• | Heal and Grow ;Third Person Point of View :
Sa ilang araw na hindi pag paparamdam ni sebastien ay hindi sumusuko si karalyn na hanapin ang taong mahal niya. Ginagawa nito ang lahat para mahanap ang ama ng kanyang anak na nasa hospital ngayon at malala ang lagay ng kondisyon.
Si sebastien ay nasa simbahan ngayon at ilang oras ng naka upo at hindi umaalis sa pwesto. Sa ilang araw nitong hindi pag paparamdam ay nakapag isip at nakapag desisyon si sebastien na iwan muna ang kumpanya at naisipang ipag patuloy ang pag do-doktor. Si sebastien ay isang lisensyadong doktor at professional na doktor na nag o-opera.
Kinailangan lang nitong mag focus sa kumpanya dahil alam nitong mas kailangan siya ng kumpanya at nag iisang tagapag mana ng lahat ng ari-arian ng mga cavendish.
Ipinangako ni sebastien sa isang batang babae noon na siya ay isang magiging doktor pag dating ng araw, dahil gusto nito na kapag nagkaroon ng sakit ang bagang babae ay siya mismo ang gagamot sakanya na natupad naman dahil isa na siyang successful surgeon, hindi lang ito magaling sa pag hahawak ng kumpanya kundi, ay magaling din itong doktor.
Nag tra-trabaho ngayon si sebastien bilang doktor sa isang hospital na pag mamay-ari rin ng mga cavendish. Inisip nito na sana noon pa niya ito ginawa peto wala itong pinag sisihan sa kung anong naging desisyon niya noon.
Pag balik ni sebastien sa hospital ay agad din itong nag trabaho at isa-isang pumunta sa kanyang mga pasyente para tignan ang lagay ng mga ito. Nakangiting pumunta si sebastien sa kanyang pasyente at gustong gusto ni sebastien ang kanyang ginagawa dahil naaalala rin nito ang kanyang ina na isang successful surgeon.
Pero hindi alam ni karalyn at sebastien na silang dalawa ay nagkakasalisihan. Minsan pa ay sobrang lapit na nilang dalawa pero sadyang mapagbiro ang tadhana ng dalawa, nadadaanan na nila ang isa't isa pero hindi nila napapansin.
Pareho silang nasa iisang hospital pero iba ang doctor na tumitingin sa anak nilang si kierra. At ang doctor na iyon, ay ang kakilala rin nitong doktor at malapit kay sebastien.
Nakukuwento pa nito kay sebastien ang kalagayan ng bata, per hindi nito alam na si kierra ang tinutukoy ng kaibigan niya.
"May tatlong buwan nalang siyang natitira" sabi ng kaibigan ni sebastien.
"Sa gano'ng edad? Are you sure about that?"
"Oo, mayroon siyang lymphoblastic leukemia at malala na ito. Hindi na madadaan sa gamot at surgery" sagot ni sebastien. Parang may kung anong tinik na tumusok sa puso ni sebastien at hindi nito alam kung bakit kakaiba ang naramdaman niya sa sinabi ng kanyang kaibigan.
Hindi nawala sa isip nito ang sinabi ng kanyang kaibigan na doctor at gustong bisitahin ang batang tinutukoy ng kanyang kaibigan upang tignan ito.
Nasa harap si sebastien ng isang vip room ng isang pasyente, ang kwarto kung nasaan ang batang tinutukoy ng kanyang kaibigan. Bubuksan na sana nito ang pinto nang biglang may sumigaw at tumatawag ng doctor kaya agad itong tumakbo at pumasok sa isang kwarto. Agad na nagtawag ng nurse si sebastien at nag prepare ng cpr sa isang bata.
Ang batang ito ay pasyente rin niya na may sakit din na cancer na malala din ang lagay. Pero kahit anong cpr ang gawin nito ay hindi bumabalik ang pulso ng batang lalaki kaya wala na itong nagawa.
"Time of death, 2:30 pm" sabi ni sebastien at umatras. Rinig na rinig ni sebastien ang iyak ng ina ng batang lalaki. Humakbang ito palabas sa kwartong iyon at nakaramdam ng lungkot.
Ilang araw na rin itong nakakaramdam ng kakaiba at tila sumasakit ang puso nito sa hindi niya malamang dahilan. Kumikirot ang puso niya tuwing may nakikita siyang isang bagay na nakakapag paalala kay kierra. Hindi nito maintindihan kung bakit iniisip niya ang tatlong bata na anak ni kierra. Na tila gusto niyang makita ang mga ito pero nag pipigil itong puntahan sila.
Labis itong nag sisisi dahil sa ginawa nito noon kay karalyn na pag tataboy. Nabalitaan din kasi ni sebastien ang ginawa ni gabriel at inamin nga rin niya itong plinano niyang gahasain si karalyn.
Masyado kasi itong nabulag sa galit dahil sa sakit na naramdaman nito sa napanood niyang video. Inamin din ni gabriel na kasabwat niya si maggie kaya nakulong din ito.
Pero hindi parin iyon sapat dahil may kasalanan pa ang mga magulang ni gabriel kay karalyn kaya't pinaimbestigahan niya kung ano ang totoong nangyari noon at nakausap ni sebastien ang isa sa mga doktor na hindi pumansin kay karalyn ng humihingi na ito ng tulong dahil sa kakambal ni karalyn.
Sinabi ng doktor na iyon na karamihan sakanila ay sinabihan ng nanay ni gabriel na huwag pansinin at hayaan ang magkapatid. Nag alangan ang mga doktor at nurse pero binayaran niya ang mga ito at tinakot na tatanggalan sila ng lisensya at mawawalan sila ng trabaho st kahit saan pa sila magpunta ay walang tatanggap sakanila kaya natakot ang mga ito dahil sa banta ng ina ni gabriel.
Kinausap ni sebastien ang mga taong involve para mag testigo dahil sasampahan niya ng kaso ang magulang ni gabriel. At handang tumulong si sebastien sa mga ito oras na mawalan sila ng trabaho. Pinangakuan sila ni sebastien, alam ng mga taong involve ang consequences pero bilang doktor at nurse ay may sinumpaan sila dahil nagi-guilty ang mga ito dahil sa ginawa nila st may namatay na pasyente dahil sa maling ginawa nila.
Si karalyn parin ang iniisip ni sebastien at araw-araw itong nasasabik sa taong mahal niya. Tinatanong nito sa diyos kung hinahanap ba siya ng taong minamahal niya na siyang ginagawa ni karalyn.
Pero sa ngayon, ang gusto lang ni sebastien ay pareho silang heal at mag grow, and accept their mistakes on their own. Dahil masyado silang naging mapusok at nagkakasakitan dahil sa galit at sakit na nangyari sa nakaraan.
Tinanggap ni sebastien ang pagkakamali nito st labis na nagsisisi dahil hindi nito pinaniwalaan si karalyn noon. Alam niyang mali siya at pinag sisisihan na niya ang lahat ng nagawa. Dahil hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung pinakinggan at pinaniwalaan lang niya si karalyn.
Napagtanto nito ang pakikinig at tiwala ang importante sa isang relasyon. Dahil kung wala ito, wala ring saysay ang relasyon na patuloy nilang bubuoin.
![](https://img.wattpad.com/cover/362005426-288-k78978.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken Longings
Fiksi RemajaPart Two of Chasing Safe Place (To Hide) The revelations...