CHAPTER 25: Fight

3.3K 140 4
                                    

"Umiyak ka ba?"

Inilingan ko si Lynpen bago tunggain ang beer na kakalapag lang sa table namin. I need alcohol inside of my body. Pakiramdam ko unti-unti akong mababaliw kapag hindi ko napasukan ng alak ang katawan ko.

"Tamg, I'm not blind. You're too obvious. Ano bang nangyari? Tsaka, can you please wear your jacket? It's too cold here, baka pasukan ng lamig 'yang katawan mo."

"I'm fine. Basa yung jacket ko kaya maya-maya ko na susuotin."

"Basa? At bakit nabasa?" Hinawakan niya ito at saka sinuri. Nang maramdamang basa nga, inilapag niya ito roon sa lap ko. Ginawang pantakip sa hita ko.

I want to forget what happened inside the bathroom.

Good for them, dalawang beses pang tumugtog ang banda nila dahil nagustuhan ng audience. Mukhang kikita rin ang sarili nilang kanta nang iparinig nila ito kanina. Catchy yung song e, rock yung tema tapos sobrang ganda ng combination ng mga instrument. Wala tuloy akong masabing negative, paano ko na sila ibabash niyan?

I chuckled at my own thoughts. Just kidding, parte nga pala ng banda ang kaibigan ko.

"Dahan-dahan, baka malasing ka!" Rinig kong sigaw ni Axel saakin.

Nasa iisang lamesa kaming lahat ngayon. Tapos na silang tumugtog at dito sila naupo sa pwesto namin nila Sabrina. Speaking of Sabrina, hindi na siya mahagilap ng mata ko ngayon, baka nangchichiks na sa kung saang parte ng bar ang isang yun.

"Don't mind me, high tolerance ako."

"Mataas? E pulang-pula na nga 'yang mukha mo ngayon." Nagtawanan sila ng ibang mga katabi niya. Iyong Vixen at Nicholas. Habang si Khairo naman, umiling lang.

Ha! Mabuti pa 'tong isang 'to tahimik lang. Alam niya kasi ang totoo.

Hinawakan ko ang isang beer at saka ito binagsak sa lamesa. "Hinahamon mo ba ako?"

"Bakit? Gusto mo bang maglaban tayo?" Axel smirked, playfully. Ipinatong ang braso roon sa mesa at medyo inilapit ang mukha papunta sa'kin. "Sa isang kondisyon syempre. Dapat makakatanggap ako ng kiss kapag nalasing kita. O kaya naman, ako dapat maghahatid sa'yo pauwi."

"The fuck, bro?" Khairo reacted.

"Bakit? May price dapat 'no! Pinagbibigyan na nga siya." Axel laughed. "Diba, Tamg? Anong masasabi mo?"

"Deal," mabilis na pagsang-ayon ko.

"Yon! Deal naman pala siya e! Sige, lagyan niyo na ng alak, bilis! Sabi mo 'yan, a? Ako maghahatid sa'yo pauwi? Tapos may kiss pa ako?! Para akong nanalo ng loto niyan!"

"So dumb," I overheard my friend Gail comment. I just smiled at her.

"Ha?! Ano 'tong nababalitaan kong may laban-laban na magaganap?" Tanong ng kakarating lang na si Linken, wumingit siya at pilit na tumabi saakin.

"Si Axel daw pati si Tamg,"

"E pucha, si Tamg? Kakalabanin mo sa inuman? Suicide ata hana-"

"Shhh!" Idinikit ko ang hintuturo ko sa labi niya. Masyadong maraming sinasabi. "Shhh! Huwag ka maingay."

"Lasing na talaga siya p're-"

"Hindi pa ako lasing!" Suminok ako at naglagay ng alak sa baso ni Axel. "Payag ako sa gusto mo. Pero kapag ako yung nanalo, susundin mo dapat kahit na anong iuutos ko sa'yo. Deal?"

"Para namang mananalo ka," he boastfully whispered.

I saw in my peripheral vision how Van shook his head in disappointment.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon