• | 3 months ;Karalyn's POV :
Nang makaalis si sebastien ay napaupo ako at napatitig sa picture namin kanina. Biglang tumulo ang luha ko. Naguguluhan ako. Natatakot ako. Aaksayahin ko pa ba ang oras?
Kailangan ko na bang pumili?
Araw-araw akong nagdadasal, na sana makatagpo ako ng lalaking mamahalin ako. Na tatanggapin ako kahit ano mang flaws ko physically and emotionally, even my past.
Sadyang napalitan na nga talaga siya. Unti-unti ng nawawala ang puwang niya sa puso ko.
FLASHBACK......
Ilang araw ko ng nakikita ang lalaking nakaupo sa wheel chair. Gwapo siya, sobrang geapo niya pero seryoso lang ito at palaging nag iisa. Nilapita ko ang batang lalaki tinanong ko kung anong ginagawa niya pero hindi man lang niya ako pinansin at tinapunan ng tingin.
"Ang sungit mo naman! Buti nalang gwapo ka" sabi ko at ngumiti. Gwapo naman talaga siya at maputi pa. Para siyang boiled dumpling.
"I am?" Napangiti ako lalo ng magsalita siya at tinignan pa niya ako.
"Oo, gwapo ka naman eh. Hindi mo ba alam?"
"No"
"Pft, hindi mo ba tinitignan ang sarili mo? Ang gwapo mo kaya. Teka anong ginagawa ng gwapong gaya mo rito sa hospital?"
"Therapy" therapy? Bakit?
"Therapy? Para saan?" Curious kong tanong.
"Naaksidente ako at hindi ako makalakad" sagot niya kaya napatingin ako sa kaliwang paa niya at hinawakan ko.
"Huwag kang mag alala, gagaling ka. Makakalabas ka dito. Hindi na tayo magkikita" sabi ko at nginitian siya.
"What do you mean?" Nakakunot ang noo niyang tanong.
"Gano'n ang sinasabi ng mga doctor at nurse sa pasyente nila pag aalis na"
"Bakit doctor ka ba? Nurse ka ba?"
"Hindi, eh ito na ang bahay ko"
"Bahay mo? Pinag lololoko mo ata ako" umiling siya.
"Kita mong naka wheelchair na nga lang ako eh."
"Ano bang sakit mo?"
"Ahh kailangan ko ng liver transplant"
"Nanghihina ka na? Bakit walang mag bigay sayo?"
"Bata pa ang kapatid ko yung lolo ko naman may sakit"
"Pag walang nag bigay sayo anong mangyayari?"
"Mamamatay ako" sagot ko at nginitian siya.
Simula nang makilala ko ang batang gwapong lalaki, pinagdasal ko siya. Sa bawat dasal ko, hindi ko siya kinakalimutan.
Sa gwapo niyang iyon, hindi ko akalain na magiging crush ko siya.
END OF FLASHBACK.....
Yung batang lalaki ang nag donate ng liver saakin. Pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko siya at pinagdadasal ko hanggang ngayon na sana makita ko siya ulit. Kahit kailan hindi siya nawala sa mga dasal ko.
Kung hindi dahil sakanya, malamang patay na ako at hindi ako umabot sa ganito. Utang na loob ko ang buhay ko sakanya at sinabi ko pa sa sarili kong hahanapin ko siya at siya ang pakakasalan ko. Siya lang ang mamahalin ko kaya pinag dadasal ko na sana, sana makita ko siya. Sana wala pa siyang asawa, pero.. pero may minamahal na ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken Longings
Teen FictionPart Two of Chasing Safe Place (To Hide) The revelations...