• | cake sa birthday ;"Karalyn"
"Hmmm"
Minulat ko ang mga mata ko at bumungad ang mukha ni kristoff saakin. Umupo ako inalalayan naman niya ako.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"3 days kang tulog"
"H-ha?"
"P-paanong, nasa chapel ako 'di ba?"
"Hinahanap ka namin dahil anong oras na, pero sa pag iikot ko nakita kita sa chapel. Sobrang init mo at pinagpapawisan ka ng malamig. Sabi ko magtatawag ako ng doctor at tatawagin ko si sebastien pero sabi mo wag" napatingin ako sakanya. "Kaya doctor ang tinawag ko at tinago kita sa mga kaibigan mo"
"Ilang araw kang walang kain at walang tulog kaya bumagsak ang katawan mo. Sabi ng doctor kailangan mong magpahinga at uminom ng vitamins"
"S-si kierra?"
"Huwag kang mag alala kay sebriela, hindi umaalis sa tabi niya si sebastien. Alam mo bang nag aalala sila sayo? Ilang araw kang wala tapos hindi ako makapag salita dahil nga tinatago kita dito" dagdag niya.
"Dito ka muna, kailangan mong magpahinga. Mahina na ang kapit ng bata kaya kailangan mong inumin ang mga gamot-"
"Anong sabi mo?" Sabi ko dahil sa narinig kong sinabi niyang bata.
"H-hindi mo alam?"
"Anong sinabi mo kristoff?"
"Hindi mo alam na buntis ka?" Bigla akong natulala sa sinabi ni kristoff. "P-paanong-"
"Anong paano?" Awkward nitong sabi. "Paanong naging buntis ka? Seryoso ka ba sa tanong mo? Gusto mo ba sabihin ko sayo? Eh kaso wala ako nung may ginagawa kayo"
"I'll get you pregnant freja"
Napapikit ako ng mariin ng maalala ko yung nangyari saamin kung paano niya ibaon ang manhood niya sa loob ko at ramdam ko ang paglabas niya-
Sinabi pa nitong para siguradong may mabubuo raw pero... pero nag pills ako!
Teka jusko karalyn anong iniisip mo.
"N-nag pills ako"
"Pills? Ang awkward karalyn dahil hindi mo naman ako asawa pero kung nag pills ka baka hindi tumalab o baka late ka na nag pills" napatingin ako sakanya.
"H-hindi ko alam"
"Hindi ka ba masaya na buntis ka? Sa reaction mo kasi hindi ako sigurado o dahil sa sitwasyon niyo ni sebastien?"
"Hindi ko alam kristoff. Pwede bang satin lang 'to"
"Bakit? Matutuwa sila kapag nalaman nila"
Umiling ako. "Huwag muna, hindi ito ang oras para mag saya, dahil sa sitwasyon ni kierra"
"Huwag kang mag alala, hindi ko ipag sasabi. Hayss daddy duty nanaman ako nito, ako bibili ng cravings mo ha" nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko.
"Alagaan mo ang sarili mo ngayon, may bata na sa tiyan mo. Kahit wala kang gana kumain, kumain ka o isisiksik ko ang pagkain sa bunganga mo" aniya.
Masaya ako pero sa totoo lang? Ang dami kong iniisip. Sasabihin ko ba kay sebastien?"
"Pwede na ba ako ma-discharged mamaya?"
"Tatanungin ko ang doctor mamaya, sa ngayon ito tangerine ipagbabalat kita kainin mo 'to" aniya kaya tumango nalang ako.
Nang dumating ang doktor ay kinausap na namin ni kristoff dahil nga gusto ko na madicharged nang makita ko na ang mga anak ko. Pumayag naman ito pero ang daming binilin napag kamalan pang mag asawa kami jusko!
BINABASA MO ANG
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken Longings
Teen FictionPart Two of Chasing Safe Place (To Hide) The revelations...