• | Siblings ;Pag gising ko wala si sebastien sa tabi ko kaya bumaba ako at habang nag lalakad ako may tumawag saakin.
"Karalyn? Karalyn right?"
"Ahh yes" sagot ko. Babae siya, teka familiar siya.
"Teka 'di ba ikaw 'yong kasama ni sky sa hospital?"
"Ako nga" base sa suot niya mukhang nagtra-trabaho siya dito.
"Girlfriend ka ni sky?"
"Nako! Hindi. Ako pala si Valentine, Val nalang for short"
"Nice to meet you"
"Kaibigan ako ni lee, kasama namin siya sa apartment"
Si lia.
"Kamusta siya? Dumaan ako sa apartment pero walang tao"
"Ayon, nagkukulong sa kwarto niya. Pero dinalaw na niya si akihiro, nandoon nga siya ngayon pero sure ako pag uwi niya magkukulong ulit siya"
"Hindi ko pa siya nakakausap"
"Bigyan muna natin siya ng time" tumango ako.
Pero ang awkward dahil kami lang ang tao ni sebastien dito sa hotel I mean dalawa lang kami ni sebastien ang customer huhuhu.
"Valakubak!" Nakita ko naman ang pag iiba ng expression ni val sa tumawag sakanya ng valakubak kaya ako ay hindi na napigilang matawa.
"Ano nanaman!"
"Hindi ka ba happy makita ako val?"
"Tang*na neto pagkatapos mong ipagsigawang valakubak ang tawag mo saakin magiging masaya pa akong makita ka? Ha bethlog?" Bethlog?
"Ahh karalyn, si bethlog I mean beth kaibigan namin ni lee. Beth siya si karalyn"
"Omg! Ang ganda mo girl! Anong sabon mo? Ang lambot ng kutis mo"
"Hindi naman"
"Love" napatingin kami sa likod ni beth.
Poging lalaki.
"Love!"
"Ayan nanaman sila" reklamo ni val at umirap. Jowa ni beth, pogi.
"Love si karalyn, siya 'yong friend ni aleepunga" saan nila nakukuha ang nicknames nila? Bakit gano'n aleepunga, bethlog, at valakubak?
"Karalyn, si nicket boyfriend ko" Beth.
"Burnick" natawa ako bigla sa sinabi ni val. Napangiti na may halong hiya 'yong nick.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nila beth.
"Nako! Sila 'yong sinasabi ko sayo na nag rent nitong buong hotel for three nights" Val.
"Kaya pala walang tao, tapos iisa lang ang sasakyan sa parking lot" Beth.
"Darling" napatingin ako sa nag salita.
"Seb" napatingin si seb sa mga kasama ko.
"Uy! Sebby"
"Nicket"
"Magkakilala sila?" Tanong ni beth saakin. "Hindi ko rin alam, mukha" sagot ko.
Nagyakapan ang dalawa. "Gago ikaw pala nag rent ng three nights, ano ayos ba?"
"Shut up nicket kayle" bigla akong nahiya. Siyempre mukhang may idea sila anong nagaganap saamin ni sebastien.
"Nicket, this is my wife karalyn"
"Yeah, I already know her" napatingin si sebastien saakin at ngumiti lang ako.
"Buti pumunta ka rito?" Seb
![](https://img.wattpad.com/cover/362005426-288-k78978.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken Longings
Dla nastolatkówPart Two of Chasing Safe Place (To Hide) The revelations...