"Papa, I'm gonna borrow our driver para magpahatid sa airport mamaya, okay?"
"Bakit? Saan ang punta mo?"
"You already forgot about it? Diba nasabi ko na sa'yo yesterday? I'm going to boracay with my friends. Lynpen is there too."
"Lynpen?" He asked, so I nod. "Okay."
I knew it! Ang lakas-lakas talaga ng kapangyarihan ni Lynpen kahit sa mga magulang ko!
"Alam na ba 'to ng mama mo?"
"What for?" Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Just kidding. Yup, nasabi ko na sa kan'ya kahapon. She said yes, mag-ingat daw ako at huwag magdadala ng kahihiyan."
"Good, you need cash?"
Pagtapos makipag-usap kay papa at habang pababa ng hagdan, hila-hila ang napakalaking malate ko, nahagip ng gilid ng mata ko ang kumakaing si Kaori sa baba. She's wearing her headphones, Iyong binato ko sa kan'ya last time.
I rolled my eyes. Dire-diretso akong bumaba at hindi s'ya pinansin.
After what happened to us that night, tinatrato n'ya nanaman akong parang hangin. Mas lumala pa nga ngayon dahil kahit paglingon, ipinagkakait n'ya sa'kin. Unlike before na tititigan n'ya ako pero hindi sasagutin. But still! Atleast before alam kong nakikita n'ya ako! Hindi katulad ngayon!
"Naku, ma'am! Hindi n'yo naman po sinabing pababa na pala kayo. Mabigat po yung dala n'yo."
"Okay lang, manong." Pumasok ako at naupo sa backseat.
I'm so excited na magpuntang boracay. Actually, ako ang nagplano nitong vacation trip na ito. Tutal free naman kaming lahat dahil bakasyon nga, napapayag ko silang lima. Para kasi akong mababaliw dito sa bahay. Lalo na sa tuwing nakikita ko ang nonchalant na si Kaori.
Meganon? Pagtapos akong halikan biglang aakto na parang walang nangyari? Na parang isa akong hangin?! Kapal niya!
Okay, calm down, Tamg. Huwag mo na s'yang problemahin. Mas mahirap pa s'yang intindihan kaysa sa mga formula ng math kaya don't waste your time thinking about her.
"GIRRRLLLLLSSS!" Niyakap ko ang tatlo pagkakita sa kanila. Lumingon ako sa driver ko na hila-hila ang maleta ko. "Thanks manong, dito nalang po ako. Here's some tip, please treat yourself."
Hindi naman talaga dapat ako magpapahatid hanggang loob, pero sinabihan daw kasi s'ya ni papa na siguraduhin kung nandito ba talaga si Lynpen. Kailangan din daw n'ya kaming kuhaan ng picture para may maipadala sa parents ko. Baka raw kasi nagsisinungaling ako.
Grabe, gano'n kalala trust issue nila sa'kin?
"Late ka ng five minutes."
"Oh talaga, Linken?" Pangbabara ko rito bago lumingon sa tahimik na si Sabrina. "Ano nanamang nangyari d'yan? Bakit parang naholdap?"
Tumawa si Linken at saka ako inakbayan. Inilapit ang bibig sa tenga ko. "Chiks problem."
I gulped.
Chiks problem.
Ngayong babae narin ang pinoproblema ko, chiks problem narin ba ang tawag doon?
Umiling ako sa sariling naisip.
No! No! Never. You're straight, Tamg! You're straight! Stop thinking about that!
Kaya ko rin naisipang lumayo-layo na muna dahil naguguluhan talaga ako. Well.. one of my problem is yung hindi n'ya pagpansin sa'kin. It's weird, really.. really.. weird. After kissing me she's going to act like I'm not existing? Hindi na rin s'ya nag b-breakfast kasabay namin. Which is annoying.
BINABASA MO ANG
The Oleander Woman [Free Space Series #1]
RomanceThe Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire admiration and awe, but her thorns and poisonous nature warn of the risks of getting too close. She...