• | Stop ;Nandito ako sa company at nag umpisang mag work. Ang imo-model ko pala ay ang item ng company. Nakita ko nga na nag dra-drawing 'yong babae kanina na fashion designer pala. Nagulat nga ako dahil ang gaganda ng nga damit.
At sa darating na fashion show ay isa ako sa mag mo-model. Pinangarap ko rin maging fashion designer noon, pero hindi na ngayon. Wala akong alam sa drawing eh.
Pero nakakatuwa dahil sikat pala siyang designer. Nagustuhan nga raw niya ang outfit ko, eh si sebastien namili ng isusuot ko.
Nabalitaan kong aalis si sebastien, I mean out of the country. Nalaman ko lang sa secretary niya since minsan nalang dito si sevi at pinagpapatuloy niya ang pag aaral niya nang medicine.
Wala ba siyang balak sabihin saakin? Nakakainis ha.
"Karalyn"
"Y-yes?"
"Lutang ka. Kanina ka pa namin tinatawag. Lunch na"
"A-ahh oo sige puntahan ko lang si sebastien" Paalam ko at lumabas. Pumasok ako sa office ni sebastien at nag titipa lang siya sa computer niya.
"Kanina pa kita hinihintay. Kain na tayo, nagpaorder nalang ako" Tumango ako ay umupo sa sofa.
"Sebastien, kamusta si nicket?" Ewan ko pero 'yon ang lumabas sa bibig ko. Ilang araw ko nang iniisip si nicket. Nag aalala kasi ako.
"He's busy"
"Sebastien, puwede bang tulungan mo si nicket? I mean... nabalitaan ko kasing may malaking problema siya ngayon lalo na sa financial eh."
"Are you worried?"
"Hindi ko maiwasang hindi mag alala"
"Ayaw niyang tulungan ko siya financially"
"'Yon nga eh, pero saan naman siya kukuha nang pera pangbayad sa utang? Ang laki nang utang ng daddy niya sabi ni beth"
"Don't worry about him, ginagawan ko na nang paraan"
"May work ka ba mamaya?"
"Wala na tapos naman na kami. Bakit?"
"After this, wala na akong work. Sabay na tayo umuwi?"
"Sige, gusto ko na rin umuwi after nito" Walang gana kong sabi pero mukhang may binabalak ang lalaking 'to.
Medyo sumasama rin ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit. After namin kumain ay inaya ko na si sebastien umuwi dahil mukhang magkakasakit ako sa sama ng pakiramdam ko.
Habang nasa kotse kami at nakasandal ang ulo ko sa bintana naramdaman ko ang kamay ni sebastien sa hita ko pero hinayaan ko na.
"You okay?"
"Hmm. Okay lang"
"You look like you're not"
"Okay lang ako" Sabi ko st tinignan ko siya. Habang ang kamay niya ay nasa hita ko, niyakap ko naman ang braso niya at pinatong ang ulo ko sa sakanya.
"Are you not feeling well?"
"Medyo. Pero okay ako"
"Pag dating namin, uminom ka kaagad ng gamot"
"Nakainom na ako, after kumain" Nakapikit kong sabi.
Sa totoo lang napapaisip ako. Tuwing may nangyayari saamin ni sebastien, natatakot ako. Natatakot ako pero at the same time napapatanong ako ng 'bakit?'.
Bakit hindi pa ako nabubuntis?
Bakit natatakot ako? Natatakot akong mabuntis ulit?
Mula nang makunan ako natakot ako. Parang ayoko na. What if mawala ulit? What if makunan ulit ako? What if mah manakit ulit saakin?
BINABASA MO ANG
Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken Longings
Ficção AdolescentePart Two of Chasing Safe Place (To Hide) The revelations...