Chapter 72

91 2 0
                                    



• | cheater ;

Anong nangyari kagabi? Paano ako napunta rito sa kwarto namin? Eh nasa guest room ako ah! Napahawak ako sa likod ko na may bimpo at sa noo ko. Napatingin ako sa gilid at may palanggana at bimpo, si sebastien naman ay tulog sa tabi ko.

Napahawak ako sa noo ko, medyo okay na ang pakiramdam ko, tumango ako at bumaba para magluto. Oo nga pala, saturday ngayon at walang pasok ang mga bata.

Nakita ko ang phone ni sebastien kaya binuksan ko 'yon at nagpatugtog para naman hindi boring. 6 am palang naman. Si cathy ay umakyat sa island table at umupo.

"At anong kailangan mo? Mamaya ka pa kakain" Sabi ko sa pusa.

"Meow"

"Opo, mamaya pa nakshie"

"Meow"

Hinanap ko si browny at natutulog pa sa higaan niya. "Nako ang aga mo naman nagising, ang mga kasama natin sa bahay ay tulog pa"

"Meow"

"Very good, sumasagot nang maayos sa magulang"

"Meow" Natawa nalang ako sa ginagawa ko dahil kinakausap ko si cathy na sumasagot naman.

Nag timpla ako ng coffee ni seb after kong mag ayos sa lamesa pero nagulat ako nang makita ko siya sa gilid.

"Kain na" Malamig kong sabi sakanya. Omg paano kami mag kakaayos nito kung nagpapataasa kami ng pride?

Nakita ko siyang mag titimpla nang kape niya. "Meron na rito" pero parang hindi niya ako narinig kaya nainis ako. Ahh gano'n ayaw niya ang tinimpla ko!? Fine!!

Kinuha ko ang kapeng tinimpla ko at binuhos sa sink para makita niya. Padabog kong nilagay ang tasa sa sink.

"Aalis ako, pakainin mo ang mga bata" Pagkatapos kong sabihin iyon ay wala akong narinig na sagot mula sakanya.

ARGH!!! NAKAKAINIS!!!

Padabog akong umakyat sa hagdan. Sinilip ko ang mga anak ko at tahimik na pumasok. Magmayakap ang dalawa kaya napangiti ako.

Ang cute talaga. Parehas kong hinawakan ang pisnge nilang dalawa at hinalikan sa noo. Tumayo ako at lumabas at pumasok sa kwarto namin ni sebastien nang marinig kong nag ring ang phone ko.

Omg! Maraming missed calls.

"Hello?"

"It's max"

"OMG!!! MAX!!! Bakit ngayon ka lang tumawag!?"

"I'm sorry, I'm here na sa airport"

"Teka, bakit hindi mo sinabi saakin!? Nang bibigla ka! Teka susunduin kita nako!! Matutuwa si sev at atlantic"

"I'm sorry, I told tito alex and ian na uuwi ako. Sinabi kong huwag sabihin sayo para surprise"

"Ikaw talaga! Basta hintayin mo ako okay?"

"Take your time mom. I love you"

"I love you too max"

Naka ngiti kong inend ang call at nagulat ako nang makita si sebastien na nakasandal sa pinto at naka cross arms na parang kanina pa nandoon.

"Who called you?" Hindi ko siya sinagot at pumasok ako sa cr. Nawala tuloy ang ngiti ko.

"I said who the fuck called you freja!?" Nagulat ako sa sunod sunod na pag katok ni seb sa pinto ng cr.

Napairap nalang ako at binilisang maligo. Pag labas ko ay nakita ko siyang nakatayo na hinihintay ako. Pumasok ako sa walk in closet at namili nang isusuot.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon