CHAPTER 37: her pov (3)

2.6K 124 5
                                    

We were in 9th grade when she became famous on TikTok.

I disliked it.

No second thoughts happen; I just hate it. 

I don't like the attention she was receiving, and the worst thing was that I had no idea why. Am I jealous of her? No. Am I envious of the attention she is receiving? Yes. Is it because I want it too? No.

I dislike attention. However, I am upset that people continued to pay attention to her.

It's very confusing.

I have no idea what to do, sumabay pa 'tong nararamdaman ko. Gusto ko siyang itago. Gusto ko siyang pagbawalan sa paggamit ng kahit anong social media. Gustong-gusto ko siyang igate-keep pero hindi ko naman alam kung bakit. Bakit nga ba? Bakit gusto kong itago siya?

I know it's wrong because why would you do that to someone, right? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I don't even know pa'no 'to naiisip ng tulad kong grade 9 student in the first place.

Dahil ba.. gusto kong ako lang ang kaibigan niya?

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Halos sabunutan ko na ang sarili dahil sa inis.

Mas malala 'tong nararamdaman ko ngayon. Kung dati, nagagawa ko pang tiisin sa tuwing may bukang bibig siyang lalaki, ngayon hindi na. Para akong maiiyak pero hindi ko alam kung bakit.

I hate the idea of her becoming famous.

Kung sino-sinong influencer nakakacollab niya. Lahat may gusto sa kaniya. Huwag nilang subukang itanggi kasi nakikita ko kung pa'no sila tumingin sa kaniya. Napapanood ko lahat sa tiktok videos nila.

"Argh!" Napahilamos ako sa inis.

Damn it, I don't even know why I downloaded this app in the first place. Hindi naman ako mahilig mag video ng sarili ko. Puro pang s-stalk lang ang ginagawa ko sa account niya, at doon sa account ng mga nakakacollab niya.

"Ang angas talaga ng mata mo 'no? Naka contact lense ka ba? Tingin nga." Inilapit ng lalaki ang mukha niya sa mukha ni Tamg.

Sa sobrang galit, hindi ko napigilang ihagis ang phone palayo. Binato ko lahat ng unan na nadampot at saka nagtalukbong ng kumot.

What is she doing there?! Hindi niya ba makitang tyansing na ang lalaking yun?! May edit edit pa silang nalalaman. Tapos yung mga nasa comment section naman, tuwang-tuwa. Shiniship pa silang dalawa!

Tumayo ako at dinampot ang phone sa lapag. Pagtapos ay lumabas ako ng kwarto at tinahak ang daan papunta sa office ni Mr. Perez. Ipinakita ko sa kaniya yung video. I tried so hard to hide my smirk after he dialed her daughter's number. 

Nasa pinto palang ng bahay si Tamg, pinagalitan na agad siya.

Kumunot ang noo niya nang makita akong nasa gilid at nanonood. Pero nginisian ko lang siya. Doon na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, napalitan ng galit at irita.

Hindi lang ito ang unang beses na sinumbong ko siya. Matagal ko nang ginagawa, at hindi ako magsasawang gawin kahit paulit-ulit pa.

Not until I realized how creepy it looked. Tumigil ako at pinabayaan siya sa ginagawa niya. It's her life to begin with, bakit ko pakikialaman? Mukhang ayaw niya narin naman na akong kaibigan.

The Oleander Woman [Free Space Series #1] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon