Chapter 76

102 1 0
                                    



• | Or is it just me? ;

Sevi's POV

Nakatingin lang ako kay karalyn na payapang natutulog. Hinatid ko si sev sa school at pag dating ko ay magang maga ang mata ni sebastien, lalong lalo na si karalyn. Gusto ko sanang mag tanong pero ayoko namang mamatay nang maaga. Baka barilin ako ni sebastien.

Tinanong ko si sev kanina pero sabi lang niya mom cried last night. Malamang, halata nga eh. Ang gusto kong malaman anong rason. Pero ewan ko ba sa batang 'yon, manang mana kay sebastien. Eh halos kami ang nagpalaki sa magkakapatid tapos ang ending, pag uugali ni sebastien ang magiging ugali niya.

Grabe ang pamamaga nang mata ni karalyn, nag iyakan ba sila kagabi?

"Bossing, ayos lang ba kayo? Gusto niyo ipagluto ko muna kayo?"

"No, thanks you" Naks! Totoo ba ang narinig ko? Si bossing, nag thank you saakin? Aba nag babagong buhay si pinuno!

"Do I really deserve her?" Napukaw nang tingin ko si bossing nang mag salita siya.

"Oo naman. Eh nakita ko kung paano ka nag hintay sakanya nang matagal. Tsaka, mahal na nahal ka ni karalyn boss. Marami lang talagang nangyari sakanya na mahirap kalimutan dahil hindi naman biro lahat nang pinag daanan niya, kayong dalawa" Never kong nakausap si bossing nang ganito kaya sige, sasabayan ko na kahit nakakapanibago.

"Nicket need to know the truth"

"Eh paano si karalyn? Baka magalit"

"They both need each other." Hindi ko alam anong plano ni bossing. Ang hirap niyang basahin. Iba ang aura ni bossing ngayon. Ang lanta niya, legit.

"Akala niya... wala siyang nagagawa para saakin" napatingin ako kay bossing na nakatitig kay karalyn na natutulog. Ibang iba talaga kung paano tignan ni bossing si karalyn.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Akala niya... hindi niya ako naco-comfort. Hindi niya ako naiintindihan, hindi niya ako inuuna, hindi inaalagaan" Gets ko na, kaya ba nag iyakan sila kagabi?

"She's right sevi. Hindi pa ako nakakamove-on sa pagkawala ni kierra, ni lolo, ni aki, at sa parents ko. Hindi ako nakapag luksa nang maayos, kaya hanggang ngayon nag luluksa parin ako sa pagkawala nila."

"At sinarili mo 'yon dahil ayaw mong mag alala si karalyn 'di ba?" Kabisado ko na si bossing, sa tagal ng pinagsamahan namin kahit utot ni bossing alam na alam ko. "Sa tingin ko, kaya naman iniisip ni karalyn 'yon dahil hindi ka nga talaga niya lubusang naiintindihan dahil sinasarili mo ang mga nararamdaman mo. Hindi sa nakikialam ako bossing pero, mag asawa kayong dalawa. Dapat kung gaano siya ka-open sayo, dapat gano'n ka rin" Dugtong ko kahit kinakabahan ako baka bigla lng bigwasan ang napaka pogi kong mukha.

"I don't know. Or is it just me? Or am I the reason bakit 'yon ang mga iniisip niya?"

"Marahil" Mabilis kong sago. "Pero isa lang ang alam ko. Mahal na mahal ka ni karalyn pinuno" seryoso kong sabi. Totoo naman ang nga sinabi ko. Noon pa man na nag tatago siya sa brazil, madalas akong isana nila aki para mabisita sila sa brazil noon gamit ang private plane nila aki. Alam kong gustong gusto niya nag tanong tungkol kay sebastien kaya kusa kong inoopen ang topic na 'yon para naman may update siyang okay lang si sebastien. Pero hindi ko sinabi na nagkaroon siya nang girlfriend.

Noon pa, madalas nag cutting si sebastien tinatanong namin kung saan siya pumunta pero ang sagot niya umuwi siya dahil boring ang klase. Pero nang sundan namin siya laking gulat namin na nag cu-cutting siya at kaya pala madalas ay hindi namin siya nakakasama dahil sa simbahan lang pala siya naka upo. Akala namin uma-attend lang nang mass pero nang hintayin namin siya ay halos buong araw siyang nakaupo sa simbahan. Gusto namin mag tanong pero minabuti nalang naming hindi mag tanong sakanya dahil alam naming hindi naman kami sasagutin ni sebastien. Tapos ang lagkit pa nang tingin niya noon kay karalyn. Dahil nga miyembro nang majorette si karalyn. Nakangiti siya habang pinapanood si karalyn noon.

Chasing Safe Place ( PART TWO ) The Unspoken LongingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon