CHAPTER 23: Seeing Her Again

3.6K 145 3
                                    

"Ano bang nangyayari sa batang 'yan?!"

Tinanggap ko ang tubig na inaabot saakin ni manong Tirseng. Kasalukuyan akong nasa sala, paguwi ko, nandito na si Papa kaya napanood niya ang nangyari kanina sa labas ng bahay. Gusto n'ya akong dalhin sa ospital pero tumanggi ako. Hindi na para gawing oa pa 'tong sitwasyon ko.

"Ano? May sakit ka ba sa puso?"

May sakit nga ba ako sa puso? Maski ako naguguluhan. Buong akala ko okay na ako. Pero bakit gano'n? Bakit naapektuhan parin ako?

"Aakyat na po ako-"

"Dito ka lang! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"

"Pa!" Sigaw ko rin. "Pagod lang po ako sa school. Please, pabayaan niyo na ako. Matutulog na po ako." At saka dire-diretsong umakyat. School? E next week pa nga ang start ng pasok. Mga galawan mo talaga Tamg e.

Ang pagbubukas ng messenger ang una kong ginawa. Naka deactivate ang facebook ko. Yung messenger lang ang ginagamit ko simula nang magpakalayo-layo ako sa social media.



dildo sa noo ni linken

Tamg:
Bakit hindi nyo sinabi sakin na kasali sa banda ni van yung ex ko?!?!?!?!?!?!!!


Kaagad silang nag reply.


Gail:
Do we need to?

Linken:
Sino sa 100 mong ex tamg?



Napairap ako.



Tamg:
Stop with your bullshit Linken. I'm serious. Nakasabay ko sila kanina sa sasakyan ni van kasi nagpahatid ako sa bahay. Nagkita na ulit kami.

Linken:
Anong nangyari?

Tamg:
Anong "anong nangyari?" Syempre wala. Baliw ka?

Linken:
No. I'm talking about u. Okay ka lang?
Ba?
Hindi sarcastic yan oy



Napatitig ako sa message n'ya. Ofcourse I'm okay. Hindi ko lang kinaya kanina kasi masyado akong kinabahan. Hindi ko expected yun, e.

Maya-maya, nag reply na rin si Lynpen.




Lynpen:
Halaaaaa! I'm sorry Tamg! Are you okay? Ako yung nagsabi sa kanila na wag sasabihin sa'yo yung tungkol dito kasi ayokong makarinig ka pa ng balita tungkol sa kan'ya. I'm sorry! Are you okay? Please reply asap.

Gail:
I'm outside of my house right now. Do you want me to buy something for you?

Tamg:
ays lang. thanks sa pag-aalala.

Linken:
Weh? Yung totoo. Sige nga mag video ka tapos send mo dito kung totoo.




Huminga ako nang malalim bago ibaba ang phone at takpan ng unan ang mukha. Pero sunod-sunod ulit akong nakatanggap ng notification galing sa kanila.




Sabrina:
Sus.
Ayos daw.
Bili ka red horse gail, para mag vent sya.

Lynpen:
Stop gaslighting yourself, Tamg. I know you're not okay.
I dm you. Reply if you want.

Linken:
Ito kasing si @Van Azner Elloren sinali sali pa yan sa banda nila. Fake friend talaga kahit kailan eh!




Hindi ko binuksan ang message ni Lynpen. Ayoko munang pag-usapan ang tungkol dito. Gusto ko lang iclarify kung bakit wala akong kaalam-alam doon sa pagiging kasali ni Kaori sa banda ni Van. Ng kaibigan ko.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon