• | celebration ;"I know what you are thinking" napatingin ako sa likod ko. Si sebastien, nakalabas na pala siya sa cr. Kakaatapos ko lang maligo at sumunod si sebastien.
Kinuha niya ang blower saakin at siya ang nag blower ng buhok ko. "Sebastien paano kung-"
"But you don't have to ask him directly"
"Nagtanong lang ako sebastien-"
"I know. But it's too complicated darling. Maybe hindi pa sa ngayon. Kapag nalaman niya, baka magulohan siya. Magulo na ang nangyayari sakanila ng daddy niya" tama si sebastien. Base sa kuwento ni beth kanina magulo nga ang pamilya niya.
"I'm here don't worry" tinignan ko siya sa salamin.
"Paano kung magkapatid kami?"
"Wala tayong magagawa. He's your brother"
"Pero mag pinsan tayo. Natatakot ako, kung gusto nilang pag hiwalayin ang mommy at daddy mo, paano pa kapag magpinsan nga tayo tapos nalaman nila na kasal tayo?"
"I will not let that happen. I'll protect you"
"Natatakot ako sa mangyayari kapag nalaman ng lola at lolo mo sa mother side. Hindi sila papayag sigurado ako"
"Calm down" aniya at pinisil pisil ang kamay ko. Hindi ko alam pero kapag ganito na natatakot ako at kinakabahan nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko maikalma ang sarili ko.
Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.
"Darling, look at me" tinignan ko siya sa mga mata niya. "Do you trust me?" Tumango ako.
"Then calm yourself. If you really trust me, maniniwala kang hindi ko hahayaan na mangyari 'yon"
Nang kumalma ako ay hindi parin binitawan ni sebastien ang mga kamay ko.
"You know what, May naisip ako"
May inilabas siyang dress.
"Wear this"
"Para saan?"
"You'll find out later" tapos bigla siyang kumindat saakin. Haysss aang pogi.
After niya ako i-blower, ako naman ang nag blower sa buhok niya.
"Akala ko hindi ka okay sa mother side?"
"Yeah, except for nicket. Nicket and I are close. Siya ang unang lumapit saakin, because he needs my help dahil wala siyang kaalam alam on how to manage a company" napatango.
"Buti naman kung gano'n. Tapos siya pala may ari nitong hotel" natawa ito sa sinabi ko.
"Nakakahiya kaya"
"Bakit ka mahihiya? I even paid-"
"Alam ko pero alam niya na may nangyayari 'no!"
"Of course we are a married couple, it's normal for them to think that way"
"Kahit pa!" Normal naman lahat sakanya eh ano pa bang magagawa ko?
"Namimiss ko ang mga bata. Hindi lang ako sanay na hindi sila nakakausap at wala sa tabi ko"
"Konting tiis nalang" aniya.
Nag bihis ako at pagtanggal ko ng bathrobe ang asawa ko titig na titig sa katawan ko.
"Sebastien 'yang mata mo"
"What?" Anong what?
Eh sa tingin niya palang mukhang may binabalak na. "Have mercy on me please. Masakit na okay" tumawa siya sa sinabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/362005426-288-k78978.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken Longings
Teen FictionPart Two of Chasing Safe Place (To Hide) The revelations...