CHAPTER 26: No Blood Related

3.4K 140 4
                                    

NGAYON ANG simula ng klase sa university na pinapasukan ko. Katabi ko si Farrel sa room at pinapanood ko siyang mag ganda-gandahan. Ilang beses na kasi nila akong nahuhuling nakatulala kaya nagkukunwari nalang akong pinapanood ang katabi.

"Huy teh, ikaw ha! Dumaan sa facebook ko yung post ng baroof kagabi. Hindi mo naman sinabi sa'ming marunong ka palang mag bar, aber?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Wala yun, first gig kasi ng kaibigan ko kaya nagpunta ako."

"Sus.. reasons. Siya ba 'to?" Naglabas si Farrel ng phone at inilapit saakin.

"Bakit may save ka ng mga pictures namin?"

"Syempre, ang dami mo kayang poging kasama." Kinikilig na anito. "Pero ito, ito ang pinaka bet ko. Anong pangalan nito, sis? Sa tingin mo may pag-asa ako d'yan? Kahit na kakapiranggot?"

I mentally rolled my eyes when he pointed at my friend.

"That's Van—and no, wala kang pag-asa d'yan kahit na kakapiranggot. He's inlove with one of our friends."

"Ay, anubayan, bakit naman gano'n?"

"Ay, ewan ko teh, hawak ko ba puso niya?" Itinuro ko si Axel na nakalabas ang dila. "Ito nalang, ito nalang landiin mo."

Papansin ang isang 'to. Bukod sa babaero, assuming pa. Akala niya ata makukuha niya lahat ng babae sa mundo. Mygod, sa tuwing naaalala ko yung nangyari two days ago hindi ko maiwasang macringe. Feeling masyado, akala niya nagseselos si Kaori sa'kin?

"Eh! Ayoko d'yan, halatang fuckboy. Tignan mo oh, ngiti at mga posing palang halatang libo-libong babae na ang nakama niya. Kapag gan'yan ang mukha, matic homophobic ang mga 'yan. Eekisan lang ako niyan."

See? Kahit sa picture ramdam ni Farrel ang negative energy.

I laughed. "Grabe naman sa homophobic,"

"Ay bakit? Totoo 'no. Yun pa naman ang pinaka ayaw ko rito sa mundong ibabaw. Ikaw ba, teh? Homophobic ka?"

"Of course not! What type of question is that?"

"Hehe, joke lang teh. Nagtatanong lang ako kasi syempre straight ka. You only like boys slash guys, and I know damn well walang pag-asa ang mga lesbian sa'yo."

Oh, you know nothing, Farrel.

Ngumiti nalang ako at hinayaang siyang dumaldal.

What happened to the bar two days ago was very traumatizing. It triggers something inside of me. Nag message saakin si Van, sabi niya pinagsabihan niya raw si Kaori doon sa inasta nito kagabi. Nag sorry naman daw at nagsabing magme-message saakin para humingi ng pasensya.

Pero beh, dalawang araw na nakalipas, nagsimula na ako pumasok lahat-lahat, hanggang ngayon wala parin. Sinungaling talaga ang isang yun kahit kailan.

Ano kayang pinaglalaban niya nung gabing yun? Bakit galit na galit siya sa laro namin? Dahil ba hindi namin siya sinali? Feel niya ba hindi siya belong?

Napag-usapan namin ang tungkol doon sa group chat. Sabi ni Lynpen, I pushed her buttons daw. In what way, naman? Siya ang nauna, and for what I remember, I'm not even bothering her after she bothered me inside the bathroom. Hindi ko nga sinabi sa kanila ang tungkol do'n dahil baka mas lalong lumala.

On the other hand, si Sabrina, walang kaalam-alam sa nangyari. Nagchat pa 'yan sa'kin kasi wala siyang maintindihan. Syempre hindi ko kinuwento, bahala siya sa buhay niya, ni hindi ko nga siya natabihan o nakausap manlang dahil wala na siya sa table namin pagbalik ko.

"Gail?" Nagulat ako nang makita ang kaibigan sa isang waiting shed malapit sa campus. Nilapitan ko siya at tinignan ang dala-dala niyang box ng cake. "Anong ginagawa mo rito?"

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon