Iyak ako nang iyak ngayon sa kwarto namin dahil sa sinabi ni sevastian. Ilang ulit na nag replay sa utak ko ang mga salitang binitawan niya kanina bago siya nakatulog.
"If he's cheating on you mom... don't hesitate to file a divorce."
"If he's cheating on you mom... don't hesitate to file a divorce."
"If he's cheating on you mom... don't hesitate to file a divorce."
"If he's cheating on you mom... don't hesitate to file a divorce."
Paulit ulit 'yon sa utak ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin 'yon ni sevastian. Naiipit ako. Nahihirapan. Sobrang sikip nang dibdib ko, parang sasabog na ito sa sakit na nararamdaman ko.
Ito ang bagay na ayokong mangyari, pero anak ko mismo ang nagsabi. Ang sakit.
Sobrang sakit... lumaki ako na walang tumayong ama. Lumaki ako sa pag mamalupit ni mama, walang naging magulang saakin. Dahil naging magulang ako sa sarili ko at sa mga kapatid ko.
Nararamdama ko ang nararamdaman ni sev pero ibang iba ang sakit kapag sa anak mo na pala mismo ang nagsabi na mag hiwalay nalang kami nang daddy niya.
Halos dalawang oras na akong umiiyak at hindi ko parin maikalma ang sarili ko. Pinipigilan kong humikbi o mag ingay dahil baka marinig ako ni sev.
"Don't hesitate to file a divorce"
Halos mag huramentado na ang puso ko, hindi ko kasi magawang mag wala pero 'yong puso ko ay nag wawala na sa loob ko. Hindi ito ang pinangarap ko para sa mga anak ko.
Sinabi ko pa sa sarili ko, hindi ko hahayaang mangyari sa mga anak ko ang napagdaanan ko noon. Pero ano 'to? Bakit hindi matahimik ang pamilyang 'to?
Okay na eh. Masaya na pero bakit pilit paring sinisira nang tadhana? Isn't it enough?
Ayoko lang namang lumaki ang mga anak ko nang may sama ng loob sila sa daddy nila eh. Ayokong dalhin nila 'yon paglaki nila.
Sa ilang oras kong pag iyak at pag e-emote. Nang naikalma ko na ag sarili ko at nag hilamos ako at suminga kahit na sobrang barado na ang ilong ko. Ayokong mag luto, wala akong gana. Baka mapag tripan ko at mapag buntongan ko pa ang lulutuin ko. Nag order nalang ako nang pagkain.
Pero sunod sunod na may nag message saakin. It's sev.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oh no!
Bababa ba ako? Baka makita ni sev ang namumugto kong mga mata!?
Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan 'yon. Pero hindi ko inaasahan na si sebastien ang bumungad saakin. Hindi ko siya tinignan at tuluyan na akong lumabas at bumaba.