Chapter 42

146 2 0
                                    


• | Witness ;


Sebastien's POV :

Hinihintay ko si gabriel, dinalaw ko siya because I need to ask him personally. Fuck! Ilang araw na namin hinahanap si freja, sabi ng parents ni maggie matagal na itong hindi umuuwi. Pinalayas daw siya but after that hindi na raw siya nagparamdam. Pero pinababantayan ko sa mga tauhan ko ang parents ni maggie, baka hindi sila nag sasabi ng totoo.

Natigil si gabriel ng makita ako pero naglakad ito at umupo sa harap ko.

"How's jail?" Natawa siya. Wtf?

"It's fine, people are nice to me" tumango ako.

"So bakit ka napadalaw?"

"Freja and our kids are missing, ilang araw na"

"Nabanggit nga ni aki saakin, pati ang condition ni karalyn. By the way condolence" aniya. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, may alam ka ba sa past-" hindi ko natapos ang sasabihin nang magsalita ito.

"Alam kong darating ang araw na maaalala niya ang nangyari" what does he mean?

May alam nga siya.

"No'ng gabing 'yon, susunduin ko siya dapat sa isang cafè pero sabi niya sa harap nalang daw ng school nila. Pero ilang oras na akong nag hihintay, wala pa siya. Kaya pumunta ako sa cafè na sinasabi niya. Nakita ko siyang lumabas sa isang building na mukhang hindi pinagpatuloy ang pag gawa. Lalapitan ko sana siya ng biglang may babaeng bumagsak sa kotse na nakapark sa harak ng building na 'yon, kung saan nakatayo si karalyn. Duguan ang babae, pag tingin ko sa taas ng building may nakita akong babae pero hindi ko mamukhaan."

So he saw it too!?

May alam nga siya!

"Hindi pa siya gumalaw kahit ako hindi nakagalaw sa nasaksihan ko. Pero humingi ng tulong si karalyn at nag sisisigaw, hindi parin maprocess ng utak ko ang nakita ko dahil kitang kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng isang babay.

"Lalapitan ko na sana si karalyn pero nagulat ako nang makita ko ang mama niya na lumabas ng building at sinabi nito kay karalyn na wala siyang nakita sa gabing iyon. Dapat kalimutan niya ang nangyari at pinag bantaan niya pa si karalyn na isusunod niya si karalyn oras na hindi siya sumunod. After that, may mga kalalakihang dumating na sa tingin ko kasabwat ng mama ni karalyn dahil sumakay ito sa van. Tumawag ako ng ambulance at pinuntahan ko si karalyn."

"Ikaw ang nag hatid sakanya?"

"Ako nga. Pero hindi ko dineretso sa bahay nila dahil natakot din ako. Pero tinawagan ako ni alex at tulala si karalyn at nanginginig ng umuwi. Kaya naisipan siyang dalhin sa hospital at araw-araw akong dumadalaw doon. After no'n wala nga siyang maalala. Ang alam niya lang ay pauwi na siya, gimabi siya dahil dumaan siya para bumili ng cartolina at nakauwi siya ng maayos. Nag tataka ako pero sa loob ko, mas mabuti na sigurong hindi na niya maalala dahil napaka traumatic ang nangyari. Mama niya ang dahilan kaya hiniwalayan ko si karalyn noon. Natakot din ako sa mama niya dahil sadyang napaka lupit ng mama niya"

"Anne ang pangalan ng babaeng nahulog sa building."

"Anne, dahil tinawag siyang anne ng mama ni karalyn. Sinabi din ng mama ni karalyn ang pangalan ng babae, hindi lang anne ang pangalan niya. Tinawag lang niya itong anne dahil sa pangalan niya pero hindi ko na matandaan"

"Bakit hindi ka nagsumbong sa pulis?"

"Dahil natakot ako para kay karalyn. Pinag bantaan niya ng sarili niyang ina na ihuhulog din siya ng mama niya sa building gaya ng ginawa niya kay anne. Wala rin akong choice, pero nang dumalaw ako sa hospital nandoon ang lolo mo sa labas ng emergency room at hindi ko alam kung kilala niya ang babae dahil nang makita ko siya mukhang hinihintay niya ang paglabas ng doktor. Pero namatay ang babae pero nang mag tanong ako, hindi lang pala 'yong anne ang dinala sa hospital. Pati ang asawa ni anne at may ilang tama siya ng baril na ikinamatay din niya. Sa tingin ko kilala ng lolo mo ang mag asawang sebastien"

Pagkatapos kong kausapin si gabriel ay pumunta ako sa chapel. Nadatnan ko ang mga kaibigan ko doon.

Sino ba ang mag asawang iyon? Anong kinalaman ni lolo sakanila? At bakit may kakaiba akong nararamdaman ngayon? Napatitig ako sa picture ni lolo.

"Lolo, bakit wala kang sinabi saakin? Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni anne at ng asawa niya? Kilala mo ba sila? Kamag anak?"

Bakit ganito kagulo?

Naguguluhan na ako.

Witness nga si freja, pero bakit pati si lolo?

Anong connection ni freja sa pamilya ko?

"Kamusta? Nakausap mo ba si gabriel?" Tumango ako.

"Anong sinabi niya?" Sky

"He's also a witness" lahat sila ay napabuntong hininga.

I told them what gabriel told me at pati sila ay nagulat.

"Bakit hindi narin ireport sa police? It's a murder" Sky

"Ano ka ba, we don't have any evidence" Heaven.

"Eh 'yong nangyari sa lolo ni sebastien?" Sevi

"Iniimbestigahan na ng mga pulis" alex

"Ang kailangan natin gawin ngayon mahanap muna si freja at ang mga anak ko. Mababaliw na ako, hindi ko alam kung nasaan sila, kung anong ginagawa sakanila ni maggie!" Inis kong sabi.

"Calm down, ginagawa na natin ang lahat" Aki said.

Hindi ko alam kung anong ginagawa sa pamilya ko. Hindi ko na kakayanin pa may nawala pa sa pamilya ko. And I won't let that happen again.

Biglang nag vibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya tinignan ko. May message.

Unknown :

Pumunta ka sa address na ise-send ko sayo, make sure na wala kang pag sasabihan, not even your friends. Kapag hindi ka sumunod sa usapan, sorry not sorry sebastien, ako mismo magdadala ng bungo nitong lovely wife at dalawang anak mo.

I'm watching you.

Fuck!

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon