagpumilit sumabay sa kanila kahit na kasama naman nito ang mga kabanda niya.

Nang tuluyang makalayo ang sinasakyan nila, si Sabrina naman ang sunod kong nilingon. Nasa labas parin ito ng sasakyan niya dahil may kinakausap sa phone.

Sumandal ako sa bintana at medyo ipinasok ang ulo. "Sino mag d-drive?" Tanong ko sa nasa loob na si Linken.

"Ewan, depende sa trip ni Sabrina. Ayaw niya akong pahawakin, e." He answered while busy playing mobile legends.

I chuckled. "Bakit kasi hindi mo dinala yung big bike mo?"

"Mahal gas," he playfully answered. "May mga sasakyan naman kayo. Oks na yun." Kuripot talaga ng isang 'to kahit kailan.

Sumulpot sa tabi ko si Sabrina. Hinawakan ako nito sa baywang at sinenyasang pumasok na sa loob. Papasok na sana ako kung hindi lang may biglang humila sa dulo ng suot-suot kong hoodie na pinahiram ni Sabrina sa'kin.

Kumunot ang noo ko at natigilan.

"Bakit?" I was shocked after seeing that it was Kaori. Katabi lang ng sasakyan ni Sabrina ang sasakyan nila.

"Hey, Kaori! What are you waiting for? Let's go!" Catrina shouted.

Napatingin ako rito. Nakasilip sa bintana si Axel at Khairo, nakatingin sa aming dalawa at nagtataka. Nginitian ako ng mga ito nang makitang nasa kanila ang tingin ko.

I smiled back.

Akmang aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa hoodie kaso mas humigpit ang kapit niya rito. Nang tignan ko naman siya, hindi ko rin nagawang magsalita kaagad.

Breathe.

"Do you need something? Aalis na kasi kami." Tinibayan ko ang loob ko para hindi mautal. "Hello? Do you need something?"

Stay unbothered, Tamg. Act like you're not bothered by her. Act like how you act around other people. Act nonchalant. Don't mind your feelings. Don't mind your emotions.

"Kung wala ka namang sasabihin, I'm sorry, but I really need to go. Magpapahatid pa ako sa kaibigan ko, at ayokong sayangin ang oras niya." Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na inalis ito sa dulo ng hoodie ko. "Tinatawag ka na rin naman na ng mga kaibigan mo. Tara na Sabri-"

"We need to talk,"

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.

"What for?" Talk? Bakit mag t-talk? "Nagmamadali na kasi ak-"

"Please?" Pinutol niya ulit ako.

I looked at Sabrina to see her reaction.

"Why are you looking at her? I'm the one who's talking to you." Kaori voiced out. Dahilan para ibalik ko agad ang paningin ko sa kaniya. "You don't need to ask her permission. Decide on your own."

There's a part of me that wants to listen to her, but there's also a part of me that doesn't want to hear whatever she is planning to say to me.

I sighed.

"Sorry. Pero hindi ako pwede." I was about to get inside the car when she held my wrist.

"Only for 10 minutes," she said—no, more like she plead. When I did not respond and just looked at her, she opened her mouth again to continue. "Five minutes. Just five minutes. After that, I'll let go of you."

I looked away. "Aalis na kasi sila Sab-"

"Ako maghahatid sa'yo." I can hear the desperation in her voice. "Please, just.. I just want us to talk."

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon