Chapter 4

199 2 0
                                    


• | Care ;

Umuwi si alex sa bahay pero wala sila doon. Nagpaiwan ako dahil gabi na at nag aalala ako sa nga anak ko. Nag report na rin kami sa mga pulis at naghiwa-hiwalay kami para maganap ang mga anak ko. Nandito ako sa harap ng kumpanya at kanina pa palakad lakad nagbabakasakali na bumalik sila rito.

Wala na ngang tao dito sa kumpanya kanina pa nag alisan. Pati yung guard nag iikot ikot na sa kumpanya baka nag tatago sila doon pero wala talagang mga bata. Tinignan namin ang cctv, lumabas nga sila at hindi napansin ng guard ang pag labas nung dalawa. Magkasubod lang pala sila. Alam kong babantayan sila ni sev pero nag aalala parin ako.

Kanina pa ako umiiyak habang palakad lakad ng pabalik balik.

"Kierra, atlantic, sevastian nasaan na ba kayo" umiiyak kong sabi. Tuwing may dumadaan ay agad akong lumalapit at nagtatanong tanong.

Mas lumalalim ang gabi ay nag desisyon akong umalis at naglakad papunta sa ibang lugar. Lowbat na rin ang phone ko. Wala na akong pakialam sa sakit ng paa ko na nararamdaman ko ngayon. Wala na rin akong pakialam kung hindi pa ako kumain. Sure akong hindi pa kumakain ang mga anak ko.

Umiiyak ako habang nag lalakad, sinabi ko na rin kay lolo na nawawala ang mga bata kaya pinapahanap na rin niya ang mga bata.

Napaupo ako sa isang tabi. "Please naman magpakita na kayo"

Napatingin ako sa isang panyo na inabot saakin. Tumingala ako para tignan. Hindi ko siya pinansin at tumayo ako para mag lakad ulit.

"Tigilan mo ako sebastien" inis kong sabi dahil naka sunod ito saakin.

"Gabi na"

"Wala akong pakialam!"

"Hindi ka pa kumakain" hinarap ko siya.

"Wala akong pakialam kung hindi ako kumain o uminom ng tubig! Hahanapin ko ang mga anak ko!"

Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"Kakain ka o ibang kain ang gagawin ko sayo? Kanina pa kita tinitignan sa kumpanya magdamag kang nakatayo pati pag inom ng tubig hindi mo ginagawa. Paano mo hahanapin ang mga anak mo kung ikaw mismo pinapabayaan mo ang sarili mo"

"Wow! Thank you sebastien ha?? Thank you sa concern mo! Thank you kasi dahil sayo nawawala ang mga anak ko ngayon"

"Fuck! I know! Kaya nga kumain ka muna dahil sasamahan kitang hanapin sila!"

Hindi ko siya pinansin at nag umpisang nag lakad. Nagulat ako ng binuhat ako ni sebastien na parang sako.

"Ano ba!! Hahanapin ko ang mga anak ko! Ibaba mo ako!"

"No! Pinahahanap ko na sila sa mga tauhan ko. Kailangan mong kumain at kung kailangan subuan pa kita gagawin ko!" Aniya at sinakay ako sa kotse niya. Pag sakay niya sa kotse niya ay agad nitong ni-lock ang pinto.

"Hindi ako makakakain kung wala ang mga anak ko! Hindi sila pamilyar sa lugar na 'to okay!! Hindi nila alam ang uuwian nila!" Sigaw ko

"Can you just please listen to me!"

"Bakit pinakinggan mo ba ako sebastien!? Hindi 'di ba??!"

"Hindi ka tatahimik!? Napaka ingay mo!"

"Paano ako tatahimik kung kasama kita at nawawala ang nga anak ko! Palibhasa kasi hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko! Nanay ak-" nagulat at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni sebastien. Pilit ko siyang tinutulak pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Isa pang ingay mo hindi lang halik ang gagawin ko sayo" bigla akong natahimik.

"Sebastien!!"

"Isa!"

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon