• I saw Him ;Lia's POV :
Ilang araw ng umiiyak si karalyn. Diretso ang iyak niya at wala pa siyang tulog. Hindi pa siya umuwi para makapag pahinga. In short, hindi pa siya nakapag pahinga. Wala siyang tulog, wala ring kain.
Nasabi rin niya saakin ang tungkol kay sebastien, tinanong ko sila sevi pero maging sila sevi at iba nilang kaibigan ay hindi alam kung saan nag punta si sebastien. Ang huling sinabi ni sebastien kay sevi ay matagal itong mawawala at nag bigay pa ng pera si sebastien kay sevi para sa sahod niya. Nagtataka pa nga raw si sevi pero after non hindi na niya matawagan si sebastien.
"Lia lia!!"
"Oh? Ano!?" Inis kong sabi.
"Tignan mo yung tv!! Bilis!!"
"Ha!? Bakit?" Sabi ko dahil hinihingal si sevi.
"Aish!! Ako na nga!" Binuksan niya ang tv.
"K-karalyn" tawag ko kay karalyn. Si gabriel ay nasa news. Inaresto siya ng pulis dahil sa pag amin nitong plinano niyang gahasain si karalyn. Tinignan kang ni karalyn ang tv at wala itong naging expression na tila alam niya na ang nangyari.
Nag kibit balikat ako kay sevi.
Naaawa na ako sa kaibigan ko dahil sa nangyayari. Hindi namin makausap si karalyn dahil nananatiling sarado ang bibig nito. Magsasalita lang siya kapag may kailangan siya.
"Pakibantayan si kierra, may pupuntahan lang ako" paalam ni karalyn kaya um-oo agad ako. Kinuha niya ang susi ng big bike niya at ang helmet niya. Ganyan siya, araw-araw umaalis. Pero ang hula ko hinahanap niya si sebastien.
Palagi kasing hinahanap ni kierra si sebastien st hindi namin alam kung anong isasagot namin dahil ni isa saamin ay hindi alam kung nasaan si sebastien. Grabe talaga ang tadhana. Sobrang mapag biro.
Mapag biro ang tadhana kay sebastien at karalyn. Naging saksi rin ako sa dalawang 'yon. Kung paano mag tinginan ang dalawa alam kong sila talaga. The first time I saw sebastien, nakita ko na kaagad kung paano niya tignan si karalyn. Hindi man siya mag salita pero yung tinginan niya, alam ko ng siya na talaga.
Pero mukhang hindi pa tapos ang pagsubok sa dalawa. Pero sana, sana malagpasan nila.
Lord, pagtibayin niyo naman si sebastien at karalyn. Huwag mong hayaang sumuko sila.
"Tita witchy" narinig kong tumawa si sevi kaya binigyan ko siya ng masamang tingin.
Siya talaga ang dahilan kung bakit tita witchy ang tawag saakin ng triplets eh. Ginawa ba naman akong masamang tao at kontrabida sa disney princesses. Mukha bang ako ang nag bigay ng apple kay snow white?!
"Where's mom?"
"May pinunahan lang saglit baby"
"Is she with dad?" Napatingin ako kay sevi.
"Ahh kasi baby ang totoo hinahanap ng mommy mo ang daddy mo"
"Why? Nawawala ba si dad?"
"Hmm oo eh pero don't worry hindi susuko ang mommy mo, 'di ba? Walang kayang gawin ang mommy?" Tumango si kierra sa sinabi ni sevi.
Hindi talaga marunong mag sinungaling 'tong si sevi sa mga bata. Pilit niyang ipinapaintindi sa mga bata ang ganito ang ganyan. Open siya sa mga bata kaya hindi ako magtataka kung bakit ganyan ka-understanding at ka-mature ang mga bata sa ganyang murang edad.
Kaya nakakalungkot isipin na kung kailan magkakaayos ang dalawa ganito naman ang nangyari kay kierra. Lahat kami ay umiyak at nalungkot ng marinig naming binigyan na ng taning si kierra. 3 months to live? Napaka bata pa ni kierra.
Ang kapatid naman ni kierra sobrang tamlay at sobrang lungkot. Si alex naman ang nag babantay sakanila at ayaw daw kumain ng mga bata kaya sinabi namin na hayaan muna at i-check ang mga bata at kausapin.
Anak na rin ang turing namin sa triplets dahil napaka mapagmahal nila. Sobra.
Pinakain namin si kierra. At kitang kita ang pang hihina niya. Namamayat na rin siya at madalas wala pa siyang ganang kumain kaya minsan pinipilit namin siyang kumain, kahit isang kutsara lang.
Naisipan namin na ilakad lakad si kierra at naka wheelchair siya.
Ang daming tao at may mga bata rin na naka wheelchair at may sakit. Binilhan ko nga siya ng wig dahil hiniling niya rin ito saakin dahil lagas na lagas na ang buhok niya.
"Look oh, ang daming kids" sevi
"They are also sick like me?"
"See? You are not suffering alone kierra. Kaya mag pagaling ka okay? Kasi kasama mo silang gagaling that's why you are here"
"Yes pops, I will" mahina niyang sabi.
Habang busy kaming nag chi-chikahan ni sevi biglang nag salita si kierra.
"Ano 'yon kierra?"
"Dad"
"Ha?" Sevi
"I-I saw him! I saw dad"
"Saan? Wala naman"
"There! I saw him!" turo niya sa isang hallway kaya pinuntahan ni sevi pero wala naman daw.
"Baka kamukha niya lang?"
"I'm pretty sure it's dad tita witchy" pag pupumilit ng bata kaya bumalik na kami sa kwarto niya at pinag pahinga siya. Nagpaalan naman si sevi na mag iikot sa hospital nagbabakasakaling nandito si sebastien.
Hayss, naaawa ako sa bata gustong gusto niya talagang makita si sebastien.
Ng dumating si karalyn ay sinabi ko sakanya na parang nakita ni kierra si sebastien at sigurado raw siya pero inikot na ni sevi ang hospital pero hindi niya nakita si sebastien.
Dumalaw nga rin sila akihiro, sky, at heaven pero tulog na si heaven.
Pinag mamasdan ko si karalyn na hawak ang kamay ni kiera at nakatitig siya sa anak niyang babae.
Sinenyasan ni sevi si aki na sabihing kumain na si karalyn.
"Karalyn, kumain ka na. Kailangan mo na rin magpahinga"
"Ayoko ako, salamat"
"Kailangan mong mag palakas"
"Wala akong gana" ngumiti si karalyn pero alam naming pilit lang 'yon.
Nagpaalam kami kay karalyn na lalabas muna kami, alam kong gustong umiyak ni karalyn. Pag labas nga namin ay nakita namin itong umiyak kaya lahat kami ay nakaramdam ng sobrang lungkot.
"Anong gagawin natin? Ilang araw na siyang hindi kumakain, wala ring tulog" sabi ni sevi.
"What if lagyan natin ng pangpatulog yung inumin niya?" Suggestion ni sky.
"Oo tapos pag gising ka hindi ka na sisikstan ng araw. Tanga ka ba? Gustong bantayan ni karalyn si kierra hindi na nga umuuwi iyan eh" sabi ko.
"Pft nag suggest lang" sky
"Hinahanap ko rin si sebastien pero ayaw talaga mag pakita ng taong nag tatago. Dumaan din ako sa lolo niya pero maging siya ay nag aalala para sa apo niya" sabi ni aki.
"Dadalaw pala diya mamaya rito" dagdag ni aki.
"Sana makinig siya sa lolo ni seb" sabi ni heaven.
Tama, sana makinig siya. Dahil kung saamin hindi siya nakikinig sana naman sa lolo ni sebastien makinig siya. Pinapatay na siya ang sarili niya sa ginagawa niya. Pero hindi ko rin siya masisisi dahil sa sitwasyon at kalagayan ni kierra.
![](https://img.wattpad.com/cover/362005426-288-k78978.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken Longings
Teen FictionPart Two of Chasing Safe Place (To Hide) The revelations...