CHAPTER 27: The Bitch

3.2K 145 3
                                    

"Seryoso? Edi fake news pala lahat nung mga nalaman ko?" Ipinagpatuloy parin si Zia sa topic. "Akala ko pa naman kaya mo siya kasama nung gumawa tayo ng group activities dati kasi mag pinsan kayo."

Nag-iwas ako ng tingin. Sila Axel nakikinig, nagulat nang marinig ang sinabi ni Zia.

"Oh? Magkakilala na kayo before?"

"Oo, magkakilala na sila dati pa. Palagi ko nga silang nakikitang magkasama dati." For the first time, Zia answered his question.

Kaori is looking at me seriously. Naiilang ako sa ginagawa niya kaya lumapit ako kay Gail at saka ito hinawakan sa damit.

"Uuwi na kami ni Gai-"

"Stay for a minute, Tamg. Padating na si Khairo."

"Oo nga, for sure matutuwa yun." Sumang-ayon si Zia sa sinabi ni Van na sinundan nila Axel at Vixen.

Napipilitan akong tumango sa suggestions nila. Gail rolled her eyes, iniwan ako at nagpunta sa upuan at itinutok ang paningin sa phone. Susunod na sana ako sa kaniya kung hindi lang ipinulupot ni Zia ang kamay niya sa braso ko.

"Ikaw naman.. masyado kang nagmamadali. Tara rito, mag-usap muna tayo. Ang tagal na nating hindi nagkikita. Baka may gusto kang ichika sa'kin? Kamusta ang love life? Ayiee... siguro ang dami mo nanamang boys ngayon, ano?! Sige nga, sige nga, magkuwen-"

"Zia, why don't you help us organize the food instead of blabbering nonsense with that girl?"

Na-offend ako. With that girl. Wow ha? Maka with that girl naman siya, akala mo wala kaming pinagsamahang dalawa. Pinapaakyat niya nanaman ang dugo ko sa ulo!

"My name's Tamg. It's rude to call someone with that term, you know?"

She just gave me an I don't care look, which pissed me more.

I swear to God! Malapit ko na siyang kalbuhin. Nasaan ba ang gunting dito? At nang masampolan ko ang isang 'to.

"Ang rude niya 'no? Parang namang wala kayong pinagsamahan niyan."

Totoo. porket she's looking good at her new haircut. Teka, new haircut nga ba? More like her signature haircut.

"Alam mo? Naging crush ko 'yang si Kaori, e." Ibinulong niya sa'kin dahilan para mapalitan ng gulat na ekspresyon ang mukha ko. "Nung grade 11 tayo. Pa'no kasi? Ang pogi niya. Tignan mo, tapos ang attractive nung singkit niyang mata. Ito pinaka favorite ko sa mukha niya, e."

"Why are you telling me this?" Hindi ko napigilang magtaray.

"Ay, straight ka nga pala, ano? Hindi ka siguro makarelate sa mga sinasabi ko." She chuckled.

"It's not-"

"Basta, ang pogi niya kasi kaya deserve pag-usapan. Lalo na ngayong nagpagupit nanaman siya katulad nung dati. Hays! Kung hindi lang siya masungit baka dati ko pa 'yan nilandi. Nakakatakot kasing landiin, baka bigla nalang akong sapakin-"

"If you're not going to help, just get out of the room. Hindi namin kailangan ng sagabal dito," Kaori loudly said. Obviously pertaining to us.

Napatingin sa kaniya ang lahat. Maski kami ni Zia na nagchichikahan sa gitna.

"See? Ang sungit." She whispered in a very quiet voice.

Napatango nalang ako bago pabayaan siyang magpunta sa lamesa. Ako naman, nagpunta roon sa pwesto ni Gail. Naupo ako sa tabi niya at inilabas ang phone para libangin ang sarili.

I shouldn't be surprised anymore. She's attractive, of course a lot of girls will like her just like I did years ago.

Pero iba ako sa kanilang lahat. Hindi ko naman siya nagustuhan because of her physical appearance. I like her first as a friend because I want to know her more. My feelings just started to grow when I received an unexpected kiss from her. Hindi naman talaga ako bading from the start, e! Kasalanan niya kung bakit ko siya nagustuhan.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon